Kabanata 3 - Hiwaga ng Tadhana

32 8 0
                                    

"Happy birthday to you .. Happy birthday, Setsue," maligayang pagbati at pagkanta ng mga bisita para kay Setsue.

Today is her 12th birthday. Tiningnan niya ang mga tao sa paligid; naririto ang kanyang pamilya, mga pinsan, kapitbahay at mga kaibigan. Ngunit wala si Cydrick.

Nalungkot ang mumunting bahagi ng puso niya.

"Anak, you make a wish and blow the candles," utos ng Papa niya.

Tinitigan niya ang cake at ibinulong sa hangin ang mga salitang ito. "Sana, makapunta si Cydrick ngayon dito," at hinipan na ang kandila.

Nagpalakpakan ang mga tao.
"Oh sige na, magsikain na tayo. Halina kayo..." pag-aya ng Mama niya sa mga bisita.

Nilapitan niya ang lamesa ng family niya. "Pa, Ma, doon po muna ako sa garden. Medyo masakit po kasi ang tiyan ko."

Nagtaka ang mga ito. "Bakit anak? Anong nangyari? Hindi mo ba gusto na sa gabi idinaos ang kaarawan mo?" nababahalang tanong ni Jean.

"Hindi po, Ma. Kung tutuusin nga po ay sobrang saya ko talaga. Talagang dama ko po ang inyong pagmamahal para sa akin. Salamat po for this kahit na busy po kayo," paliwanag niya.

"We are responsible for it, anak," hinimas nito ang buhok niya. "Oh sige anak, kung may kailangan ka ay tawagin mo lang kami."

Tumango lamang siya at pumunta na sa garden.

Pagkaupong-pagkaupo niya sa de-bakal na upuan ng garden nila ay dinama ang simoy ng hangin. Hindi niya alam kung kelan at bakit niya na-miss si Cydrick.

Pumatak na rin ang dalawang butil ng luha mula sa kanyang hazel brown eyes.

Hindi niya mawari kung bakit imbes na magsaya siya dahil kaarawan niya ay parang may namumuong lungkot sa kanyang puso.

Pinikit niya ang mga mata at si Cydrick na ang naging laman ng isipan niya.

Ang totoo niyan, matapos iyong araw na naghabul-habolan sila ni Cydrick ay minsan na lang niya itong makita. Pero iyong panaginip niya gabi-gabi ay sila ni Cydrick ang tauhan doon. Hindi niya maintindihan kung talaga bang nagugustuhan na niya ito.

Huli niya itong makita noong Graduation niya sa Elementary. Bigla nalang itong sumulpot sa harapan niya at iginiya siya sa kiliran. May sinabi rin ito. "Setsue, lagi mong tatandaan na malayo man ako sa'yo. Hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa'yo."

Ang mga salita nito ay nag-iwan ng lungkot sa kanyang puso. Hindi na siya immature noon kaya tiyak niya, may gusto rin si Cydrick sa kanya. Iyon kasi ang palagay niya.

Naputol ang iniisip niya nang may narinig siyang bagsak ng paso ng halaman.

Nilapitan niya ang ingay at biglang sumulpot si Cydrick Amarillo!

"Ssshhhh..." maagap nitong wika. "Happy birthday, Setsue," bati nito sa kanya at may ini-abot na regalo.

Labis ang kanyang galak.

"Cydrick....." bigla niya itong niyakap. Ngayon ay hanggang dibdib na nito ang kanyang height, "Salamat at dumating ka," tinanggap niya na rin ang regalo.

Ngumiti ito. "Bakit? Hinihintay mo ba ako?"

Hinampas niya ang balikat nito at bigla itong nag-react. "Oh... bakit?"

"Ang dami mong dapat na ipaliwanag sa akin," pag-asta niya na parang syota nito. "Noong huli nating pagkikita ay iyong graduation ko. Pero bigla ka ring umalis. Kaya, you owe me an explanation."

Pumalatak ito. "Wow... Ms. Setsue Sanchez. Matalino ka pa pala kesa sa'kin, ahhh. Ako nga na tapos na ng High School ay bihirang mag-English."

Imbes na ma-flatter siya ay hinampas ulit ang balikat nito. "Aba, hindi ka man lang nagsabi noon na graduate ka na pala ng High hool."

Alam ng Ating mga PusoWhere stories live. Discover now