Kabanata 7 - Pagkukubli sa Totoong Nararamdaman

27 8 0
                                    

Nang nahanap ni Setsue ang address ng tinitirahan ni Cydrick ay nagmamadali na siyang umalis.

Ang totoo ay field trip nila ngayon, bilang last year daw ng bonding moments nila. Alam iyon ng parents niya kaya binigyan siya ng allowance.

Ngunit iba ang sumasagi sa isipan niya....
Ang mapuntahan si Cydrick at makapag-sorry dito.

************************************

Habang nag-eensayo si Cydrick ay kaharap niya ang litrato ng mga magulang niya.

Iyon ang lakas niya para makapag-ensayo ng mabuti. At sa kaliwa niyon ay ang litrato ni Mr. Clavio na may ekis.

Maasim niya itong nginitian. "Malapit na rin, Mr. Clavio.... ang araw ng paghihiganti... Sayang at ilang taon din ang pinalampas ko. Pero ngayon, akin na talaga ang alas," matigas niyang bilin saka muling nag-ensayo ngunit muling sumagi sa isipan ang nangyari kagabi.

Ang mga salitang ibinigkas ni Setsue na talagang tumatak sa isipan niya--

"C-Cydrick.... M-Mahal kita."

Naipikit niya ang mga mata...

Ano ba ang dapat niyang gawin?

Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Setsue pero 'di niya iyon pwedeng tugunan.

Hindi niya akalaing mamahalin siya nito.

Basang-basa na siya ng pawis. Tumayo na siya at maliligo na muna saka tutuloy sa secret basement niya para makapag-ensayo sa paggamit ng baril.

************************************

Narating na ni Setsue ang bahay.

Ito nga! Kaya pinindot na niya ang doorbell.

Sinipat niya ang oras, alas tres y medya na ng hapon. Ang taas pala ng ibiniyahe niya.

Muli niyang pinindot ang doorbell pero walang nagbubukas ng pinto.

Ipinasya na niyang pihitin ang seradura at bumukas naman ang pinto.

Tumuloy na rin siya.

"Cydrick?" tawag niya rito nang mailapat ang mga paa sa sahig.

"Wow... Ang ganda pala ng bahay niya. Pang-mayaman talaga ang dating." Naibulong niya sa sarili nang masulyapan ang bahay.

"Hmm, nasaan kaya siya?"

Hinawakan niya ang cabinet, lamesa, at umupo sa sofa.

Kung anu-ano pa ang ginawa niya.

Hihintayin niya na lamang si Cydrick. Kinuha niya ang album nito at tiningnan ang mga picture. Nandoon ang parents nito, ang pamilya niya, at siya.

Nang maibalik na niya iyon sa lalagyan ay natabig niya ang picture frame.

Dali-dali niya iyong pinulot at tinititigan ang litrato ng binata.

************************************

"Tigil!!!!!" sigaw ni Cydrick mula sa ibaba. May dala pa itong baril.

"Ayyyy!!!!" tili niya dahil sa gulat at nabitiwang muli ang litrato nito.

"What are you doing here, Setsue?" tanong nito nang mapagsino siya.

Pinahiran nito ang pawis sa mukha, wala rin itong suot na pang-itaas.

Napalunok siya. "Me abs siya.... yummy..." nasagi sa kukuti niya at pinilig ang ulo para sawayin. "Eh, ba't may dala kang baril?" itinuro niya pa iyon.

Itinago nito ang baril sa may drawer at pinulot ang frame. "Akala ko, magnanakaw," sagot nito.

"Kung sakaling may magnanakaw nga, babarilin mo talaga?" biro niya.

Alam ng Ating mga PusoOnde histórias criam vida. Descubra agora