Round 5

8.5K 336 21
                                    

3/4/2018


...

5 :

"Sir, please, just let me take the final exam. " maaga pa lamang ay kinakausap niya na ang kanyang professor sa isang major subject. Malaki pa ang kulang niya sa tuition , ang pera kasi na dapat ibabayad niya ay napahiram niya kay Cosme. Masyadong malaki ang pera na kailangan nito dahil nasa hospital anak nito sa probinsiya, namamaga daw ang bato. Gustuhin man nitong umuwi para sa anak ay hindi nito magawa dahil hindi rin ito makakalikom ng pera sa probinsiya, kaya naman kahit mahirap ay nagtitiis ito. Silang magkakaibigan ay lumilikom ng pera para sa pagpapagamot ng anak nito. Akala niya makukuha niya sa pagmamakakaawa ang school para pakuhanin siya ng final exam, pero maging ito ay hindi nakikiayon.

"I'm sorry Mr. Romualdez. It was a school policy." Hindi naman niya masisi, umalis na ito, umuwi siya ng bahay na bigo.

"Kumusta napakiusapan mo ba?" umiling siya sa tanong ni Tonton.

Pasalampak siyang naupo sa kanilang lumang sopa na gawa sa rattan, nakapikit siya at nag-iisip ng posibleng solusyon.

"Anong gagawin mo niyan Robin?" usisa muli ni Tonton. Kahit magdamag siyang magtrabaho sa palengke at talyer, hindi niya kikitain ang pitong libo na kailangan niya bukas. Nahiraman na nila ang lahat, wala ng taong magpapahiram sa kanila.

"Robin, ako'y may naiisip na dalawang paraan. Huwag mo sanang masamain ano." May tunog pag-aalinlangan sa boses ni Gaspar, umayos siya ng upo para mapakinggan ang sasabihin nito.

"Una, baka pwede ka namang manghiram muna doon sa tito mo, iyong tinawagan mo noon. Hindi naman siguro masama kung lalapit ka sa kanya ngayon. Ibabalik mo naman din ang pera."

"Tumigil ka na, hindi nga gagawin ni Robin iyon, parang hindi mo kilala ang kaibigan natin. Alam mong ayaw na ayaw niya na magkaroon ng konesksyon sa kanila. " pagalit na sagot ni Tonton kay Gaspar. Alam rin kasi ng dalawang ito ang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya. Nangako siyang hindi hihingi nga tulong dahil kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa.

"Sinasabi ko lang, ang akin ay suhestyon lang naman." Baling ni Gaspar kay Tonton.

"Ano ang pangalawa?" putol niya sa lumalalang tensyon sa dalawa. Natahimik si Tonton at katulad niya ay nakaabang din sa sasabihin ni Gaspar.

"Iyong alok ni Yaggo."

"Nababaliw ka na Gaspar, putang ina!" tungayaw ni Tonton, galit sa ideya na sinabi ni Gaspar sa kanya.

"Magkano ulit ang pwede kong makuha sa isang panalo?" nalaman niya na lamang ang kanyang sarili na nagtatanong sa posibleng premyo, hindi kasi siya nakikinig kay Yaggo dahil wala siyang intensyon noon, pero imbes na manghingi ng tulong sa kanyang pamilya, mas gugustuhin niyang kumapit sa patalim.

"Pinakamababa ang labinlimang libo."

"Sige." Sang-ayon niya.

"Tarantado ka ba? Papatayin mo ang sarili mo? Kapag pumasok ka diyan mahihirapan ka nang lumabas , gago!" sinuntok siya ni Tonton sa braso, galit na galit itong umalis , hindi na nito mababago ang kanyang desisyon, pitong libo lang naman ang kailangan niya , ang sosobrang pera ay ibibigay niya kay Cosme para sa pagpapagamot ang anak nito.

"Sige, mamaya sasamahan kita." Pinag-untog nila ang kanilang mga kamao. Hinubad niya ang kanyang pang itaas at nagtungo sa likod bakod. Mayroon doong punching bag na sinusuntok niya kapag naalala niya ang masamang bagay na nangyari sa kanyang buhay, pero ngayon, sumusuntok siya para sa ibang bagay, para ito sa kanyang pangarap.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now