Prologue

18.4K 550 43
                                    

5/21/2017

listening to BigBang -Badboy (VIP's)

https://www.youtube.com/watch?v=1qnV55LUFVM

PROLOGUE

Hinubad niya ang kanyang pawisang sando saka inihagis sa kanyang tabi. Magpapahinga muna siya saglit bago maligo.

"Umalis na iyong kapatid mo, hindi mo man lamang kinausap ng maayos." Si Caleb, ang kanyang mentor, ito ang dahilan kung bakit napunta siya sa professional boxing. Di hamak na mas mabuti na raw ito kaysa makipagbasag-ulo siya sa illegal na paraan para kumita ng kaunting pera na magtatawid sa kanyang pangangailangan. Simula nang lumayas siya sa kanilang bahay noon ay natuto na siyang tumayo sa sariling paa. Naranasan niyang matulog sa kalye, kumain lamang ng isang beses sa maghapon,  maging hindi pagligo araw-araw dahil sa limitadong gamit. Lahat iyon, naranasan niya, matinding sama ng loob at galit ang nagpipigil sa kanya para bumalik sa pamilya na nagtraydor sa kaniya. Itanggi man ng mga ito, pero iyon ang kanyang pakiramdam. Sino nga ba naman ang pipili sa suwail at walang direksyong bunso kumpara sa napakatalino at mabuting anak na panganay? 

Tang-inang mabuting anak na iyon! Iyon ang siyang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat! Hinding hindi niya malilimutan ang araw na iyon.

"Hindi ito ang mundo niya saka wala naman akong sasabihin sa isang iyon." Palatak lamang ang naging sagot ni Caleb sa kanya. Totoo naman , hindi siya katulad ni Raven na propesyonal , nagtapos ito ng medisina. Samantalang siya? Ano nga lamang ba ang natapos niya? Two year course lang sa Automotive Technology at sa isang pampublikong kolehiyo. Malayong- malayo sa pinagpipitagang dalawang lalaking anak nina Mr. and Mrs. Romualdez.

"Isang dekada na, malalim pa rin ba?" Naikuyom nya ang kamao sa narinig, ayaw niyang magalit sa pang-iintriga ni Caleb, pero kung magpapatuloy ito baka maputol ang pagtitimpi na tinatago niya.

"Mabuting iwanan mo na muna ako coach." Pigil ang galit na sagot nya rito.

Malalim na buntonghininga ang naging sukli ng kausap bago tuluyang lumabas. Pagkasara ng pinto ay siya namang pagtayo niya para suntukin ang pinto ng kaniyang locker. Mukhang kailangan niya pa ng isang round mamaya.

Talagang kailangan pa ba siyang tanungin kung malalim pa rin, gayong alam naman na nito ang sagot. Natuto siyang mabuhay mag-isa at sa tingin niya'y kakasanayan niya iyon hanggang sa kamatayan.

....

"Happy Anniversary!" Na-freeze ang kanyang ngiti nang makita ang luhaang mata ni Heaven. May kipkip ito sa mga kamay. Pinatuloy na siya ng mommy nito sa kwarto dahil hindi pa raw ito lumalabas. Akala nga ng mommy nito ay nag-away sila. Hindi naman kaya. Never silang mag-aaway ni Heaven, kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan, sandali lamang iyon dahil hindi niya palilipasin ang isang araw na hindi sila magkakasundo. That's how much he loves this girl. Love at first sight indeed. Unang kita niya lamang dito habang namimili ng bulaklak para sa kaniyang mommy ay talagang nahulog na siya. Totoo pala yung nag-fefreeze ang paligid kapag nakita mo na ang the one mo, para sa kanya si Heaven Marie ang kanyang the one, ang kanyang panghabambuhay, kaya naman gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti nito. Being with her is enough.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now