Round 12

7.1K 256 15
                                    


8/25/2018


....


12.

Nanonood siya ng boxing sa tv ng may humarang na tuwalya sa kanyang mukha. Mabuti na lamang at ang sariling tuwalya ang binato sa kanya ni Tonton, kung nagkataong ibang may-ari ay baka himatayin siya sa baho.


"Anong problema mo?" Asik niya dito, hindi niya tuloy napanood kung paanong bumagsak ang kalabang Mexicano ng pambato ng Pilipinas sa ikawalong round. Hindi niya sukat akalain na ma-hohook siya ng ganito sa nasabing sports. Ang panonood ng laban ay parang pagkuha rin ng bagong strategy.

"Maligo ka na Tol, nagyaya manood ng sine sina Chedeng, syempre dapat kasama ka para may mag-entertain sa bakla." Kapag may Chedeng understood na may Razel na kasama, magkarugtong na ang bituka ng dalawa na iyon, kaya kahit pagsasalita at kilos ay na-adapt ng isat-isa.

"Ayaw kong umalis." Kunwari ay ayaw niya ang balak nito, mabilis naman itong lumapit sa kanya at sinuntok siya sa kanyang balikat.

"Oo na, ikaw na kay Razel ako na ang papartner kay Chedeng, kailangan ko lang manood ng sine, first time ko tol sa sinehan, huwag mo naman akong biguin?" Hindi niya alam kung matatawa siya o maawa sa kaibigan, bandang huli ito pa rin ang siyang nanalo. Ano nga ba naman ang magagawa niyang kung magmakaawa na ito.

"Huwag mo masyadong gwapuhan ang pagporma , baka matalbugan mo ako." Pahabol pa nito bago siya magpunta sa banyo para maligo. Gusto rin naman niya ang ideya nito, nang hindi boxing ring, bahay at talyer lamang umiikot ang kanyang mundo. Kailangan din niya ng pagkaka-abalahan.

Paglabas niya galing sa kwarto ay masama agad ang tingin sa kanya ni Tonton.

"Problema mo?" Kagaya ng sabi nito, naka lumang pants lang siya, black shirt at black cap.

"Tol, magpapangit ka naman minsan." Himutok nito na sinamahan pa ng pagsimangot ng mukha.

"Alam mo tol, iyan ang bagay na hindi ko magagawa, sadyang kahit basahan ang isuot ko, gwapo talaga ako." Sabi niya na lamang saka nilampasan ito. Siya na ang nauna sa paglabas, nagpaalam na lamang ito sa kanilang mga kasamahan na nagpahabol ng pasalubong daw sa kanila.

"Sa bagay, galing ka nga pala sa gwapo at magandang lahi." Narinig niya pang bulong nito sa kanyang likod. Hindi na siya nagkomento doon, napansin siguro nito ang kanyang pananahimik kaya naman nag-umpisa itong magkuwento ng kung ano-ano.

"Bakit kasi sobrang trapik sa Pilipinas, tuloy nababawasan ang kagwapuhan ko." Himutok ni Tonton habang pumapasok sila sa branch ng isang sikat na mall.

"May kagwapuhan ka bang dapat mabawasan? Wala naman diba?" Komento niya na umani ng mahinang suntok mula rito. Natatawa na lamang siya kahit nakakarami na ito ng suntok sa kanya, alam kasing hindi niya ito papatulan. Lumayo na lamang siya dahil baka makatanggap pa ng isa.

"Nasaan na sila?" Kinuha ni Tonton ang cellhone sa bulsa, may binasa doon na mensahe saka bumaling sa kanya. "Ang mga babae talaga kahit kailan late, pero malapit na raw sila. Mauna na tayo sa sinehan ako ang mamimili ng panonoorin natin."

"Bahala ka sa buhay mo." Sagot na lamang saka sumunod dito. Matagal na rin simula nang huli niyang panonood ng sine, sila pa ang magkakasama noon.

"Tol, ito ang panoorin natin para laugh trip, napanood ko ito sa commercial, marami ang buhay ng bida sa pelikula." Iba ang gusto niya pero wala siyang magagawa kung ito ang gustong panoorin ni Tonton.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang