Epilogue

86 7 0
                                    

Zack's POV

"Sumunod kayo sakin!" Utos ni King samin.

Sa grupo niya kami sumama nila Cyrus at Ruby. Nakasunod lang kaming lahat kay King dahil siya ang may hawak ng flashlight. Sobrang dilim sa loob ng gubat kaya't magkakadikit lang kami.

"Zack, kausapin mo naman ako" mahinang pagmamakaawa ni Ruby sakin.

Simula kase ng magkita kami kanina ay hindi ko siya pinapansin o kinakausap manlang, sumasariwa sa isipan ko ang ginawa niyang pag sasakripisyo para sakin.

"Kung tungkol ito sa pag amin ko sayo dati, sorry, sorry kung hindi mo din ako gusto—"

"Hindi ito tungkol don. Sa pang sasakripisyo mo para sakin, alam mo bang pakiramdam ko ay hindi ako worth it sa ginawa mong yon para sakin " hindi ko pagpapatapos sa kanya.

"Gunusto ko naman ang nangyari na yo—"

"Well ako hindi, nawala sakin yung kaibigan ko ng wala akong nagawa, nawala ka sa mismong harapan ko, sobrang sakin para sakin yon" sa tuwing na aalala ko ang araw na yon ay para bang sinisisi ko lagi ang sarili ko.

Naramdam kong may umakbay sakin, pinapakalma niya ako. Heto nanaman ako hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Sa tuwing nagkakaganito ako, nandyan si Cyrus para damayan at pangaralan ako.

"Walang mangyayari kung mag sisisihan kayo, matuto nalang kayong mag patawad sa isa't isa at ang sarili ninyo" mahinanong sabi ni Cyrus samin.

"Gusto ko lang naman ng yakap ng kaibigan ko, pwede ba yon" hiling ni Rudy habang nakabuka ang mga braso.

Hindi na natuloy ang yakap na iyon ng makarinig kami ng mga putok ng baril. Pinagmadali na kami ni King sa paglalakad. May hawak lang siyang isang bagay na sabi niya GPS. Iyon ang sinusundan namin hanggang makarating sa dulo ng gubat.

"Hello, May kukunin lang ako sa inyo, si Ruby" bumulaga sa harapan namin ang isang taong naka maskara.

Hindi nagdalawang isip na baril ni Cyrus ito ngunit naglaho nalang ito na parang bula. Lumipat naman ito sa likurang bahagi naman at pinaulanan ng bala ni Ruby ito. Ang bilis ng kamay nito. Nakita naming tinamaan ito sa kaliwang braso bago ulit mag laho. Hindi nga siya tao.

Nagmadali na kaming tumakbo. Si King lang ang sinusundan namin. May mga tauhan din si Mr. Ong na humaharang sa dinadaanan namin pero agad namang napapatay ito nila Cyrus, King at Ruby, Sila kase ang marunong gumamit ng baril samin.

Nabigla kami ng biglang sumulpot sa tabi ni Ruby si Mr. Ong. "Kung hindi kita makukuha, papatayin nalang kita"

Pinaputukan niya ito ng baril pero agad na naiwasan ni Ruby ngunit ang bala na iyon ay tumama sa balikat ni Cyrus.

Nagawang hawanan ni Mr. Ong si Ruby at akmang itatakas na ito ngunit mabilis ang mga galaw ni Ruby nasipa niya ito at bumagsak sa lupa pero naglaho lang din.

Agad kong pinuntahan si Cyrus at  inalalayan dahil sa pag bagsak ng katawan nito sa lupa. Sila Ruby namuna ang humarap sa mga taong sumusugod samin.

"Cyrus, kaya mo pa bang lumakad?" Pawis na pawis at hingal na hingal ito.

Nagdudugo ang kaliwang balikat nito dahil sa pagtama ng bala dito. Tuloy tuloy ang dulo kaya naman kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at itinali sa sugat na meron siya. Wala akong alam sa first aid pero makakatulong naman ito sa pagbabawas ng pagdurugo.

"Diba sabi ko sayo, susugal ako para sating dalawa. Alam kong bago sakin ito pero magawa mo akong mahalin ka. Wala akong pakialam kung parehas tayong lalaki, basta alam kong mahal natin ang isa't isa" kahit na pagod at hirap sa sakit ay nagawa pa din siyang sabihin ang mga salitang iyon.

Dream Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now