Chapter 34

11.5K 284 7
                                    

At the Vinumous Mansion.

ALLESTAIR POV

Nandito ako ngayon sa may kwarto namin ni King, oo, namin, simula may nangyari samin ay hindi na niya ko hinayaang bumalik pa sa sarili kong kwarto. Sabi pa nga niya, mag-asawa na daw kami at kung ano sa kanya, akin na din. Infairness kinilig ako.

Pero hindi naman nawala sakin na baka dahil lang sa may nangyari samin kaya niya sinabi iyon.

"Hayyy." Hindi maiwasang buntong hininga ko.

"Ayan nanaman Mystie, nag-iisip ka nanaman ng poproblemahin mo." Ani ko sa sarili.

Itinuon ko nalang ang pansin sa ga-tambak na notebook na nasa may paanan ko at sinimulang i-check lahat. Ito yung hawak kanina ni King, shit, namimiss ko na siya.

Para tuloy akong tanga at inamoy amoy yung notebook, malay ko ba kung nandun pa yung amoy niya. Sininghot singhot ko halos lahat.

Ganon na lang ang pagka-dismaya ko at halos mapangiwi pa ako ng matatapang na amoy ng ballpen ang naamoy ko.

"Ang tanga Mystie. Baliw ka na talaga." Hindi ko maiwasang sabi sa sarili.

Iwinaksi ko na lamang sa isip at bahagyang itinuon ang sarili sa pag-che-check. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos din, natuon ang atensyon ko sa makakapal na libro.

"Kailangan ko nga palang gumawa ng lesson plan."

"Hayyy." Buntong hininga ko nanaman.

Wala akong laptop na gagamitin, paano ako makakapag-encode niyan.

Nagtataka kayo siguro kung bakit may condo ako pero walang PC ano? Eh sa swerte ako sa school na pinagtatrabahuhan ko na pati computer ay hindi ko na poproblemahin, ang kaso dahil sa pagmamadali kanina, hindi ko na nadala.

Napasabunot ako sa sarili dahil sa katangahan at pagkuwa'y iginala ko ang tingin. Pumasok sa isip ko ang opisina ni King, dali dali akong tumayo upang tunguhin ang kabilang kwarto.

Dahan-dahan ang pagbubukas ko para i-sure kung nadun pa siya o wala, simula kanina kasi ay hindi ko na siya nakita. Galit na galit kanina eh kaya hindi ko na kinulit.

Success naman dahil walang tao. Nakita ko sa may mesa niya ang gatambak na papeles at pati libro sa may estante sa may likod ng upuan niya. Pang-businessman ang dating.

Gamit ang dulong daliri ng mga paa ay tinungo ko ang mesa niya, natagpuan ko ang medyo nakabukas na laptop doon.

Syempre, dahil may lahing chismosa ako, umupo ako sa bakanteng upuan at binuksan ng bahagya ang apple laptop.

"Shit! Bwahahahahahahahaha." Hawak ko ang tiyan sa pagtawa, hindi makapaniwala.

"Pftt. Bwahahahahahahaha. Tang!nang hari yan! Bwahahahahahahahaha." Tuloy pa din ang tawa na halos maluha na ako.

Shit! Ang loko sobrang bobo. Inosente ata masyado ang asawa ko.

"Ayieehhh, asawa daw." Tukso ng isip ko.

Hinayaan ko nalang at iniiwasan ko ng maging baliw, baka maturn off si papa King.

Itinuon ko ulit ang tingin sa may mesa kung nasaan ang laptop,

"Bwahahahahahahaha" hindi matigil tigil na tawa ko.

Pano ba naman, nasa google site si King kung saan naghahanap siya ng dating tips. Sinong hindi matatawa kapag ganun ang nakita mo sa laptop niya, pa-unang bungad pa.

Hindi ko maiwasang kiligin at matawa kapag iniisip ko siya, kasi ibig sabihin lang nun ay seryoso nga siya sa sinabi niya noon pagkatapos may nangyari sa amin, pero natatawa talaga ako, sinong lalaki naman kasi ang kailangan pang mag-search sa google dahil lang sa date.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon