Round 15:

6.1K 226 39
                                    

15:

11/14/19

....

"Hindi talaga kayo mag-uusap?" Usisa ni Chedeng.

"Wala na kaming dapat pag-ausapan pa." Putol niya sa kung ano pa mang idudugtong ni Chedeng. Tinapos niya na ang kanyang kabaliwan, kaya kahit ano pang gawing pagiging tulay nina Chedeng at Tonton, hindi na talaga nila maibabalik ni Robin ang kung ano man ang meron sa kanila. Kung matatawag man nga na relasyon ang isang tao lang ang siyang nagmamahal.

"Sising-sisi naman yung tao, kausapin mo na." Binagsak niya tuloy ang kanyang tinutuping damit.

"Pwede ba Chedeng? Ako ang kaibigan mo kaya dapat sa akin ka kumampi. Ako ang siyang nasaktan dito." Sa galit niya ay hindi niya maipigil ang kanyang pag-iyak. Akala niya naiiyak niya na ang lahat ng kanyang sama ng loob at hinanakit pero meron pa palang natitira.

"Ay, may pag-iyak? Sorry na bakla." Lumapit naman ito para pakalmahin siya, hinaplos –haplos nito ang kanyang likod.

"Sa akin ka dapat kumampi!"

"Oo na , kampi ako sa'yo. Tahan na may rampa ka pa mamaya." Patuloy na pag-alo nito sa kanya. Tama kailangan niya ng itigil ang kabaliwan na ito, lalo na ngayon ay nakakuha na siya ng impormasyon kung nasaan ang kanyang ina. Kailangan niya ng maraming pera upang mapuntahan ito. Kung si Robin ang tipo ng tao na iniiwasanan ang kanyang pamilya, kabaliktaran naman siya, gagawin niya ang lahat para mabuo ang kanyang pagkatao. Kailangan niyang magkaroon ng sagot sa kanyang mga katanungan.

"Mas gumaganda at sumesexy ka yata ngayon Razel?" Nakakalokong bati ni Yaggo sa kanya." Nandoon yung boyfriend mo hindi mo ba pupuntahan?" Nginuso nito ang waiting room kung nasaan si Robin, may laban ito mamaya kaya naman naghahanda na iyon.

"Wala akong boyfriend." Sagot niya bago ito lampasan papunta sa make-up room, kailangan niya nang mag-ayos.

Tumawa naman si Yaggo sa narinig."So totoo nga ang balita? Hiwalay na?Siguro magaling lang sa ring, hindi sa kama." Patuya nito sabay nagtawanan ang mga alipores.

"Kung wala ka ng sasabihin na maganda, pwede ba huwag ka ng magsalita." Pagtataray niya dito.

"Actually mayroon akong magandang balita sa'yo, malaki ang kikitain mo rito pag nagkataon." Napahinto siya sa paglalakad sa narinig , alam ni Yaggo na nakuha nito ang kahinaan niya.

"Anong klaseng trabaho?"

Ngumisi ito nang nakakaloko dahil nagtagumpay ito na makuha ang kanyang atensyon, pero kailangan niyang makakuha ng malaking halaga. Sa tingin niya ay wala siyang hindi kayang gawin ngayon, kahit ang pagkapit sa patalim. Wala namang mawawala sa kanya.

"Bakit hindi natin ito pag-usapan sa aking opisina?"

...

"Saan ka pala natulog kagabi?" Nadatnan niya ang kanyang ina na nagdidilig sa kanyang garden. Ang sabi ni Jeremy ay may dala na itong mga gamit na pinasok nito sa isa sa mga guest room.

"I'm sorry for asking anak, nag breakfast ka na ba? I prepared our breakfast just in case." Hindi pa naman talaga siya kumakain dahil matapos niyang iwan ang babae sa hotel ay dumiretso na siya sa bahay. He needs to prepare later, may meeting siya for a possible next match.

"Hindi pa." Tipid niyang sagot nito, tila naman nagliwanag ang mukha nito, pinatay nito ang hose at nilapag sa tabi.

"Halika sa kusina, ipaghahanda kita." Excited na sabi nito, hinawakan ang kanyang braso at hinila siya papasok sa kusina. Para siyang bata na sunod-sunuran habang pinapaupo nito sa upuan.

Nakita na lamang niya ang sarili na pinapanood ito sa ginagawa habang abala sa pag-aasikaso sa kanya. Nakalimutan niya na ang ganitong pakiramdam, huminga siya ng malalim. Hindi pwedeng balutin siya ng kung anong emosyon ngayon.

"Hindi ka pa rin kumain?" Tanong niya ng umupo ito sa kanyang tabi.

"Hindi pa anak, hindi pa kasi ako nagugutom kanina." Sagot nito habang nilalagyan ng butter ang isang slice ng tinapay saka nilagay sa kanyang plato.

"Ako na po." Tutol niya sa kung ano pang balak nitong gawin.

"Sorry anak, pagpasensyahan mo na ako. Na miss ko lang ang ganito, yung makasabay ka sa pagkain."

"May iba ka pa namang anak, hindi naman ganoon kalungkot kung mawalan ka ng isa." Nakagat niya ang kanyang dila, nawala ang ngiti sa labi ng kanyang ina sa kanyang sinabi. Hindi niya talaga mapigil ang kanyang bibig, kung anong lumabas dito ay magiging tunong hinanakit.

"Hindi pa rin masaya...hindi kasi kayo kumpleto."

Naputol ang usapan na iyon nang biglang mag-ring ang cellphone nito at base sa boses sa kabilang linya parang kapatid niyang babae ang siyang tumawag.

"Si Mikayla, iyong kapatid mong bunso, she was asking if she can visit here. Ang sabi ko tatanungin muna kita." Pagkababa ay binalingan siya ng kanyang mommy.

"She can dropped by later, she don't need to worry about me ,aalis naman ako dahil may appointment ako."

"Ganoon ba."

...

Caleb greeted him, hindi niya maintindihan kung good news ba or bad news ang gustong iparating nito.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Let's talk in the meeting room."

Pagkapasok ay nag-umpisa nang sabihin ni Caleb ang proposed rematch sa isang Puerto Rican boxer na inagawan niya ng tittle si Del Rio a year ago via TKO. That won made him earned his fourth belt, nasa kalahati na siya ng achievement ng greatest boxer of all time.

"What can you say? I don't care about the prize, gusto ko lang durugin ang kanyang natitirang ego." He smirked, maangas naman talaga ang isang iyon, sa press release at weighing ay wala itong ginawa kung hindi ang magmayabang. Dudurugin daw siya nito sa first round pa lang, which turned out na ito ang dinurog niya at tuluyang napatumba sa fourth round. That early, hindi naman siya masyadong nag-init.

"And how about the place, they wanted it in Puerto Rico. I don't think that's a good idea. Why not Las Vegas or Macau if they really wanted a rematch."

"Home court advantage?"Totoo naman,"Baka kukuha ng lakas ng loob sa mga kababayan." Sabi niyang tumatawa, ni hindi man lamang tumawa si Caleb at secretary Joo.

"This isn't funny Robin. According to my source, he's associated with a big syndicate in South America. Truth is, we really don't need this fight, I suggest we can just drop the idea." Mukhang ito ang unang pagkakataon na makita niyang takot si Caleb sa kanyang laban.

"If we do, sa tingin mo titigil sila. Hayok si Del Rio na makaganti sa akin and I think I have the obligation to fulfill that. Iyon nga lang wala akong balak magpatalo." He said with finality, parehas namang bumuntung hininga ang dalawa.

"Okay, we will just polish some details; make it in our favor and a tight security. We don't need to risk our safety."

"Yes sir!" he jokingly saluted. Seryoso pa rin ito na may nilagay na pictures naman sa kanyang harapan.

" Nagkalat na naman ang mga pictures mo kasama ang ibat-ibang mga babae. Kailan ka ba magiging seryoso?" Nawala ang ngiti niya sa mga litrato na nilapag ni Caleb. Larawan niya iyon habang nakikipaghalikan, mayroon din na habang natutulog siya sa kama habang may takip ng kumot ang kanyang pang-ibaba.

"Alam mo na kung ano ang gagawin mo dyan." Binalingan niya si secretary Joo, saka siya tumayo. Mayroon pa siyang isang lakad, sana lamang ay hindi makarating sa babaeng iyon ang masamang tsismis tungkol sa kanya, kung sakali man, madali lang naman ang magpalusot lalo na sa mga babaeng kasing bait at puro ni Gene Merce.

"Where are you going?" Tanong ni Caleb.

"Makikipag date, I mean may yayain na makipag date."  

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now