Chapter 50

10.9K 223 5
                                    

ALLESTAIR POV

Tuwang tuwa ako sa nakikita kong itsura ng higad na si Midelle, takot na takot, buti nga ay hindi ko tinamaan, gusto ko lang siyang takutin at balaan na wag ako.

"You crazy jealous bitch!" Aniyang papasugod sa may pwesto ko.

Narinig ko ang mabilis na tunog ng pagtakbo kaya ginawa ko din ang ginawa ni Midelle. Kung magaling siyang umarte pwes mas magaling ako.

Ibinato ko sa kanya ang baril na hawak ko, sa gulat niya ay wala sa sariling sinalo niya ito habang ako naman ay binilisang umupo sa sahig at umaktong nasasaktan.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng mabungaran kami ni King at Adriano na humahangos.

Nanlalaki ang mga mata nilang dalawa ngunit mas mabilis na nakahuma si Adriano at puno ng pag-aalalang linapitan ako, hindi ko alam ko sinadya niya ba o kung ano ang pagtabig kay Midelle dahilan para mapa-atras ito.

"Ahhhhh. Awwww. Walang hiya ka." Ani kong papaiyak na. Sapo ko ang tiyan ng bangunin ako ni Adriano patayo.

Sa loob loob ko ay tawang tawa ako, pinupuri ang sarili sa galing sa pag-akto.

"No King, wala akong ginawa. Siya ang gumawa niyan sa sarili niya. Nababaliw na siya King." Ani nitong kinakabahan habang sinusubukang magpaliwanag kay King.

"What the fuck?! Ano sa tingin mo? Gagawin ko ito sa sarili ko eh may anak ako?! Mapapatay talaga kitang babae ka kapag may nangyaring masama sa mga anak ko. I swear." Mas ginalingan ko pa ang pag-akto, kunwari ay galit na galit.

"No King. Please believe me." Aniyang lumapit pa kay King.

"Sa tingin mo paniniwalaan ka niya gayong nagawa mo nga siyang lokohin noon?! Lumayo ka sa asawa ko malandi ka!" Ani ko pa.

Shit, feeling ko mamamatay na ako sa pagpipigil ng tawa.

"What did i do wrong Midelle? Tao kitang tinanggap sa bahay ko dahil ina ka ng anak ko pero ang ipahamak ang mag-iina ko, ibang usapan na iyon. Because i swear, i will kill anyone even you, when you do something against my family specially my kids. Remember that." Malamig na ani King, walang emosyon.

The old King is back, again, that only mean, i won. Patago akong ngumisi.

"Pero King wala naman talaga akong ginawa, siya nga itong pinaputukan ako ng baril tapos biglang inihagis sa akin, sinalo ko lang kaya hawak ko." Ani Midelle na mangiyak-ngiyak.

Hindi ito pinansin ni King at mabilis niya akong nilapitan.

"Are you okay wife? Tell me where it hurts, please. Should i call the doctor now?" Aniyang nag-aalala.

"No, I'm fine, i just need to rest. Medyo mahina lang naman ang pagkabagsak ko, yung kamay ko ang naitukod ko kaya iyon lang ang masakit." Kunwaring nasasaktan nga na sabi ko.

"Adriano, get Midelle out of here at baka masaktan ko lang siya, and please hurry, let's go to the hospital. Prepare the car." Aniya at saka ako inalalayang paupuin sa kama.

Mabilis na sinunod ni tanda ang sinabi niya at inakay si Midelle na magpo-protesta pa sana ngunit binigyan ko ng matalim na tingin.

Ng makalabas ang mga ito ay saka ako nagpaawa effect kay King.

Hindi ako nakokonsensya sa ginawa ko kay Midelle, ito naman ang gusto niya una palang, plastikan kung plastikan, if she wanna play then let me begin the game.

"Ahm King, hindi mo na ko kailangang dalhin pa sa ospital, okay naman ako, wala namang masakit bukod sa braso ko. I just need a rest, that's all it needed." Mahinang sabi ko.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon