Kabanata 2 - Diwa sa Simula ng Bangungot

45 9 0
                                    

Hindi mawari ni Cydrick kung bakit labis na lang ang ligaya niya ngayong araw. Kanina ay masakit talaga ang mga pasa sa kanyang mukha pero noong makita ang mga ngiti ni Setsue, nawala na ang iniindang hapdi sa pakiramdam. May kung anong dalang mahika ang ngiti ni Setsue para sa kanya.

Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang Mando Amarillo at Linda Amarillo. Hindi sila gaanong may-kaya sa buhay na katulad ng pamilyang Sanchez, pero may kakaunti silang mga shares sa Clavio Industry na siyang pinakamayaman sa kanilang lugar.

Six years old pa lamang siya ay kaibigan na niya si June na four years old pa lamang noon. Nadatnan niyang binubugbog ito ng mga kaedad niya kaya't tinulungan ito. Matapos noon ay naging malapit na sila sa isa't isa.

Minsan, ito ang dumadalaw sa kanya at minsan naman ay siya. Wala pa noon si Setsue kaya malaya silang makapunta kahit saan. Eleven years old siya nang magbuntis ang Mama ni June at iyon nga si Setsue. Una pa lang niyang nasilayan si Setsue ay nabighani na siya sa mga ngiti nito. Isang sanggol na pinaliligiran ng mga anghel.

Lumipas pa ang ilang taon, paminsan-minsan nalang siyang nakakadalaw kina June dahil pansamantalang naudlot ang trabaho ng Papa niya. Kaya si June nalang ang bumibisita sa kanila. Minsan, sinasama nito si Setsue na walang kamalay-malay na naglalaro mag-isa.

Labing-siyam na taong gulang na siya ngayon at tila ba ngayon palang lubusang nakilala si Setsue. Ngayon palang kung saan panatag na ang kalooban niya rito. Natutuwa pa siya minsan kapag kinakausap niya ito, nakikinig ito ni wari'y may naiintindihan gayong wala naman.

Likas lang talaga siyang magiliw kay Setsue. Marahil ay gusto niya itong tratuhin na parang kapatid dahil noon niya pa talaga gustong magkaroon ng babaeng kapatid.

************************************

"This isn't right anymore, Mr. Clavio...kung ibibigay niyo lahat ng shares kay Mr. Sanchez ay unfair na ang lahat," narinig ni Cydrick na sabi ng Papa niya pagdating sa kanilang bahay. Marahil ay kausap nito sa telepono si Mr. Clavio. Pero hindi niya alam na kasama rin pala sa negosyo si Mr. Sanchez. Marami pa itong sinabi na kung anu-ano pero 'di na niya binigyang-pansin.

Pagpasok niya sa kusina ay nandoon ang Mama niya. The most beautiful mother for him. "Hello po, Ma," bati niya dito saka nagmano.

"Oh anak, nakausap mo na ba ang Papa mo?" tanong nito saka ipinagpatuloy ang ginawang paghahalo sa sinangag na kanin.

"Hindi na po muna, Ma, mukhang importante iyong pinag-uusapan nila ni Mr. Clavio."

Saglit na natigilan ang Mama niya at nabitiwan nito ang sandok.

Nagulat naman siya sa inakto ng ina. "Oh Ma, bakit po?"

Natauhan naman ito. "Ah...wa-wala anak. Basta ipangako mo sa akin na magiging mabuti kang tao. Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon?"

Tumango siya. "Na ang paghihiganti ay walang maidudulot na kabutihan," maagap niyang sagot. Naguguluhan man siya ay binigkas iyon.

"Oo anak, kaya sa susunod, huwag kang makikinig sa pinag-uusapan namin ng Papa mo," sabi nito at naghain na ng pagkain.

Sinundan niya ito. "Bakit po, Ma? May problema po ba?"

"Wala anak..sige na. Tawagin ko lang saglit ang Papa mo at kakain na tayo."

Tumango lamang siya. Tumuloy nalang siya sa kanyang silid. Hindi niya pa maunawaan ang Mama niya. Maybe next time ay aalamin niya ang dahilan.

************************************

Kakababa lang ni Mr. Alex Sanchez ng telepono nang lapitan siya ni Mrs. Sanchez.

"Oh, anong sinabi sa'yo ni Mr. Clavio?" tanong ni Jean sa asawa.

Alam ng Ating mga PusoWhere stories live. Discover now