Round 19:

4.1K 155 25
                                    

7/9/2020

...

Robin 19:

"Akala ko magaling ka, I'm so disappointed." Ang daldal ng kalaban niya, mahilig naman mangyakap ay magtrash talk. Puro takbo ang ginagawa. Hindi siya ang tipo na nakikipag-usap habang nasa ring, pinag-aaralan niya ng maigi ang kilos ng kalaban para makaisip ng strategy kung paano niya ito papatulugin.

"Wala ka pala talaga, mahina ka." Patuloy nito, sa sobrang distracted nito sa pang-iinis sa kanya ay hindi nito nabigyan ng pansin ang kanyang kaliwang kamao kaya naman sapol ito sa panga. Medyo napahinto ito dahil mukhang nayanig ang katawan, the referee went to him and push him. Mukhang kasama rin ito. On the side he saw Yaggo flashing a devilish smile, napatingin din siya kay Razel na agaw umiwas ng mata nang magtama ang kanilang paningin. Napatingala siya, ano ang kanyang gagawin, Round 10 na. He needs to make his own decision, Razel over his pride and honor?

Pero kahit hindi pala naging maganda ang kinahitnan nilang dalawa, hindi niya ito matitiis na mapahamak.

....

Excited si Razel habang binibilang ang pera na nakuha niya mula kay Yaggo, kung ganito naman kalaki lagi ang kanyang kikitain ay magagawa niya na agad ang kanyang plano.

"Ang saya-saya mo." Kanina niya pa napapansin ang tabang sa mga salita ni Chedeng, kanina pa hindi maipinta ang mukha nito.

"Syempre datung!" Winagayway niya ang libo-libo na kinita, akalain niya ba na kahit hindi natuloy ang meeting kay Mr. Katana ay bibigyan pa rin siya ng pera ni Yaggo. Akala niya kasi binubudol lamang siya ng loko, akalain niya bang totoo pala. Hindi pa nga siya makapaniwala nang kuhanin niya ang pera sa kamay nito. Nagtanong lamang siya kung may kapalit bang iba iyon, nagkibit balikat lamang ang loko at pasipol sipol. Umalis na lamang sila dahil baka magbago pa ang isip nito at ipaharang siya sa mga tauhan.

"Razel, hindi ka ba nag-aalala kay Papa Robin?" Natigilan siya, syempre kahit papano naman may pinagsamahan sila, hindi lang basta pinagsamahan, nagtikiman pa sila ng gago na iyon, kaya ang makita itong matalo kanina ay nakakalungkot din.

"Medyo, pero kaya niya yan, hindi naman sa lahat ng pagkakataon siya ang mananalo, syempre may bad days din ang mga player. Siguro hindi niya lamang talaga swerte ang manalo kanina."

Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ni Chedeng, paano , ibubuka ang bibig, akmang may sasabihin tapos titigil. Para rin itong natataeng pusa na palakad lakad lamang sa kanyang harapan.

"Alam mo baklita, tumigil ka nga, ako'y hilong-hilo na sa'yo." Hindi siya nakatiis kaya naman tumayo sya para hampasin ito.

"Aray naman. Pero bakla, payong kaibigan lang ha, huwag ka ng makikipag-deal kay Yaggo next time. Alam mo namang tuso iyon baka ano ang hilingin noon na kapalit sa malaking pera na binibigay niya. I'm afraid bakla, takot ako much for you."

"Ano ka ba? Kaya ko ang sarili ko no, wala pang problema na hindi ko kaya , saka para rin sa mga kapatid mo ito. Sa tingin mo ba ganoon ako kadamot para hindi kayo isipin, syempre iniisip ko rin ang mga future ng kapatid mo. Don't worry bakla kaya ko ito." kinalma niya si Chedeng.

Minsan niya nang nasubukan, kaya naman nang muli siyang pinatawag ni si Yaggo sa opisina nito bitaw ang nakaraang proposisyon , katulad ng dati ika nito ay hindi siya nagdalawang isip na umuoo. Kailangan niya ng pera , iyon lamang ang tumatakbo sa kanyang isipan, ang mga usapan nila ni Chedeng ay nawala sa kanyang alaala. Kaya niya ang kanyang sarili, maliit na bagay lang ito, baka katulad nang nakaraan, hindi hingin sa kanya ang kapalit pero bigyan pa rin siya ni Yaggo nang halaga na kanilang napag-usapan.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat