Kabanata 9 - Pagtapos sa Bangungot ng Nakaraan

24 7 0
                                    

Sinimulan nang ipautos ni Mr. Clavio sa mga tauhan niya na ipasok na ang mga baril at droga sa hide-out nila.

"Bilisan niyo at baka may mga parak na mapadaan!" utos niya.

"Opo, sir," sagot ng ilan at kumilos na.

Nasa likod ng puno si Cydrick at nakikinig sa usapan.

Unti-unti na rin siyang lumapit.

"Hoy!" tawag ng lalaki sa kanya.

Nang makita siya nito ay lumapit ito. "Teka... diba, ikaw 'yong pamangkin ni Mr. Sanchez?" tanong nito.

Inilapag nito ang dala saka inayos ang pagkaka-tape. Nagtanong itong muli na hindi nakatingin sa kanya. "Ba't dito ka dumadaan? May ipina-uutos ba si Mr. Sanchez?"

Pagharap nito ay kaagad niyang pinalo gamit ang baril niya. Natumba ito. "Pasensya na, Pare."

Nagpatuloy na rin siya sa paglakad.

May dumaan na lalaki, nagtago muna siya. At nang makabuwelo ay binigla niya ang leeg nito, natumba ito.

May dumaan pa na lumabas at umihi yata, kaagad na niyang pinalo ang mga ito sa ulo at sabay na natumba.

"Pare, malaki ba ang parte natin dito?" Narinig niyang wika ng isang lalaki.

"Oo naman. Busog na naman tayo ng medisinang nakakaadik," sagot ng kasama nito at napahalakhak pa.

Sinitsitan niya ang mga ito...

Nasa likod pa lamang siya ng kahoy na bakod nang lumapit ang mga ito.

Dali-dali niyang inumpog ang ulo ng isa, kaagad naman siyang sinuntok ng isa.

Muling tumayo 'yong isa at nagsuntukan silang tatlo.

Kaagad niyang pinalo ang isa nang makabuwelo siya, bubunot na sana ng baril 'yong isa pero agad din niya itong pinukpok ng kahoy.

Nagpatuloy na siya sa pagpasok.

Tumalon siya mula sa kabila.

"Hoy! Sino ka?! Anong ginagawa mo riyan?" tanong ng lalaki.

Natigilan si Cydrick. "At ikaw? Sino kang kumag ka?" biro niya.

Akma na itong kukuha ng baril pero inunahan na niya.

Napukaw ng putok ng baril niya ang katahimikan ng gabing iyon.

Dali-dali siyang nagtago.

------------
Nagkaguluhan ang mga tauhan. Maging si Mr. Clavio na pansamantalang nagpapamasahe.

"Ano iyon?" tanong ni Clavio.

"Don't mind it, loverboy. Tauhan mo lang 'yon, baka nagkakatuwaan lang," sagot ng babae.

Tumayo ito at nagsuot ng damit. Kinintalan muna ng halik ang babae. "I'll check it out, baby. Wait here," saka lumabas.

"Anong putukan iyon?" tanong ni Mr. Clavio sa mga tauhan.

"Hindi po namin alam, sir," sagot ng mga ito.

"Mga inutil! Baka mga parak at nakita tayo! Sige! Magsihanda kayo! Madali kayo! Itago ang mga druga at baril!" utos nito.

Maya-maya'y pumasok ang isang lalaki. Duguan ang ilong nito.  "Sir, hindi po mga parak...."

"Kung hindi ay sino?"

"Iyon pong lalaki na nagpakilalang pamangkin daw ni Mr. Sanchez."

Nagalit si Mr. Clavio at nagsilabasan ang mga ugat nito sa leeg. "Ang hayop! Nagawa niya pang bumati sa aking kaarawan! Iho de puta! Nagkamali siya ng binangga!"

Alam ng Ating mga PusoWhere stories live. Discover now