Survival 3 - Jack Carson

167 9 0
                                    

Luna's POV

Nanatili lang nakapikit ang mata ko, nasa Game na ko. Ayoko munang imulat ang mata ko, hindi ko alam kung ano ang sasalubong sakin.

Naririning ko ang mga huni ng ibon, ang hangin na humahampas sa mga puno at halaman at ang sariling hangin na aking naaamoy. Nanatili lang ako nakapikit at pinapakiramdam ang paligid. Nakakarining din ako ng hampas ng alon—wait Alon?

Dali dali kong dinilat ang mata ko, Beach ang sineryo ng unang laro. Mananghang mangha ako sa nakita ko dahil nagkataong nakaharap ako sa nagaganap na Sunset. Sobrang ganda talaga pagmasdan ang paglubog ng araw kasabay ng paglitaw ng buwan.

Umupo ako sa puting buhangin malapit sa dagat katapat ng lumulubog na araw. Gantong ganto ang ginawa ko sa tuwing pupunta kami sa resort namin sa Palawan. Iyon ang pinakagusto kong resort namin, meron din naman kaming resort sa ibang bansa pero mas maganda pa din talaga ang pakiramdam kapag nasa pilipinas ka.

"Hi" muntik nako mapatili sa gulat ng may nagsalita mula sa likod ko.

Tinignan ko siya. Isang parang mahinhin na babae ang lumalubong sakin. "Hello" bati ko din sa kanya

"Pwedeng tabi tayo?" Nakangiti nitong tanong. Tumango nalang ako bilang sagot.

Tumabi siya sakin at humarap din sa view na pinapanood ko. "Ang ganda talaga ng paglubog ng araw no" napakagaang niyang kasama. "Kaya hindi nako nagtataka kung bakit siya ang pinangalan sakin" dagdag pa nito na kinakunot ng noo ko. "By the way, Im Sunset, you can call me Sol" nakangiti nitong sabi at inabot ang kamay para makipag kamay.

Inabot ko naman ang kamay niya. "Luna" pakilala ko naman sa kanyan. Nanlaki ang mata nito at ngiting ngiti.

"Alam mo palagay ko magiging best friend kita, tamang tama tayo! Ako pinangalan sa Araw, ikaw pinangalan sa Buwan! What a nice Tandem!" Medyo natawa ako sa inasta niya, kamuka niya ng ugali si Mira. Miss ko na ang best friend ko. "Best friend na tayo ha!" matipid nalang akong tumango. Syampre naman mas best friend ko si Mira at walang makakatalo don.

Nagkwentuhan kami habang nakaharap sa dagat at pinag mamasdan ang araw na kasalukuyang lumulubog. Nakuha ni Sunset lahat ng atensyon ko dahil sa pag kukwento niya. Mahirap lang daw ang pamilya nila, wala daw trabaho ang nanay niya at may apat pa siyang kapatid habang ang tatay naman daw niya ay isang contraction worker. Maswerte na daw kung makakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Mag sasideline daw siya bilang model at sumasali minsan sa pageant para sa premyo, may mga kaibigan naman daw siya na tumutulong para makasali siya. Oo maganda siya, kayang kaya nga niyang sumali sa ganong patimpalak.

"Ikaw luna, anong buhay mo?" natigilan ako sa tanong niya. Kung mag kukwento ako ay baka akalain niyang nagyayabang ako pero hindi napilitan akong mag kwento tungkol sa buhay at istado ko sa buhay pero siya ay nanatiling nakikinig at minsan ay na eexcite sa naririning.

"Alam mo nakakainggit ka, ang ganda ng buhay mo halos lahat ng gusto mo ay mabibili mo, lahat ng naisin mo ay pwedeng pwede, bonus nalang ang kakayahan mong mag Lucid Dream" kahit pa ilang oras palang kami mag kasama ay alam kong totoong tao siya at totoo ang pinapakita niya.  "Saan ka nga pala natutong mag Lucid Dream?" dagdag na tanong niya.

"Ang kwento sakin ni Lola ay likas na sa lahi namin ang may kakayahan na yon, kaya hindi na bago samin ayon pero si mommy hindi nabiyayaan ng kakayahan na ganto" paliwanag ko sa kanya. Patango tango naman nito

"Alam mo hindi mo na kailangan mag Lucid Dream, ang ganda ganda na ng buhay mo sa reality" gusto kong tawanan ang sinasabi niya. Kung malalaman lang niya.

"Hindi din hin—"

Natigilan ako sa pagsasalita ng may biglang nagsalita, siya nanaman! Ang Mastermind ng laro nato!

Dream Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now