Survival 4 - Earrings

124 7 5
                                    

Luna's POV

Ano bang trip ng lalaking yun at gustong makipag kita sakin. Kasalukuyan akong naglalakad sa mall at tinatahak ang daan papunta sa bilihan ng briefs and panties. Kung matino kang lalaki bakit ka makikipag kita sa ganong lugar dito sa mall.

Habang naglalakad ako, kapansin pansin ang mga tao sa loob ng mall, meron ng nagbabantay sa bawat stores. Kahapon lang ay 30 lang kami sa lugar na to pero ngayon ay may mga tao na. Hindi nalang kaming 30 ang nandito nga— oh.. No... 29 nalang kami.

Nag escalator ako para makapunta sa second floor ng mall dahil don pala ang bilihan ng briefs and panties. Grrr! Naiinis talaga ako sa tuwing iisipin ko na doon niya gustong makipag kita, may saltik ata yung lalaki na yon.

Naglalakad nako sq second floor at natanaw ko na din ang mokong. Naka black hoodie jacket siya at black jersey short na above the knee yung sakto lang size at hindi OA sa laki, Teka teka Luna... Bakit mo siya dinedescribe! Napairap nalang ako sasarili ko.

Mukang hindi niya napansin na papalapit na ko sa kanya, nakayuko kase siya at mukang naka headphone.
Nasa tapat na niya ako pero hindi pa din niya ako nakikita or nararamdamn manlang.

"Hey, idiot!" tawag ko rito pero mukang wala siyang naririning. Nakasandal lang siya sa pader at nakayuko, napansin kong nakapikit din pala to, may sapak talaga.

Hinila ko ang headphone niya at mukang nagulat siya. Ngayon, nakita na niya ako. Gulat lang ako nakabakas sa muka niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "H-hi" nautal nitong sabi.

"Anong kailangan mo?" Diretso kong tanong sa kanya.

Ibinaba niya ang hood niya bago mag salita. "Wala naman, chinecheck ko lang kung okay kana"

"Okay" maikli kong sagot bago tumalikod at naglakad. Hindi pako nakakadalawang hakbang ng pigilan niya ako.

"Wait!" Sigaw nito.

"What?" Nilingon ko siya. Ngayon ay makatayo na siya.

"Sabay na tayo mag Breakfast, please?" Sabay ngiti nito. Bakit naman ganon yung ngiti niya parang matatanggal pag kasungit ko.

Natulala pala ako ng 3seconds. "Okay"

Nandito na kami ngayon sa isang restaurant at kasalukuyang tumitingin ng oorderin sa menu.

"Breakfast meal nalang sakin" sabi ko waiter.

"Ganon nalang din sakin" seryoso ba? Same kami ng kakainin? Haynako Luna ano naman ang big deal don.

"Okay po maam, sir" umalis na din ang waiter para kunin na din ang order namin.

Napansin kong pasulyap sulyap siya sakin at nakangisi pa, ano problema nito. "What?"

Napatawa siya ng mahina at mukang pinipigilan lang niya ito. "Naalala ko kase yung muka mo nung sa game, umi—"

Itinakip ko ang kamay ko sa bibig niya para hindi matuloy ang sasabihin niya. "Itikom mo yang bibig mo kung hindi kakatayin kita" banta ko sa kanyan pero imbis na matakot ay natawa lang ulit siya. Inialis ko na ang kamay ko sa bibig niya.

"Ang tapang tapang mo dito sa reality pero sa panaginip may yakap at iyak kapang nalalaman" nagpatuloy siya sa pag tawa. Sinasamaan ko lang siya ng tingin pero ayaw talaga niyang mag patinang.

Bakit ba naman kase siya yung naiyakan ko non tsaka masisisi mo ba ko eh naipit ako sa sitwasyong akala ko katapusan ko na.

Tinutukan ko siya ng tinidor. "Alam mo kapag nalaman ng iba yan, ihanda mo na yang katawan mo at lalagasin ko"

"Ang secret ay secret" nakangiti nitong sabi sakin.

Okay muka naman siyang mabait pero may pakahambog lang talaga at may pagkamayabang minsan.

Dream Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now