"Papasok tayo?"-takang tanong ni Pinky kaya napatigil sila.

Mukhang gusto na nilang mamatay.

"Ang dark forest ay kayang gumawa ng illusyon."-isang panibagong boses ang narinig ko kaya napatingin ako rito.

Vien.

Naglakad na ako papalayo, wala rin naman akong pake kung pumasok sila eh. Mamatay na lang sila don. At saka narinig naman nila na kayang gumawa ng illusion ang dark forest.

Wala rin naman silang mapapala sa loob nun.

Mas mabuti nalang na manahimik kaysa manghimasok.

Adrianna Rose Campbell POV

"What the hell!! Walangya!!"-sigaw ni Ava nang masilayan ang mga babaeng may mga abs at muscles. Nandito na kami ngayon sa Amazon World.

"Ayoko rito. Ayoko!"-sigaw ni Ava kaya napapatingin sa kanya ang mga babaeng amazon.

"Having muscles are like eww. Ang pangit tignan"-hirit pa nito habang pinipikit ang kanyang mga mata.

"Akala ko ba ikaw reyna nila rito?"-insultong tanong ko kaya tinignan niya ako ng masama.

"Syempre joke lang iyon. Tignan mo nga ang katawan ko sa katawan nila. Mas sexy ako. Ayokong magkamuscles huhuhu"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang magtanong.

"Uhmm. Excuse me po. Saan po kami makakakita ng pangil ng amazon tiger?"-takang tanong ko kaya napatingin ito sa akin. Ang gandang babae na may muscles.

"Ang Fang of the amazon tiger ba"-maangas na saad nito saka kinalambang ang armor nito sa dibdib na parang bruskong lalaki.

Narinig ko naman na parang dumuwal si Ava sa likuran ko at nagsalita ng mahina.
"nakakahiya ang mga babae rito. Juice colored"

"Opo hehe"-tumawa ako ng mapakla.

"Kailangan niyo munang makilala ang aming taga likha at doon ninyo hingiin ang Fang of the Amazon tiger. Nasa kanya lahat ang mga fangs. Ginagawa niya itong kwintas."-saad nito kaya napatango ako, sumunod na lang si Ava habang nakatingin sa ibaba. Mukhang nandidiri talaga siya rito.

Taga likha? Siguro siya ang Diyosa dito? Siguro mas maganda pa siya.

***

"WHAAAAT!!!??"

"EHHHHHH???!!"

Magkasabay na sigaw naming nang makita namin ang kanilang taga likha na ngayon ay nakahiga sa mahabang kama habang madaming babae ang nakahiga rito kasama niya.

"Anong ginagawa nila?"-takang tanong ko habang nakatingin sa mga babaeng pagod na pagod.

"Adrianna, sa labas ka na muna"-sigaw ni Ava at pinagtulakan ako papalabas. Bakit kailangan na pa akong sigawan at itulak?

"Anong gagawin mo?"-takang tanong ko kanya ngunit ngumiti ito kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Magiging human sacrifice ako. Ayokong madungisan ang iyon pagka-inosente"-saad nito at binalibag ang pinto.

Ok?? What was that? What with her? Bat siya ngumiti? Anong gagawin nila don? Bakit di ako pwedeng sumama?

Nakakagulat, may lalaki pala rito sa Amazon World at siya ang taga likha.

Pano ka niya likhain ang mga babaeng ito?

May nakita akong iba pang pinto sa pasilyo kaya binuksan ko ito. Wow ang daming mga buntis.

Grabe. Bat ang daming buntis? Di ba kapag buntis ang isang babae dapat kasama ang asawa?

Nasaan ang mga asawa nila kung ganon?

"Hi po"-bati ko at tumabi sa kanila.

"Hello, bago ka ba rito?"-takang tanong ng isang babae sa tabi ko. Wow ang laki ng kanyang tyan.

"Sinong ama niya?"-turo ko sa tyan niya, para itong uod na kinikilig nang tanungin ko kung sino ang ama.

"Si Jake" kinikilig na sagot nito.

"Ikaw naman?"-tanong ko sa katabi ko.

"Si Jake"-kinikilig rin niyang sabi.

"Magkapareho sila ng name?"-takang tanong ko sa kanila na kina-iling nila.

"Iisa lang siya no. Kaming lahat dito ngayon ay buntis ay si Jake ang ama nilang lahat. Si Jake ang bumuntis sa amin" simpleng sagot niya na muntik nang magpadugo sa aking ilong.

Iisa lang. So it means, yung lalaki kanina sa higaan siya yung Jake?

What the hell!!!!!

✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳

Just like what??!!

Ahahaha..

Kagagahan ni otor tangna!!

Hi guys. Mukhang matatagalan next updates nito. Wala naman kasing nagbabasa eh T___T

Keep safe

The Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon