Round 4

9.5K 390 12
                                    

12172017

...

Four

Katatapos niya lamang maligo, nakasuot lamang siya ng sira sirang pantalon, hindi sira dahil iyon ay sunod sa uso, sadyang sira dahil sobrang luma na nito. Ilang taon na rin niya itong ginagamit, sa loob ng ilang taon, natuto siyang kumilos at makuntento sa mga simpleng bagay na kaya niya lamang ibigay sa kanyang sarili.

"Robin yosi!" sinampay niya ang tuwalya sa kanyang balikat. Robin ang tawag sa kanya, kung noon tinatama niya ang mga tao sa pagtawag sa kanyang pangalan, Vin kasi ang dapat na bigkas doon imbes na bin, pero sa huli hindi na big deal sa kanya ang ganoon. Lima silang nagtatrabaho sa talyer na roon na rin nakatira. Mabait naman kasi si Tatay Oscar sa kanyang mga empleyado, katabing bahay lamang din ito nakatira kasama ang pamilya nito, palibhasa galing din sa hirap ang matanda.

"Salamat." Sagot niya matapos kuhanin ang inalok na sigarilyo ni Tonton, kaedaran niya rin ito, dating batang hamog, kasama niya rin sa palengke dati. Nakakatuwa dahil maayos na kahit paano ang buhay nila ngayon.

"Ikaw na bata ka, totoo ba na sasali ka roon kay Yaggo? Ay gago ang tao na iyon!" si Ka Cosme, nasa trenta mahigit na ang edad nito, ang pamilya nito ay nasa probinsiya sa Cebu, mas may pera raw kasi sa Maynila kaya rito ito nagtatrabaho, nagpapadala lamang sa asawa't tatlong anak na mga nag-aaral pa.

"Hindi niya rin titigilan si Robin, ilang beses na siyang tumanggi, matigas ang ulol." Si Gaspar. Hindi maalis ang mata sa cellphone nito.

"Pero ituloy mo ang plano mong pag-aaral, bata ka pa, ang mga anak ko nga ay pilit kung ginagapang." He agrees to that. Kahit paano ay may gusto rin siyang matapos sa buhay, maaring ganito nga lamang ang kanyang kalagayan ngayon pero alam niya na hindi ito pang habambuhay at gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makaahon gamit ang sariling sikap.

Hindi nga lamang niya inaasahan ang alok ni Yaggo, pero ayon dito malaking pera raw ang nakataya sa bawat laban, at kapag nananalo ng nananalo, tumataas daw iyon ng tumataas.

"Iiyak na ba ako kuya Cosme?" asar ni Tonton kaya naman nakatikim ito ng batok.

Naudlot ang kanilang usapan ng may tumawag sa cellphone ni Gaspar.

"Robin, tito Ron mo raw." Inabot sa kanya ni Gaspar ang cellphone nito, minsan siyang nakigamit dahil wala naman na siyang sariling cellphone, hindi naman kasi rin niya kailangan. Wala lamang siyang choice, kailangan niya ng mga dokumento para sa kanyang balak na pag-aaral. Natukso nga siyang magpagawa na lamang sa Recto kaya lamang mahirap nang magkaroon ng aberya sa hinaharap.

"Sige po, papunta na ako." Paalam niya bago binalik ang cellphone ni Gaspar, nagpaalam siya sa mga ito na aalis sandali. Nagpunta siya sa silid nila ni Tonton para manguha ng sando, sinuot niya rin ang kanyang lumang rubber shoes, konting pasada sa salamin, konting hawi sa kanyang magulong buhok ay handa na siyang umalis, paglingon niya ay nakatingin pala sa kanya ang mga kasamahan.

"Bakit?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Wala para nakakagago lamang ang kagwapuhan mo, kahit damit basahan lamang suot mo, ang lakas ng dating." Si Tonton

"Kung kasing gwapo mo ako, mayroon na sana akong girlfriend." Segunda naman ni Gaspar.

"Tumigil na kayo, " saway ni ka Cosme." Sige at puntahan mo na ang dapat mong puntahan, magiingat ka lamang at maraming gago sa kalsada.

"Sus, kayang kayang patumbahin ni Robin ang mga iyon, manok ko yata iyan." Pagbibida ni Tonton. Napapailing na lamang siya, nakatagpo siya ng isang kapatid at kaibigan sa katauhan nito.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now