Round 6

8.1K 392 39
                                    

3/11/2018

...


6.

"Robin, kawawa naman iyon o, pinaiyak mo." Komento pa ni Tonton pagkasakay sa motor. Nilingon pa ulit nito ang kanyang mommy. Sinuot niya na ang kanyang helmet saka binatukan si Tonton para magmaneho na.

"Heto na nga, kumapit ka na sa beywang ko para sweet."

"Gago ano ako bakla?"

"Hay, ang bagal mo kasi." Reklamo niya paanoy inabot sila ng red light.

"Hindi mo ba alam ang drive safely? Tsk, nag-aaral ka pa naman." Pangaral ni Tonton sa kanya, gusto niya na naman kasing makauwi. Gusto niya nang mahiga at matulog. Hindi pa nakatulong na katabi nilang nakatigil ang isang mamahalin na sasakyan na mayroong maiingay na college student na nakasakay.

"Boy, dapat sa sasakyan nyo, tinatapon na, nagpapadagdag lang kayo ng traffic sa Metro." sabi nang mayabang sa loob, sinundan naman ito ng tawanan ng mga nakasakay.

"Tol, tayo ba ang kinakausap nila? Mukha bang basura ang sasakyan natin?" si Tonton.

"Hayaan mo na lang, kulang lang yan sa pansin." Sabi na lamang niya kay Tonton.

"Kung hindi ko pa alam, nakikisakay lang iyang madaldal na yan. " binalingan din ito ni Tonton." Salamat sa pag-aalala Tol, pero problema ko na iyon, mabuti na may minamaneho kaysa nakikiangakas lang para makatipid ng gasolina." Ngumisi pa si Tonton, napapailing na lamang siya.

"Ay loko to a, gago ka ba? Mayaman kami hindi hampas lupa na kagaya mo!" nag-init agad ang ulo ng isa, lumabas ito mula sa back seat ng sasakyan. Si Tonton naman ay hindi rin papaawat. Hinila nito ang damit ni Tonton, kaya naman hinawakan niya iyon.

"May buto pala ito, akala ko pipi ito e." patuya pa na sabi nito sa kanya.

"That's enough Moses!" sigaw ng nasa passenger seat, bumaba din ito, kung kanina kalmado lamang siya at gusto pang makiawat, ngayon wala siyang gustong gawin kung hindi bangasan ang mukha ng bumaba.

"Ravin, nilulugar ko lang kung saan dapat ang mga mahihirap." Mayabang na ulit na sabi nito, umaandar na ang ibang sasakyan sila lamang ang naiwan doon at nakakagawa na ng atensyon sa mga dumaraan.

"They can never learn that lesson." Mayabang na sabi ni Ravin sabay tingin sa kanila ni Tonton, sa kanya nagtagal ang mata nito, kaya naman tinanggal niya ang suot na helmet. Sobra itong nagulat nang makita ang kanyang mukha.

Itinaas niya ang upuan ng kanilang motor, mula doon ay nilabas niya ang isang kulay pulang liyabe doon. Nakatingin lamang ito sa kanya habang siya ay sa kotse na malamang pag-aari nito.

"Is that your car?" tanong niya na tinaguan nito. "Bigay ng magulang mo?" patuya niyang tanong.

"Robin?" tawag nito sa kanya, dahilan para matahimik ang mga kasama nitong mayayabang.

"Sagot."

"Oo."

"Good." Pumwesto siya sa harapan at limang beses na pinukpok ang hood ng kotse nito gamit ang liyabe. Si Tonton naman ay pinipigil na siya, alalang alala na ito. nang matapos ay huminga siya ng malalim saka bumaling kay Ravin.

"Pabili ka na lang uli at huwag na ulit sana tayong magkita dahil sa susunod mukha mo na ang sisirain ko." Banta nya dito.

"Hoy Robin, gago to, tara na!" hinila siya ni Tonton para makasakay na sa motor, paalis doon. "Mapupulis tayo niyan e."

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now