Round 8

8.2K 345 28
                                    

3/19/2018

...

8.

Abala siya sa pagpapractice sa harapan ng malaking itim na punching bag ng marinig niya ang nakakairitang  boses ni Tonton.

"Robin!" humahangos ito, palapit sa kanya habang nakataas ang cellphone.

"Napano ka?" tumigil siya sa pag-eensayo, kinuha niya ang bimpo sa gilid at ang kanyang bottle water.

"Good news 'tol, sinagot na ako ng nililigawan ko, di bale syota ko na pala siya ngayon." Ang lapad ng ngiti nito.

"Baka ni-load mo ng one hundred pesos kaya ka sinagot?" pang-aasar niya dito.

"Alam mo salamat ha, hindi ba pwedeng sabihin mo na dahil nagustuhan niya ako kaya sinagot ako?" sarkastikong baling nito sa kanya.

"Biro lang." tatawa tawang sagot nit Robin. "Mabait ka naman saka uto-uto, kaya pwede na."

"Ouch. Kaibigan ba talaga kita?" napahawak pa ito sa dibdib, ang arte. Nilingon niya ang may kalumaan na na gym, katulad niya ay may ilan ding boksingero ang abalang nageensayo. May laban siya sa darating na Biyernes, kaya kailangan niyang mag ensayo ng mabuti. Mula noong sumali siya tatlong buwan na ang nakakaraan ay hindi pa siya natatalo. Noong una kailangan niya lamang kumita para sa pag-aaral, sa huli nagdesisyon na rin siyang sumali para sa anak ni Cosme. Niluwas na kasi ito sa Maynila para mas mapagamot ng maayos. Naawa siya sa bata , wala siyang napiling paraan kung hindi ito. Hiyang hiya si Cosme kapag uuwi siya at ibibigay ang napanalunan dito, kulang na lamang ay sambahin siya nito. Pero hindi naman kailangang mapunta doon. Hinding hindi niya malilimutan ang bagay na nagawa nito sa kanya. Kahit hindi pa siya nito masyadong kilala noon, isa ito sa mga gumawa ng paraan para mailabas siya sa kulungan. Kaya ang sakripisyong ito para sa anak ni Cosme, walang wala kumpara sa utang na loob niya dito at sa mga taong tumulong sa kanya noon. Kaya hangga't kayang kaya niyang sumuntok, babangon siya at papataubin ang kanyang kalaban.

"Handa ka na ba sa mas malaking ring sa Biyernes? Kinakabahan ako." Si Tonton, sa tuwinang may laban, mas grabe pa ang kaba nito kaysa sa kanya.

"Gago, huwang kang hihimatayin doon." Tinuktukan niya ito, minsan na kasi itong hinimatay noong akalain na matatalo siya sa laban. Imbes na siya ang bantayan nito sa hospital ay nabaliktad pa, ito ang sinugod.

"Pogi!" matinis na parang bakulaw na boses, ayon kay Tonton, ang siyang nagpalingon sa kanila sa pinto.

"D'yan na yung bakulaw na malakas ang tama sa'yo." Bulong sa kanya ni Tonton, turo kay Chedeng na naka-maikling short at fit na blouse na may nakasulat na Pa-kainin mo ako. Hanep lang sa mga statement shirt.

"Hiyang –hiya iyong muscle nyang pumuputok." Dagdag pa ni Tonton sa kanya, natatawa naman siya sa sinasabi nito habang nakataingin sa papalapit na si Chedeng. Kung makakembot pa kasi ito ay wagas.

"Pogi, I miss you!" malanding sabi nito sa kanya na may kasamang pakurot sa kanyang braso, hinawakan niya tuloy ang tuwalya para itapis sa kanyang dibdib. Papapakin na naman siya nito.

"Hi Chedeng, hindi mo ba ako nakikita?" si Tonton. "Pogi rin naman ako?"

"Uy, kailan pa? Bakit di ako nakareceive ng text?" pangungutya nito sa kaibigan niya, natatawa na lamang siya kapag nagtatalo ang mga ito. Mas malaki kasi ang katawan ni Chedeng kaysa kay Tonton, kung hindi ito naging bakla malamang naging boksingero din ito. Iyo nga lamang sadyang ipinanganak talaga na malambot, matangkad ito ng isang pulgada kay Tonton kaya kapag napikon na ito, tatakbo na lamang si Tonton sa takot na maupakan.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now