2

12 3 0
                                    

Nandito ako sa school ngayon, nakita ko si Caleb sa locker room mag-isa. Mukha syang puyat na puyat, mapupungay ang mata. Bakit kaya? Maaga lang naman syang nagpaalam sa akin na matutulog na. Balak ko sana syang lapitan, ngunit naunahan na ako ni Felix. Kaya naman lumayo ako ng konti at sumandal sa pader, sa ganoong posisyon ay hindi nila ako makikita ngunit maririnig ko ang pag-uusapan nila.

Wala talaga akong tiwala kay Felix kaya minabuti kong pakinggang ang pag-uusapan nila.

"Dude, tara bar mamaya! Wala naman tayong practice sa basketball, wala ka ring practice sa dance troupe" Aya ni Felix sa boyfriend ko. As expected, he's a bad influence.

"Pass dude. Kailangan ko samahan si Ada mamaya" tanggi ni Caleb. Good baby.

"Ada na naman, nalalayo kana sa tropa simula ng maging kayo. You need some air dude. Toxic na sya satin" ani Felix. Damn him!

"Gago kaba?" Tinulak sya ni Caleb. "Dont talk shit about Ada!" Singhal ni Caleb kay Felix. Imbis na mainis ay tumawa pa si Felix.

"Chill Caleb. Dont you remember what happened last night?" Nakangising sabi naman ni Felix sa kanya. Anong nangyari kagabi? Ang alam ko ay magkasama kami hanggang sa maihatid nya ako sa bahay at umuwi na rin sya.

"Dont you dare, Felix" nagbabantang sagot ni Caleb sa kanya, mukha mang natatakot ay pilit na nilalakasan ang loob. Damn! What's going on?

"So see you later, same place?" Nakangisi paring sabi ni Felix kay Caleb at tinapik tapik pa sa balikat si Caleb.

Bumuntong hininga si Caleb, hindi malaman ang sasabihin o gagawin, kaya minabuti ko ng lumapit sa kanila.

"Baby" tawag ko kay Caleb, hinalikan sya sa pisngi. Sinadya kong hindi tignan si Felix dahil naiirita ako sa kanya.

"Baby, kanina kapa ba dyan?" nag-aalangang tanong ni Caleb sa akin. I know there's something wrong I didnt know.

"No, kadarating ko lang" I lied. "Why?"

"Nothing" sabi ni Caleb ng hindi makatingin sa akin.

"I should go now, bye Caleb, Ada" biglang singit ni Felix.

"Ohh.. I didn't notice youre here" I sarcastically said.

Tumawa sya ng sarkastiko rin, "I didnt notice it was you too, youre kinda.." tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita ulit. "Exhausted. You should get some rest" tatawa tawang sabi nito tsaka kami tinalikuran.

"Damn you!" Rinig kong bulong ni Caleb.

"Dont mind him, baby" ani Caleb.

"I didnt mind him at all. Ikaw lang ang ayaw lumayo dyan sa tropa mong yan e" naiinis kong sabi sa kanya sinagot nya lang ako ng buntong hininga.

"Let's not talk about him, so dinner later?" Tanong ko rito.

Hindi nya malaman kung anong sasabihin, pakibot kibot lang ang labi. "Maybe.. Uhm, next time nalang baby?" Kumakamot sa batok nyang sabi, tumungo at hindi makatingin ng diretso sa akin.

I knew it Caleb. Hindi lang naman kita kahapon nakilala. Alam kong kapag nagsisinungaling ka sakin ay hindi mo kayang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Kapag may hindi ka masabi ay hindi mapakali ang mga kamay mo. Tss.

"Bakit naman baby?" Malambing kong boses.

"Baby kasi" kumamot naman sya sa balikat nya at hinawak hawakan ang straps ng bag, "May ano e.. May practice kami mamaya" nakatungo nyang sabi. Lier! Nagsisinungaling nga talaga sya.

Narinig ko kaninang wala silang practice. Inannounce na walang sports or activities mamaya dahil magpepest spray. Every 2nd week of the month ay ginagawa sa school yon. Gagawa nalang ng dahilan palpak pa.

EAT ME DEAD SOUL (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon