Kabanata 1- Tanong ng Lihim na Pagtingin

69 11 0
                                    

Kanina pa nababagot at naiinis si Setsue. Wala pa kasi ang kuya niya para sunduin siya sa kanyang pinapasukang paaralan; Silverstone Elementary School. Siya ay nasa ikatlong baitang pa lamang.

Ang kanyang mga magulang ay may kanya-kanyang tungkulin mula sa naiwang ari-arian ng Lolo niya; ang ama ng kanyang Ina. Sina Alex Sanchez at Jean Sanchez; ang kanyang mga magulang.

Naisin man niyang ang mga ito ang sumundo sa kanya ay hindi maaari dahil abala sa trabaho. Tanging ang kanyang kuya na si June na lamang ang humahatid-sundo sa kanya.

Pero kalahating oras na siyang naghihintay. Ayos lang sana sa kanya iyon, tutal naman ay araw ng Biyernes, ang kaso lamang ay kanina pa siya nagugutom. Naubos niya kasi ang baong limampung piso sa kakataya sa paglalaro ng kanyang mga kaklase. Sa huli, nawalan siya ng pambili ng makakain.

Maya-maya ay may narinig siyang mga yapak mula sa kanyang likuran, hinarap niya ito at biglang nagulat. Hindi ang kuya June niya ang papalapit kundi ang bestfriend nitong si Cydrick Amarillo na kahit hindi niya masyadong kilala ngunit feeling close sa kanya, sigurado siyang mabuti itong tao.

Tuwing nasa bahay kasi nila ito, walang araw na hindi siya nito kakausapin. Kung anu-anong kwento ang ibinabahagi nito sa kanya at natutuwa naman siya. Minsan nga lang, may mga bagay itong sinasabi na hindi niya maunawaan. Pero kahit ganoon ay naging panatag na ang kalooban niya rito.

Tinitigan niya ito, may mga pasa ito sa mukha.

Hinawakan nito ang labi at ngumiti nang mapansin ang ginawa niyang pagtitig. "Wala 'to, Sue." paalala nito.

'Sue' nga pala ang palayaw niya. Naiinis pa siya 'pag inaasar siya ng kanyang kuya. Iyong nickname niya kasi minsan ay ibinibigkas nito ng "Choooohhh", iyon daw pang-alis sa mga asong gala.

Tumango siya. "Teka, nasaan nga pala si kuya?" tanong niya na rin.

Kahit mas matanda ito sa kanya ay 'di niya ito magawang tawaging 'Kuya'. Hindi rin siya gumagamit ng "Po" kapag kausap ito.

"Inihatid lang muna ang girlfriend niya," sagot naman nito na parang nahihiya. Nauna na rin itong maglakad.

Sumunod siya rito. Nang magkasabay na sila sa bawat paghakbang, parang nakaramdam siya ng pagkairita. Paano kasi, ang tangkad-tangkad nito. Kasi naman, nasa pagitan lang ng dibdib at beywang nito ang height niya.

"Hmmmm tatangkad pa rin naman ako," wala sa muwang na naisip niya.

"Siyanga pala, Cydrick, may extra ka bang pera? Naisip ko kasi, malayo pa ang lalakarin natin. Sa halip kasi na ako ang isakay ni kuya sa service namin ay sa girlfriend pa niya ipinapagamit. Heto tuloy, nagutom ako sa paghihintay." Naupo pa siya at nakasimangot na kinapa ang tiyan.

Narinig niyang natawa si Cydrick, tiningnan niya ito. Pero, ibinaba nito ang mukha at hinawakan din ang balikat niya. "Huwag ka nang malungkot, may pera ako rito at kakain tayo. Saan mo gustong kumain?" tanong pa nito habang iginigiya siyang tumayo.

Natuwa ang isipan at puso niya dahil napakalambing pala nito. Nawala tuloy sa isipan niya ang tanong nito.

"Ahhmm... Doon nalang sa Carinderia ni Aling Tonya," suhestiyon na nito dahil hindi na siya naka-imik pa.

Tumango na siya.

Hindi pa man sila tuluyang nakakarating sa Carinderia ay may isa ng babae na lumapit sa kanila at walang-babalang niyakap ang kasama niya.

"Hmmmm, Cydrick naman, ba't paminsan-minsan na lang ang pagdalaw mo rito?" ma-flirt na sabi ng babae. Kumalas na rin ito sa pagyakap kay Cydrick.

Hinagod niya ng tingin ang babae. Matangkad ito pero hindi masyadong maputi. Naka-short ng napaka-iksi at naka-sleeveless. Tiningnan niya na rin ang mukha nito. Natawa siya nang palihim dahil wala lamang sa kalingkingan ng ganda niya ang itsura nito, kaya imposibleng magustuhan ito ni Cydrick.

Alam ng Ating mga PusoWhere stories live. Discover now