Chapter 55

10.9K 245 7
                                    


AYORIE MIDELLE POV

Hirap ako sa paghinga pati na sumasakit ang likod ko kaya't naisipan kong magpahinga muna. Katatapos ko lang maglaba ng mga damit namin ng anak ko, kahit naman ang daming katulong dito sa bahay ni King ay nahihiya ako at pansin ko ding ayaw nila sakin.

May iba sa kanilang kilala pa ako at may iba namang hindi na, alam ko ding galit sila sa akin dahil umalis si Mystie ng dahil sa akin.

"Hayyyyy." Buntong hininga ko habang iniisip ang mga problema.

Matagal tagal na ding hindi tumitira si King sa bahay niya, hindi ko alam ang dahilan pero pakiramdam ko ay dahil iyon sa pag-alis ng asawa niya. Ako tuloy ang nahihiya dahil kami pang mag-ina ang mas tumitira sa mansyon niya. Minsan na lang siya kung pumunta rito at dahil lang iyon kapag kumukuha siya ng damit pagkatapos ay aalis din, hindi masyadong nagtatagal.

Ramdam ko ang panlalamig niya sa amin at mas lalo sa akin, hindi niya lang masyadong maipakita iyon kay Kiyoshie dahil na din siguro sa bata pa ito at kinokonsidera niya ang mararamdaman ng bata.

Napabuntong hininga ulit ako at sinubukang pumikit para sana magpahinga kahit sandali ng tumunoh ang cellphone ko na nasa malapit ko lang na table.

Apat na ring na ang lumipas bago ko ito nasagot. Iba na talaga ang pakiramdam ko, malamig na pawis ang tumutulo sa noo ko pababa sa leeg pati na nanghihina ako at nasusuka.

"Hello?" Nanghihina ang boses kong sagot.

"Kumusta Midelle?" Sagot ng nasa kabilang linya.

Pagkarinig na pagkarinig ko sa boses niya ay siyang pagtayo ng balahibo ko.

"B-bakit ka t-tumawag? A-ano nanaman ba a-ang k-kailangan mo?! Nagawa k-ko na ang p-pinapagawa mo k-kaya tigilan mo na a-ako." Kinakabahan kong sabi.

Sunod sunod akong napalunok dahil sa takot. Ano nanaman kaya ang kailangan ng taong ito? Akala ko ba ay tapos na ang misyon ko?

"Relaxed Midelle. Gusto lang naman sana kitang kumustahin kung nag-e-enjoy ka ba diyan?" Nang-iinis nitong sabi, mapanloko ang tono ng boses niya na nagpa-init ng ulo ko.

"W-well, okay naman kami. B-basta wag mo na kaming guguluhin, p-please lang. Nagawa ko na ang gusto mo kaya sana ay tuparin mo din ang p-pangako mo."

"That's good to here. And of course, i won't bother you as long as you keep our little secret. Shut your mouth or else, you'll know what would happen." Banta nito sa seryosong boses.

"A-alam ko. B-but please, don't hurt them. Do whatever you want with him but not her and their little one." Paki-usap ko.

Oo demonyo ako pero may awa pa din naman ako. At hindi ko ginawa ang mga ginawa ko kung hindi kailangan, buhay ng mahal ko ang nakataya dito at kung kinakailangan itaya ko ang buhay ng ibang tao mailigtas lang ang mahalaga sa akin ay gagawin ko, kahit pa ibig sabihin niyon ay itataya ko ang buhay ko sa demonyo.

"It's for me to decide Midelle. Wala ka na doon. Pakialaman mo ang buhay niyong mag-ina wag ang mga plano ko, basta ang gusto ko lang na siguraduhin mo ay itikom mo ang bibig mo at magiging maayos tayo, pero kung hindi, kamay ko ang bagsak ng buhay niyo." Anitong demonyo.

"Oo gagawin ko." Nahihintakutan kong sagot.

Pagkatapos niyon ay walang paalam nitong ibinaba ang tawag, doon ako nakahinga ng maluwag.

Sana lang ay wala siyang gawin sa kanila dahil dadalhin ko hanggang kamatayan ang bigat ng konsensya ko, iba talaga kapag naging ina ka na, magagawa mong isugal ang buhay mo kay satanas mailigtas lang ang buhay ng anak mo.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon