Survival 5 - Code

101 8 2
                                    

Luna's POV

Naging walang kwenta ang buong araw namin dito. Inubos namin ang oras namin sa pag iikot, kumain, mag kwentuhan, at mag imbestiga na din.
Nakatambay kami ngayon sa Jollibee sa Mall at kumakain. Buong araw si Sunset na madaldal, Jasper ,yung Kambal at si Jack na may pagkahambog pero madalas tahimik lang ang kasama ko.

Umorder ako ng spaghetti, chicken at coke. May ilan ilan ding kumakain dito na ibang kalahok pero halatang iwas silang lahat sa isa't isa. Masasabi kong medyo may tiwala nako ng konti sa mga kasama ko ngayon pero hindi dapat ako magpakumpante dahil hindi ko pa sila lubos kilala. Sa lugar nato ang pwede mo lang pagkatiwalaan ng husto ay ang sarili mo.

Napatingin ako sa relong suot ko, it already 7pm at may isang oras nalang kami bago magsimula ang game. Kumain nalang ako para mabilis din ako makapunta sa kwarto ko, napagod din ako sa buong araw.

"Here" napalingon ako kay Sunset at may inaabot sakin, peach mango pie.
"Tigisa tayo, hindi ko pala mauubos tong dalawa, hihi" nginitian ko nalang siya at inabot ang peach mango pie.

Kanina pa kami tahimik at walang nagtatangkang magsalita, ang awkward.

"So... Kwentuhan naman tayo, may 45 minutes pa tayo" si Jasper ang nangsira ng katahimikan at awkwardness sa paligid. "Sunset kwentuhan mo naman kami kung bakit naging ganyan ang pangalan mo" pagpapatuloy ni Jasper.

Medyo na curious din ako sa tanong niya. "Hmmm..." Pauna ni Sunset na parang inaalala at nag iisip. "Kwento sakin ni Mama na matagal daw siyang nag labour bago ako ipanganak, inabot din daw ng hapon yun. Nung time na ipapanganak nako ay nirequest daw ni Mama na buksan ang kurtina ng kwarto at sakto daw na habang pinangangaka niya ako ay Sunset na at na magandahan daw siya kaya iyon na yung pinangalan niya sakin" ang gara ng pinagmulan ng pangalan niya saka unique kase bihira ang nagpangalan ng ganyan.

"Oh.. Nice!" Para bang manghang manghang sabi ni Jasper. "Ikaw naman Luna" nakangiti siyang ipinaling ang atensyon sakin

"A-ako? Wala namang especial sa pangalan ko" hindi ko naman kase alam ang ikukwento ko saka feeling ko boring lang yon.

"Sige na itry mo ikwento" pamilit ni Jasper. Napansin kong nakatingin na din pala sakin si Jack at hinihintay ang kwento ko.

Bumuntong hininga ako. "Fine" pagpayag ko dahil wala din naman akong magagawa. "So... obvious naman, nanggaling sa pangalan ng buwan, si Luna, pero hindi naman dapat Luna ang pangalan ko, kwento ni Mommy sakin dahil pinapanganak daw niya ako ay kasalukuyang nagaganap ang Strawberry Moon..."

"So... Dapat ang pangalan mo ay Strawberry?" Tanong ni Jack sakin. Sa wakas ay nagsalita din siya. Mukang naging interisado siya sa kwento ko.

"Yes, but mas pinili nila na gawing Luna ang pangalan ko" nagpatango tangon naman sila.

"Bumagay naman sayo" seryosong sabi ni Jack pero hindi siya tumingin sakin.

Natahimik panandalian ang lahat dahil sa sinasabi niya na yon pero muka namang wala siyang pake don.

"Kayo kambal, san nag mula yung pangalan ninyo?" Baling ko sa atensyon ko sa kambal, ang awkward na kase.

"Ahh... Alin?" Tanong ni Jay. "Ito bang Jollibee? Oo masarap naman" nakangiting sabat ni JJ. Kakaiba talaga tong kambal nato

"Alam ninyo, hindi lang kayo Slow, Lutang din kayo" singit ni Sunset sa kanina.

"Kanina ka pa kase tumatakbo sa isip ko" O.M.G, totoo ba yung narining ko? Mukang may nabubuong love team dito HAHAHA. Nanatiling nakatingin si Jay kay Sunset na namumula na.

Bakit ganon pag kausap niya si Sunset, ok naman siya. Kakaiba din naman utak nitong kambal nato.

"Ikaw nalang mag kwento Jasper" ibinaling ko kay Jasper ang tanong.

Dream Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now