6

5 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw na si Terrence lang ang kinakausap ko. Maging si Jacob at si Mommy ay iniiwasan ko. Palala na ng palala ang sitwasyon ko.

Nabubura na ang ilang mga alaala ko, nawawalan na ng buhay ang itsura ko, maputla na ang mga balat ko, dahil sa kawalan ng dugo at nagsisimula nang magsugat sugat ang ilang parte ng katawan ko.

Isa pa sa pinakakinababahala ko ay ang madalas kong pananakam sa utak. Kaya naman madalas na rin akong mamili ng utak ng baboy na sya kong kinakain.

"Terrence!" tawag ko sa kanya. Kumaway pa ako upang makita nya agad dahil lilinga linga syang hinahanap kung nasaan ako.

"Hi" tipid na sagot nya ng makalapit. Medyo weird nga syang kumilos pero hindi ibig sabihin nun ay weirdo na sya. Mahilig lang talaga sya sa maiitim na damit. Yun nga lang naka eyeliner pa syang itim.

"Uhm.. Busy kaba? May klase ka?" sunod sunod kongtanong sa kanya.

"Hindi naman, bakit?" kunwaring nag-isip pa sya, bago sumagot.

"Sure ka?" paniniguro ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko nga ba tinatanong sa kanya to. Hindi ko alam kung anong plano ko.

"Yeah?" Nag-aalangang sagot nya. "I know they called me weird, but.. You're acting weird today, Ada" sinilip pa nya ang mukha ko.

"Really?" kinapa kapa ko naman ang mukha ko na akala mo ay may kung anong nangyayari dito. Saka sya tumawa. Nangunot ang noo ko at inirapan sya. "Are you making fun of me now?"

"No. Sorry. I didnt mean it that way" sabi nya kasabay ng pagseryoso ng kanyang mukha. Ako naman tuloy ang natawa.

"You're cute" sabay kaming nanlaki ang mata sa sinabi ko, maging sya ay napahilig ang ulo na kala mo ay pinoproseso ang sinabi ko. Tumikhim ako tsaka muling nagsalita. "Tara kain. My treat" hindi ko na sya hinayaang sumagot pa. Sinabi ko yun sa paraang hindi patanong kaya wala akong hinintay na sagot.

Bahagya pa akong umiling at napangiti ng mauna akong maglakad sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya.

Nasa isang coffee shop kami, umorder lang ako ng isang slice ng cake at hot chocolate dahil maulan ngayon. Habang sa kanya ay coffee at crossaint.

"So.. What now?" " Out of nowhere bigla kong tanong.

Natigilan naman sya sa paghigop ng kape at tumingin sa akin gamit lang ang mga mata, hindi gumagalaw ang ulo at nananatili ang labi sa tasa. Nangunot ang noo sa itsura ng pagtitig nya sa akin. Malalim iyon na kala mo ay nilalangoy ang kalaliman ng aking kaluluwa.

"What?" mataray na tanong dito. He's weird.

"You're really weird today" literal na napanganga ako sa sinabi nya. Kakasabi ko lang sa isip ko na weird sya tapos ako pa ang sasabihan nya ng weird ngayon. Grabe. Tumawa ako ng sarkastiko.

"Ako pa talaga ang weird?"

"Ikaw ang nagdala sa akin dito, tapos tatanungin mo ako ng 'so.. What now?" ginaya nya ang tono ng boses ko ng tanungin ko yon sa kanya kanina.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Imbis na mainis ay parang nahiya pa ako. Dahil may punto nga naman sya. Ako ang nagdala sa kanya dito tapos ay magtatanong ako ng ganoon.

Idinaan ko nalang sa tawa ang pagkapahiya ko sa kawalan ng isasagot sa kanya. Tinignan nya lang naman ako ng may mga ngiti sa labi. Naiiling iling pa.

"The truth is.. I just want to take a break from all of this shit. Habang patagal ng patagal, I am losing all my hopes." buntong hininga pa ang sunod kong ginawa. Totoo naman iyon. Napapagod na ako sa kakahanap ng paraan upang malunasan ang sakit ko.

EAT ME DEAD SOUL (COMPLETED) Where stories live. Discover now