Chapter Twelve

1.9K 67 2
                                    


Magmula ng umamin sa akin si Vince na alam niya ng hindi ako ang asawa niya ay hindi na siya masyadong nakikipag usap sa akin. Hindi ko alam pero inis na inis ako sa ginagawa niyang pag iwas sa akin.



Ang mama naman niya ay naging maayos na ang pakikitungo sa akin tuwing papakainin ko siya at kung minsan ay inilalabas ng kuwarto. Kaharap na rin namin itong kumakain sa tulong ng bago niyang nurse.




Nasa hapag kainan kami ng umagang yon at may sasabihin daw ang mga bata sa amin.


"Dad, Mom we have something to tell you." Sabi ni Irish.



"Ano yun?" Tanong ni Vince.



"Tutal summer naman po ngayon baka pwede po na mag out of town naman po tayo. Boracay, Palawan, cebu. Kahit saan po." Sabi ni Irish.




"Busy ang schedule." Tipid na sagot ni Vince.



Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Irish at ng mga kapatid niya. Ano bang klaseng ama ang taong to at mas importante ang negosyo niya kesa sa mga anak niya?



"Mas importante ba ang Negosyo mo kesa sa mga anak mo Vince?" Tanong ko.


"Ang negosyong ito ang bumubuhay sa kanila." Anya saka na tumayo at umalis.



Mabilis din akong tumayo at sinundan siya. Mabilis siyang maglakad kaya ng nasa sala na siya ay hinila ko siya sa braso.




"Vince wait!" Sabi ko.


Huminto naman siya at humarap sa akin.


"Vince hindi mo ba nakikita na gusto kang makasama ng mga anak mo? Okey, hindi mo nga sila tunay na anak pero Vince ikaw lang ang kinikilala nilang ama. Gusto mo bang mawala sila sayo? Gusto mo bang tuluyan na nilang hanapin ang ama nila at sumama dito?"



"If they want to find their real dad its fine. Hindi ko naman sila mapipigilan e." Anya.


"Ganyan ka ba talaga kamanhid?! Ako nga na hindi ko sila tunay na anak pero napamahal na sila sa akin. Vince halos isang buwan ko pa lang silang nakakasama pero mas malapit pa ako sa kanila kesa sayo! Ikaw ang ama nila sa birth certificate nila at pangalan ko ang nakalagay na ina nila. I can take them away from you kung gugustuhin ko." Sabi ko.



"You're leaving?" Tanong niya.



"You know that i am not your wife so i can leave whenever i want. Tutal wala naman akong ginagawa dito. I miss my life in New York. But i cant leave the children like this. Hindi ko sila kayang iwanan sa isang ama na kagaya mo. Siguro hahanapin na lang namin ang tunay nilang ama and if their dad take the responsibility to take care of them doon lang ako aalis." Sabi ko ulit.



Tinalikuran ko na siya pagkasabi ko non. Babalik na ako sa kusina. Nagulat pa ako ng mabilis niya akong nilampasan at nauna pa siya sa aking makarating sa kusina.


"Hey kids, prepare your things. Next week pupunta tayo sa resthouse natin sa Zambales." Narinig kong sabi niya.



"Talaga dad?!" Tanong ni Irish.



"Yup! May kailangan lang akong ayusin kaya next week na lang tayo pupunta don." Anya.



Naglundagan sila sa tuwa at niyakap nila ang daddy nila. Tumingin siya sa akin habang nakayakap sa kanya ang mga bata.



"Pasensiya ka na Honey, hindi lang kasi ako nasanay na maglambing kayo ng mga bata sa akin." Anya.




What?! Tinawag niya akong honey?! Antipatiko talaga tong kumag na to.



My Unknown HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon