Round 3

10.3K 441 39
                                    

THREE:

He just finished his routine for this day. Nagpupunas siya ng kanyang pawis ng lumapit ang isang katiwala, ibinalita nito ang pagdating ni Caleb at ng isa pang bisita.

"Pakisabi hintayin na lamang ako sa living room." Utos niya bago tumungo sa adjacent room patungo sa kanyang kwarto. Ito ang gusto niya sa bahay na ito, maraming pasikot –sikot na lulusot sa kanyang silid. Dinesenyo daw kasi ito ng isang hibang na arkitekto, hibang sa ideya ng pag-iisa. Mukha namang itinadhana na siya ang maging susunod na tagapagmay-ari ng nasabing mansyon. Mukha rin kasing nakatandaha na siyang mag-isa sa buhay.

Matapos makaligo at makapagbihis ay bumaba na siya agad sa living room para tunguhin ang kanyang bisita. Nakita niya si Caleb abalang abala sa sinasabi ng kaharap. Kahit nakatalikod ang kausap ni Caleb at naka-upo ay kilalang kilala niya iyon.

"Nandyan na ang pinaka-mabait mong pamangkin." Pang-aasar na sabi sa kanya ni Caleb.

"Tito Ron." Tawag niya, nakatayo siya sa harapan ng kanyang tiyuhin, ito ang nag-iisa sa kanyang angkan na nakakalapit sa kanya. Nakapahinga ang kanang kamay nito sa arm rest ng sofa , habang nakadekwatro. Batid niya na sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa.

"What brought you here?" tanong niya.

"Bawal na rin ba akong pumunta rito?" tanong nito sa kanya, sa halip na sagutin ay tumawag siya ng katiwala para dalhan sila ng meryenda.

"Nagpakuha na ako, bakit hindi mo sagutin ang tanong sa'yo ng tito mo?" Putol sa kanya ni Caleb, alam niya naman na kung papipiliin sa kanilang dalawa ang katapatan ni Caleb ay mananatili sa kanyang tiyuhin, doon ito nag-umpisa kahit pa siya na ang dahilan kung bakit matunog ang pangalan nito ngayon sa mundo ng palakasan.

Tamad siyang naupo sa pang-isahang couch katapat ng kanyang tito Ron, nakamasid pa rin ito sa kanya. Nakakailang ang tingin na pinupukol nito sa kanya na para bang nililitis siya nito.

"Tito, stop giving me that look." Sabi niya sabay kamot ng kanyang ulo.

"Why? Hindi ba at pinapatawag mo ang attorney mo para mag-ayos ng restraining order para kay Mrs. Candice Romualdez?" his tito mocked him. Hinuhuli siya nito. Tinignan niya ng masama si Caleb, naki-alam na naman ito sa iniutos niya.

"Tito, you're not my preferred Attorney for that case." Matabang niyang sagot bago uminom ng juice na inilapag sa kanilang harapan. Natatawa naman ang kanyang tiyuhin sa kanyang naging sagot. Si Caleb naman na nakatingin din sa kayang tito Ron ay nagkibit balikat.

"Kumusta ang bunso mong si Frances?" napakunot noo naman ito sa kanyang tanong. Hindi niya alam kung bakit.

"You forgot that Frances's my 6th child siya ang huli mong dinalawa sa hospital nang manganak si Phin. Nakalimutan mo na walo na ang pinsan mo sa akin." Nag-mamalaki pang sabi nito, hindi niya alam kung matatawa siya para sa kanyang tiyuhin o ano, pero tila proud na proud pa ang pagkakasabi nito.

"Ron, pasensya na mahina talaga ang utak ng pamangkin mo. Sinabi ko na dati na walo na ang anak mo pero nakalimutan niya pa rin."

"I'm not surprise anymore Caleb." Sagot nit okay Caleb saka bumaling sa kanya," Nasanay siyang kinakalimutan ang lahat." Sabay na napailing ang dalawa. " Ikaw na lamang din ang magsabi na nadagdagan ulit ang pinsan niya after seven months." Literal na napanganga talaga siya sa sinabi ng kanyang tito. Mukhang ginawa talagang libangan nito ang magkaroon ng anak, kulang na lamang taon taon.

"Shit ka talaga Ron. Anong klase ba yang mga sperm mo at laging nakaka-jackpot ?Maawa ka naman sa asawa mo." Tawa lamang ng tawa ang kanyang tiyuhin sa sermon ni Caleb. Kung noon pala naging magkarelasyon na ang dalawa, hindi niya ma-imagine kung nakailang anak na ang mga ito ngayon.

"You should really visit my kids." Imbitasyon nito.

Na-iimagine pa lamang ni Robin na may walong batang nagtatakbuhan sa paligid niya ay parang susuko na ang kanyang utak sa sakit. He can't handle that, makikipag-paligsahan na lamang siya sa ring.

"What are you thinking?" usisa nito dahil mukhang napalalim ang iniisip niya.

"Nothing."

May kinuha itong envelop sa gilid saka binigay sa kanya, binuksan niya ito at nakita ang papel ng isang taong hindi niya malilimutan.

"He's the reason why I came here, bukod sa maiiggit ang daddy mo kapag nalaman niyang nakakapag-usap tayo nang maayos. Gusto kong malaman mo na nakalaya na ang tao na iyan. He might get back to you so you have to be alert at all times." Hindi niya makakalimutan ang hayop na tao na iyon, akala niya maghihimas na ito ng rehas habambuhay pero heto at nakalaya na.

"Mukhang may protector siya." katulad ng iniisip ni Caleb ang tumatakbo sa kanyang isipan. Bukod sa kanyang sarili nag-aalala rin siya para sa isang tao, dahil kung babalikan siya Yaggo, isasama nito sa gagantihan ang taong mahalaga rin sa kanya.

"I'll double his security." Tumango ang kanyang tiyuhin sa sinabi ni Caleb, nag-usap pa ang dalawa habang siya ay nililipad na naman ng mga ala-ala ng kahapon.

"Magaling ka bata." Kahit ang sakit ng kanyang katawan dahil sa mga tamang natamo mula sa limang kaaway ay nakuha niya pa ring tumayo at maging handa sa pag-atake. Hindi niya dapat ibaba ang kanyang dipensa, baka ito ang kanyang ikapahamak o mas malala kanyang ikamatay.

"Gusto mo bang kumita gamit ang mga kamao na iyan?" nakalapit na ito, hinawakan ang kanyang dumudugong kamao. Ilang taon na rin na naging sandalan niya ang kanyang matigas na kamay. "Kikita ka ng malaking pera, hindi mo kailangang mamalagi sa madungis na lugar na ito, kapalit ang konting barya, ano bata? Game ka ba?" imbitasyon iyon mula kay ?Yaggo, may mataas na posisyon sa sindikato sa lugar na iyon.

Agad siyang tumanggi.

Maraming beses siyang tumanggi.

Pero hinahanap siya nang gulo at sa tuwing may gulo sa kanyang paligid, lilitaw muli si Yaggo, nilalatag ang nakakatuksong imbitasyon.

"Hindi ba't kailangan mo ng pera para sa binabalak mong pag-aaral?" bulong sa kanya ng kanyang kabarkada noon. Hindi na siya nagtatrabaho sa palengke, nakapasok na siya sa isang talyer, nagkaroon siya ng interes sa pagkukumpuni ng sasakyan kaya naman gusto niyang makakuha ng kaalaman sa pagmemekaniko, binabalak niya ng mag-aral.

"Mag-aaral ka?" pinagtawanan nito ang kanyang pangarap, inaalipusta nito ang kanyang gustong gawin. "Sige, ipagpalagay na nating mag-aaral ka nga, mas maganda kung sasali ka sa Underground Boxes , malaki ang kikitain mo, matutupad mo pa ang letse mong pangarap o kung ano man iyon." ang nakakabwisit na tawa nito ay sinabayan pa ng walang kwenta nitong kasama. Para dito, isang suntok sa buwan at kabaliwan ang bagay na gusto niya. Hindi nito alam kung ano ang mga bagay na sinuko niya.

"Sige, sasali ako." Isang desisyon na siyang nagpabago sa lahat.

"Si Chedeng?" tanong niya sa sekretarya na parang bulateng nagkikisay sa kanyang harapan.

"Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka? Sana man lang nakapag retouch ako at nasuot ko yung gown na minana ko pa sa nanay ng lola ko." Malanding sabi ng sekretarya ni Chedeng, hinihimas pa nito ang kanyang braso, nakakakilabot dahil parehas lamang din silang may malaking braso.

"Gilberto, lumayo ka baka bigyan kita ng upper cut." Nakangiting sabi niya dito. Totohanin niya kung hindi magpapatinag, baka maging lalake ulit.

"Maka-Gilberto ka naman, ang bantot ha, Gillen nga kasi!" nagdadabog pa ito, sumasakit ang kanyang ulo, hinahanap niya lamang naman si Chedeng.

"Nasaan nga si Chedeng?" tanong niyang muli.

"Si Chedeng ay bumyahe pa -Africa ang sabi niya kapag may naghanap daw sa kanya, paki-sabi nanlalake siya. Ang bakla hindi nagsama? Ang lagay siya lamang ang maliligayahan?" reklamo nito, napailing na lamang siya, kausap niya lamang kanina si Chedeng pero ngayon ay hindi na naman niya mahagilap.

"Puro pangit naman ang nandoon."

"Ay judgemental? Porque gwapo at yummy ang katawan mo?" patuyang sabi nito sa kanya, iniwan na lamang niya si Gilberto o Gillen o kung ano pa man, kailangan niyang bigyan ng warning si Chedeng, kailangan din nitong mag-ingat.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now