Chapter 60

10.3K 221 0
                                    

KING LOURD POV

"What would you do boss if ever that fucking Klein already had gone with your wife?" Nakangising tukso ni Cyver sa akin.

I don't have any intention to play with his jokes but his words stab something inside me, just thinking about what he just said brings out the blazing rage of a demon in me.

"Never. Joke. Like. That. Again. Or. Else. I'll. Just. Help. You. End. Your. Poor. Life. On. Earth." Matalim ang mga titig na ibinato ko rito.

I clenched my fist trying to calm myself. I am breathing heavily too, a sign i am out of my real self.

"Relaxed boss. Biro lang eh. Pero kasi di ba alagad mo din iyong demonyo na iyon, ano bang aasahan mo sa demonyong tulad mo?" Aniyang medyo lumayo sa akin.

"Buti nga at alagad mo lang, ang masama dun kung pareho kayong nag-aagawan ng trono sa impyerno. Hahaha." He jokingly added.

Hindi na ako nagsalita pa, itinutok ko nalang sa kanya ang tingin trying to send him what i have in mind.

"Sabi ko nga titigil na." He shut up upon realizing and reading what my eyes trying to send him.

Ilang segundo lang ang lumipas ng tumigil na ang elevator at saka bumukas. Hindi na ako nag-sayang pa ng oras, agad kong inihakbang ang mga paa patakbo sa pasilyo para hanapin ang numero.

Hindi ko na napansin si Cyver na agad din palang sumunod sa akin at naghanap sa kabilang direksyon ko.

"Boss! Dito!" Tawag nito sa akin saka agarang binuksan ang pinto at pumasok, halos inisang hakbang ko lang ang pagitan ko at ng silid sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Ng maihakbang ko papasok ang kanang paa ay agad kong inilibot ang tingin sa apat na sulok ng silid para lamang madismaya.

"Bullshit! Nasilisihan tayo boss!" Ani Cyver na frustrated ding nakatayo doon pagkatapos kalkalin ang bawat drawer para maghanap ng kung anong pwedeng makatulong sa amin.

Sa sobrang panggigigil ko ay pinangiliran ako ng luha sa mata, habang papunta kami rito ay hindi ko napigilang umasa na magkikita na kami ngayong araw, na pwede na kaming mabuo, na pwede na akong humingi ng tawad at kung hindi man niya mapatawad ay at least magkakaroon ako ng pagkakataon maipakita sa kanya ang tungkol sa sinseridad ko. Pero wala, ni hindi ko alam kung saang lugar nanaman siya nagpunta, kung ilang milya nanaman ang layo namin sa isa't-isa.

"Fuck! Fuck! Fuck!" I cursed and punch the wall near me.

Halos magwala ako sa galit, lungkot at sakit, hindi sakit na pisikal kundi sakit sa mismong loob ng dibdib ko.

Walang wala ang sakit na nararamdaman ko sa kamay kong nagkanda sugat sugat na kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Iyon iyong sakit na hindi mo gugustuhing maramdaman, iyon iyong sakit na hihilingin mong mawala na lang. Iyong sakit na unti unti ay hinihila pababa ang katawan mo dahil sa panghihina at papatayin ka sa lungkot.

Nakakabaliw ang sakit na iyon.

"Aargghhhh!" Hiyaw ko ng halos makita kong gamit roon ay gusto kong sirain.

"B-boss tama na. Hindi makakatulong iyang ginagawa mo." Naaawang boses ni Cyver ang maririnig sa loob ng silid na iyon pati na din ang mahihinang pag-hikbi ko.

"Tell me man! Am i that rude?! Because if i do, maybe, just maybe, if i would change, my only love would come back to me. Bakit ba sa lahat na yata ng karma sa mundo ay ito na ang pinakamasakit. Ganoon ba ako naging masama sa kanya noon kaya heto na at pinag-ba-bayaran ko na ngayon?! Tell me!!" Halos mawalan na ako ng pag-asa.

"Maybe god sent that fucking asshole Klein to punish me. Fuck! I don't know what i should do anymore." Kahit anong pilit kong pagpa-pa-katatag ay hindi ko mapigil ilabas ang tunay na nararamdaman ko.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon