Kabanata 4 - Ngiti'y Sinag sa Karimlan

31 8 0
                                    

Makalipas ang dalawang taon....

"Hoy Setsue!" tawag ng tatlong kaklase ni Setsue sa kanya.
Ito ang mga kaklase niyang walang ginawa kundi asarin siya.

"Hindi porket ikaw ang nakasagot sa tanong ay ikaw na ang pinakamatalino. FYI, sa Grade 9- Daisy, ako lang ang matalino. Ako lang..." wika ni Joy.

Napasinghap siya sa insecurities ng mga ito. Pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

Nasa harap na siya ng bahay na malayu-layo sa paaralan ay sinusundan pa rin siya ng mga ito.

"Teka, hanggang saan niyo ba balak na sundan ako, ha?"

Nagtawanan ang mga ito. "Edi hanggang sa impiyerno! Hay naku Setsue, hindi ka na nga maganda, ang bobo mo pa!" nagsabay pa ang tatlo sa pagbigkas nun.

Hihirit pa sana ang mga ito pero...-

"Nagkakamali yata kayo mga young ladies. Hindi tama na pagsabihan ninyo ng pawang mga kasinungalingan si Setsue," ang sabi ng lalaki.

Nagulat si Setsue 'pag harap niya sa likuran. Si Cydrick!

Ang gwapo nito. He look so....wow! She can't tell. Basta, gwapo!

"At sino ka naman?" nagawa pang umangal ng tatlo.

Ngumiti si Cydrick. "Ako ang tagapagligtas ni Setsue. Kapag inaway niyo pa siya, ako na ang puputol sa mga dila niyo," biro nito.

"Weeehh!!!" sigaw ng tatlo at dali-dali nang umalis.

"Cydrick.....n-na-nandito ka.." sa labis na galak sa puso niya ay dali-dali na niya itong niyakap. "I miss you so much..." aniya at hindi pa kumakalas sa pagkakayakap dito.

"Dalawang taon kang 'di nagpakita sa amin ni kuya." Bumitiw na rin siya sa pagyakap.

"Nagkasakit kasi si Mama...kaya naghanap kami ng trabaho ni Papa para may maibiling gamot," anito.

Natutop niya ang kanyang bibig, "Sorry to hear that. K-kumusta na kayo?"

"Sa awa ng Diyos....okay na rin si Mama, kami...." Hinagod nito ng tingin ang mukha niya.

"Ikaw....napag-isipan mo na ba... Na pumayag kang maging kuya mo na rin ako?" giit nito.

Hinampas niya ang balikat nito. "Ikaw talaga, palagi mo iyang tinatanong, eh, ang layo mo sa bahay namin.. tyaka minsan ka na lang makadalaw."

Ngumiti ito. "Sa kaso.....pumapayag ka?"

"Hoy...wala akong sinabing pumapayag ako, no. Dagdag pa ako sa alalahanin mo. Ang dami ko kayang bashers sa school namin. Tyaka kailangan ni Tita Linda lahat ng oras mo. Basta, hindi ako pumapayag."

"Ipagpalagay kaya nating okay ang lahat at walang problema....papayag ka ba?" pangungulit nito.

"Hindi pa rin. Period."

Nagpamulsa ito. "Okay... Ahhmmm, ito nalang.. Kuya nalang din ang itawag mo sa akin," request nito.

"Ayoko!" Dali-dali niyang sagot.

Kumunot ang noo nito. Pero tumawa rin sa huli. "Hay.... Ang tigas mo talaga... Ito nalang......" humirit pa rin ito. Hinawakan nito ang kamay niya. "Gusto mo bang.....maging....tayo?" kumindat pa ito.

Napamulagat ang mata niya. Nanginginig ang tuhod niya. Agad niyang binawi ang kanyang kamay. Ngunit ayaw itong bitawan ni Cydrick. Nakakapit pa rin ito.

"Ako nang magdadala ng mga aklat mo," sabi nito.

Dali-dali niyang binigay ang mga aklat pero binawi rin ulit.

Alam ng Ating mga PusoWhere stories live. Discover now