Kabanata 6 - Saliw ng Ritmo'y Damhin

30 8 0
                                    

Muling nakalipas ang tatlong taon...

Proud na proud na tinititigan ni Setsue ang sarili. "Hmmmm.. napakaganda ko...."

Nakaharap siya sa full-sized mirror niya sa kanyang silid.

Katatapos niya lang maligo noon. Nakasuot pa lamang siya ng ternong underwear na kulay itim.

Pero saglit siyang natigilan at naupo sa kanyang kama.

Kaydali ring lumipas ng panahon. Matapos ang tatlong taon, naging okay na ang lahat sa kanila.

Ang Mama at Papa niya, still very in love sa isa't isa. Ang kuya niya naman ay abala na sa pagpe-prepare nitong balak na pagpapakasal sa girlfriend. Siya naman ay malapit nang matapos sa Baitang Labindalawa. And she swear, pagkatapos niya sa baitang iyon ay 'di na muna siya mag-aaral sa kolehiyo.

Naalala niya si Cydrick.

Umalis na ito sa bahay nila last year dahil naging successful na ito sa pagtatrabaho.

Nakapagpatayo na rin ito ng sariling bahay. Always pa rin naman itong dumadalaw sa kanila, lalo na kung tungkol sa business ang sinasadya.

Ang kaso nga lang, 'di na siya nito masyadong kinakausap, and worst is... iyong 'di na niya ito talaga nakakausap.

Sobrang busy na nito ngayon. Naiisip pa rin ba siya nito?

She already missed him so much... Kung noon ay madali niya itong nalalapitan, ngayon ay hindi na.

He's almost twenty-eight na, malay niya ba kung may girlfriend na ito ngayon?

Nasaan kaya ito ngayon? Nais niya sana itong makita kaso hindi niya alam ang bago nitong address.

Maya-maya'y may kumatok sa kanyang pinto.

Kinuha niya ang roba at isinuot iyon.

"Bakit?" tanong niya nang mabuksan ang pinto. Nandito ang bago nilang kasambahay.

"Ms. Sanchez, mamili ka na ng malaking cake dito, ohhh.." nakangising sabi nito na ipinakita pa sa kanya ang brochure.

Tiningnan niya iyon. "Ano 'to? Para saan?"

Pumalatak ito. "Ma'am, diba, lapit na debut mo?"

Pinitik niya ang noo nito. "Ruth, ano ka ba? Matagal pa iyon," sagot niya at akmang isasara ang pinto pero hinarang nito ang kamay.

"Basta ngayong taon mangyayari ma'am ay malapit na talaga iyon," panangga nito.

"Ilang buwan pa kaya, ikaw talaga... Sige na..." at isinara niyang muli ang pinto ngunit napatili si Ruth mula sa labas..

Nataranta siya at dali-daling binuksan ang pinto. "Bakit kasi hindi mo pa inaalis ang kamay mo? Eh, tapos na ang sadya mo, diba?" ngumiwi pa siya.

Akma na niyang isasara ulit ang pinto nang magsalita ito. "Nandito kasi si Sir Cydrick... Wala pa kasi'ng Mama at Papa mo, baka gusto mong kausapin muna," mangiyak-ngiyak nitong sabi.

Lalo niyang binuksan ang buka ng pintuan. "Bakit 'di mo sinabi kaagad?" Dama niya na rin ang mabilis na pintig ng kanyang puso.

"Eh, hindi niyo po ako binigyan ng seconds..ehh," saad nito.

Ngumiti siya. "Sorry na... Pero sigurado ka ba?"

Tumango ito at umalis na.

Hindi na siya nag-aksaya ng segundo.

Isinara na niya ang pinto at dali-dali niyang isinuot ang regalo sa kanya ni Sara na bestidang pula.

************************************

Alam ng Ating mga PusoWhere stories live. Discover now