20. beach house pt. 2

Start from the beginning
                                    

"Crush pa din." -si Judd pa din ang sumagot na nakasmile.*^__^* Smile-smile lang din ako nito.

Naramdaman ko naman na kinurot ako ni V.

"Ano?"

"Oy, nagseselos na yang si V." -sabi ni Jin

"Hindi no. Mahal ako nito." -sabi ni V.

"Wala akong sinabi." -kinurot na naman nya ako sa hita. Nakashorts lang kaya ako.

"Para saan yung kurot?"

"Dapat nga hindi yun ang parusa mo eh." -sabi nya.

"Laging nagwa-war ang dalawang 'to." -tanong ni Sean.

"Tama ka nga dyan, Sean." -sang-ayon ni Johnny

"Sina Jin at Sam, love birds. Itong dalawang 'to  Angry birds? Haha"-sabi ni Harry sabay tawa nila Jimin.

"Hoy! Baba mo!" -sabi ni V sabay lagay ng hotdog sa bibig nya.

"Joke lang!" -sabi naman ni Harry.

"Puro tayo usap. Maligo na tayo sa pool." -sabi ni Sam.

-

Nasa pool na silang lahat. Hindi ako ganun marunong lumangoy kaya hindi ako naligo. Nasa gilid lang ako ng pool nakaupo. Nasa tubig ang dalawang paa. Nagulat naman ako ng may humawak sa paa ko. Si Jude lang pala.

"Ayaw mong maligo?" -tanong nya sa akin.

"Alam mo naman na hindi ako gaanong marunong lumangoy."

"Okay lang yan. Halika na dito."

"Malalim dyan noh. Ayoko."

"Bahala ka. Hindi ka mageenjoy. Basta mamaya ha."

"Ikr."

"Alis na ako. Parating na si V." -sabi niya sabay layo sa akin. Lumingon naman ako sa likod at parating nga sya na may lollipop sa bibig. Parang bata lang?

Tumabi sya sa akin.

"Anong pinagusapan ninyo ni Jude?" -tanong nya sa akin.

"Gusto mo malaman?"

"Kaya nga nagtatanong eh. Stupid!"

"Simula ng naghiwalay kayo ni Lucy, Tssss ka ng tssss. May pa Aiiiish! Aiiiish! ka pa. Ang harsh mo na, Alien ka. Stup----" -hindi ko natapos ang sasabihin ko. Pinahid lang naman nya ang lollipop nya sa labi ko or should I say, ginawa nyang lipstick ang lollipop nya sa labi ko.

"Alien, anong ginagawa mo?"

"Shhhh my world, sharing is loving." -sabi nya sabay bigay ng peck kiss sa akin. Natulak ko naman sya sa pool! "ALIEN!"

"Easy! Haha" -sabi niya na may tawa pa.

"Ooooooy! Ang sweet nila!" -sigaw ni Johnny.

"Ooooooy! Hindi na angry birds! Sweet birds na!" -narinig kong sigaw ni Harry.

Hinila naman ako ni V sa pool. Crap! Malalim dito. Walang ibang makapitan eh, kaya kumapit ako sa kanya.

"Langya! V! Hindi ako swimmer!"

"Hinulog mo ko eh. Ngayon, patas na tayo." -sabi nya sa akin.

"Alien ka talaga!"

"And you're my world." -my world mukha nya.

"Hindi bagay!"

"Anong gusto mo? Spaceship?"

"Wala. Punta na tayo sa mas mababaw. Natatakot ako sa malalim."

"Bakit? Ayaw mo nang kumapit sa akin?"

"Aiiiish!" -white tshirt pa naman ang suot ko baka babakat ang suot ko. Crap!

"Teka lang. Palitan mo yang tshirt mo. Manipis eh!"

"Manyak! Binasa mo kasi ako eh. Punta muna tayo sa mas mababaw parang nalulunod ako dito."

"Sige, kapit ka sa likod ko." -no choice kaya kapit na lang tayo. Nung nasa hanggang dibdib ko yung tubig kinuha nya yung kamay ko na nakakapit sa kanya. Hinubad nya yung tshirt nya.

"Ba't mo hinubad t-shirt mo?"

"Gamitin mo yan, okay?" -sabay abot sa akin.

"Paano ka? Ayan ka na naman eh."

"Maganda naman katawan ko ah."

"Mayabang ka talaga." -sabi ko sa kanya sabay kuha ng black t-shirt nya.

Hinila nya ako hanggang beywang na lang ang tubig. Ginamit ko naman na takip yung t-shirt nya. Anyway, kami lang ang tao na nandito sa pool at beach house.

"Protective na boyfriend huh?" -sabi ni Jimin.

"Protective din si Jin. Kanina pa nya tinatakpan mata ni Sam haha." -sabi ni Sean.

"Jin, ano ba?" -pagpupumigil ni Sam. Takpan ba naman mata mo.

"Wag kang tumingin kay V dapat sa akin lang." -sabi ni Jin sa kanya.

"Hindi naman ako tumingin ah." -sabi sa kanya ni Sam.

"Nakita kita eh."

"Ano naman ngayon? May Gaille na si V. Tumingin lang naman ako sa kanila dahil ang sweet nila. Wag kang magisip ng iba."

"Nako! Nag-aaway na ang love birds." -asar ni Johnny.

"Ow! World War Birds na ito!" -sabi naman ni Harry.

"Bahala ka nga dyan. Seloso!" -sabi ni Sam sabay walkout.

"Oy! Sorry na! Wifebunny naman!" -si Jin naman hinahabol sya.

"Wag natin silang gayahin, my world ha? Wag kang titingin sa iba, dapat sa akin lang." -sabi ni V sa akin. Nahiya naman ako sa sinabi nya. Ano nga ba kami?

"Yay! V, may pamyworld-myworld ka pa!" -sabi ni Jimin.

"Alien nya ako eh kaya my world ko sya." -sagot niya kay Jimin.

------*END OF CHAPTER TWENTY*-----

Sino ang pwede maging girlfriend ni Jimin? Bigyan nyo ako ng pangalan. By the way, thanks for the vote guys.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now