Chapter 22

15.2K 343 13
                                    

ALLESTAIR POV

Takip ang mga bunganga ng makita ko si Arries. Wala siyang malay habang nakahiga sa may likod CR na matagal ng hindi ginagamit kaya naman ay walang napupunta doong tao.

Mabilis na lumapit si Faith sa pinsan at saka yinugyog para gisingin.

"Arries?! Hoy!! Gising!! Ano ba kasing nangyari sayo?!" Naiiyak na tanong ni Faith.

Lumapit ako at lumuhod para mahawakan ko si Arries.

He was full of bruises, may mga bukol din sa may noo nito. Putok at nagdurugo ang bibig niya na ngayon ay lumolobo na. Tumutulo din ang dugo sa may ilong nito marahil ay napuruhan.

"Ughhh" ungol nito ng hindi kami magkamayaw ni Faith sa paghawak sa kanya para gisingin.

Iminulat nito ang mga mata at pansin dito ang iniindang sakit sa katawan.

"H-hey. Are you okay?" Tanong ko, puno ng pag-aalala. Hindi naman porket sinaktan niya ako ay hindi na ako mag-aalala, kahit naman papano ay may pinagsamahan kami.

"Y-y-yeah." Halos hindi nito makuhang magsalita.

Mabilis akong tumayo para sana humingi ng tulong ng makita ko ang tatlong lalaking salarin sa may likod ko.

Umirap ako sa kanila at padabog na lumapit sa may puwesto nila.

"Hoy hari!! Halika at tulungan mo kami!! Buhatin natin si Arries!" Nakakunot noo at masama ang loob na ani ko rito.

Habang siya ay nagtataka.

"And why the fuck would I?!" Parang baklang sabi nito ng bigla ay tumaas ang isang gilid ng kilay.

Nainis ako sa sagot niya kaya naman tumingkayad ako palapit rito at saka piningot ang tainga pababa.

"A-aww. Hey! S-stop it!! Fuck!! Geez!! What the fuck?!" Angil nito ng mas higpitan ko ang pagkakapingot sa tainga niya.

Talagang nakakarami na itong lalaking to sakin e. Hindi ko na natanya kaya ayan!! Nakakainis na kasi siya!!

"Ano?! Tutulong ka o hindi?!" Banta ko rito.

"As I said why would I?!" Angil pa nito.

"Huh?! Ganon?!" Singhal ko dito at saka isinabunot ang isang kamay ko sa medyo may kahabaang buhok niya.

Ang dalawang kaibigan naman niya ay tawang-tawa pero ng ibaling ko ang masamang tingin sa kanila ay agad silang tumigil.

"Kayo?! Di ba dapat tumulong din kayo?! Kung sana hindi ninyo sinunod ang utos ng hunghang na ito ay walang nangyaring ganyan!!" Tukoy ko kay Arries na dumadaing pa rin.

Sabay pa silang napakamot sa batok. Aba kahit naman magaling humawak ng baril tong mga to ay wala silang karapatang saktan na lang ang mas mahina sa kanila.

"Geez woman!!! Fine!! I will help!!" Sabi nitong tila wala ng pag-asa.

Hindi ko agad binitawan at gusto kong siguraduhin muna. Baka pinagloloko nanaman ako nito.

"You sure?! Walang halong biro?!" Mataray na tanong ko.

"Yes!!! Yes!!! Just let go of my hair and ear!" Nagmamaktol nitong sabi.

Ng bitawan ko ang buhok at tainga niya ay mabilis niyang iniangat ang mukha at hinawakan ang tainga. Nakita kong pulang-pula ang mga iyon pati ang mukha niya.

Ang harsh naman Mystie! Singhal ng isip ko.

Parang napasobra yata?

Napaatras ako ng masamang tingin niya ang sumalubong sa akin pero hindi ako natakot, nabigla lang.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon