10

8 1 0
                                    

Hindi pa ako nakakarecover sa suntok sa sikmura ay may sumampal naman sa akin. Kaya naman natumba na ako.

Nag-angat ako ng tingin tsaka ko nakita si Felix kasama ang girlfriend nya.

"Sinabi ko naman sayong tumigil kana hindi ba?" nakangisi ngunit makikitaan ng galit ang mukha ni Felix.

Akma syang sisioain ako kaya naman si alo ko ang paa nya kahit pa nakaupo ako, inilagay ko sa hawak kong paa nya ang lakas ko tsaka ako tumayo tsaka ko pinilipit ang paa nya paikot kasabay nh katawan nya, bumagsak sya.

Namilipit din sya sa sakit. "How dare you!" sigaw ng girlfriend nya. Handa na sa pagsugod kaya naman ng papalapit na sya sa akin ay sinampal ko rin sya gaya ng pagsampal nya sa akin kanina. Iyon nga lang mas masakit ang sampal ko dahil bumiling ang mukha nya. Umikot pa sya tsaka sya natumba nawalan ng malay.

Mabilis namang nakatayo si Felix ng makita angnanvyari sa girlfriend nya, hindi ininda ang sakit ng paa. Ilang beses syang sumuntok ngunit ni isa doon ay hindi tumama. Kaya naman ng isang beses pa syang sumuntok ay sinabayan ko rin ng suntok ang kamao nya. Nagtama ang parehong kamay namin, ngunit dahil nga may kakaiba akong lakas ay ininda nya iyon samantalag ang sa akin ay parang wala lang.

Hinawakan ko sya sa leeg at inangat sa pader gaya ng ginawa ko sa kanya noon sa puno sa school. Itinaas ko pa sya ng walang kahirap hirap, lumutang na ang mga paa nya.

"Hindi ba't sinabi ko rin sayong hindi mo ako kakayanin. Hindi mo magugustuhan kapag ako ang nagalit" galit kong sabi mas idiniin ko pa ang paghawak ko sa leeg nya, nawawalan na sya ng hininga, kumakawag kawag ang kanyang mga paa.

"Nasan si Terrence? Bakit nasayo ang cellphone nya?" madiin kong sabi. Kaya pala ako kinakabahan kanina dahil may hindi magandang nangyari kay Terrence.

"Hindi ko alam" hirap na hirap nyang sabi. Sa inis ko ay sinuntok ko sya. Kasabay ng pagtalsik nya ay ang pagtalsik din nh cellphone ni Terrence.

Agad kong kinuha yon at akmang babalikan pa ng suntok ang hindi na makatayong si Felix ng marinig ko ang boses ni mommy.

"Ada, what took you so long?" my mom shouted from the front.

"Maswerte kapa, hindi lang yan ang mararanasan mo kapag ginulo mo pa kami ulit" Iyon lang at tinalikuran ko na sila.

Kaya siguro kami nasundan nila Felix dahil nasa kanya ang cellphone ni Terrence kanina pa. Naalala kong sinend ko nga pala yung location ng pupuntahan namin.

Nag-aalala na ako kay Terrence. Gamit ang cellphone ni nya ay tinawagan ko ang daddy nya. Mabuti nalang wala iyong password.

"Hello, Terrence anak, nasaan kana?" mahihimigan ang pag-aalala sa boses ng daddy ni Terrence.

"Hello Dr. Lax. It's me Ada. I got his phone from someone. Where is he? Is Terrence alright?" nag-aalala ko ring tanong.

"Yeah, tinawagan nya ako kanina, nahold up daw sya"

"What?" bakit hindi sinabi ni Terrence ang totoo. Malamang may ginawang kalokohan si Felix sa kanya.

"Dont worry, he'll be fine. Pinasundo ko na sya"

"Thank God. Sige po Doc. Gotta go. Malapit na po kami sa bahay nina Doc Adams."

"Okay,take care" binaba na nya rin ang tawag. Agad ko namang pinuntahan si mommy.

"Ang tagal mo"

"Sorry mom. Call of nature" natatawa ko nalang palusot. Tinawanan naman ako ni mommy. Umiiling syang pinaandar ang kotse.

"This is it mom" kinakabahan kong sabi sa kanya ng makarating kami sa harap ng bahay ni Dr. Adams. Sana sa pagkakataong ito, makausap ko na sya, ang totoong sya.

EAT ME DEAD SOUL (COMPLETED) Where stories live. Discover now