Survival 25 - 15 Left

34 2 0
                                    

Luna's POV

Hindi ko akalain na sila Jasper at Violet pa ang makakakuha ng role na killer. Tama naman si Violet eh, biktima lang din saya, kaya ginagawa lang niya yung bagay na magliligtas sa kanya.

Ito kami ngayon naghahanap ng tataguan, alam naming hindi sila magdadalawang isip na saktan o patayin kami dahil ang goal lang nila ngayon ay makapatay pa ng Apat samin.

Pumasok kami sa isang Hotel building dito sa beach. Parang bumalik sakin lahat ng nangyari noong unang gabi. Dito nagsimula lahat noon.

"Mas mahihirapan sila kung maghihiwa hiwalay tayo, kambal mag iba kayo ng tataguan ni Sunset. Ako na ang bahala kay Luna" utos ni Jack sa kanila.

"Okay, mag iingat kayo, kita nalang tayo mamayang umaga" sagot sa kanya ni Jay.

"Luna, mag iingat kayo ni Jack ha, magkikita pa tayo mamaya" huling paalam ni Sunset sakin bago sila tumakbong tatlo. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

Hindi na kami nag tagal ni Jack at maghanap ng tataguan. Nakarinig kami ng malalakas na galabog kaya dali dali kaming nagtungo sa malapit lobby table.

Mas lalong bumalik sakin yung alala ng unang laro. "Naaalala mo pa ba yung lugar nato" tanong sakin ni Jack habang nakatingin sakin.

Ito kase yung lugar kung saan kami unang nag kita, naalala ko pa na kung hindi niya ako hinila papasok dito ay nahuli nako ng killer noon.

"Naalala ko pa, niyakap mo ko, pagkatapos sinabi mong natatakot nako" may halong pang aasar yung pagkasabi niya

"Ka-kapal mo, natakot lang talaga ako noon" Sagot ko sa kanya pero hindi ako makatingin ng deretso sa mata niya.

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at iniharap ang muka ko sa kanya. "Aminin mo na kase, na gusto mo nako simula una pa" bahangya pa itong nakangisi.

Inalis ko ang kamay niya sa muka ko. "Hanggang ngayon talaga may kayabangan ka pa din eh no, tadyakan kita dyan eh" ngiwi sabay irap sa kanya.

Natawa naman ito ng mahina. Habang inaasar niya ako nakarinig kami ng malakas na pagbukas ng pinto. Rinig na rinig din namin ang kalansing ng bakal na tumatama sa sahig. Itong ito ang mga nangyari noon.

"Bakit ba kase pinahihirapan mo pako, pinaghabol mo pako ng napakalayo eh sa kamatayan ka lang din naman babagsak!" Rinig na rinig ko ang boses ni Violet,

Sa mga tono niya na yon, ibang iba na siya, halos nakakainin na siya ng kagustuhan niyang makaligtas.

"Violet please, ayoko pang mamatay, gusto ko pang mabuhay" takot na takot na sagot ng isang babae sa kanya. Si Nina yon.

Nandito lang kami ni Jack sa ilalim ng lobby table habang pinakikinggan ang usapan nila. Wala kaming magawa kung hindi pakinggan nalang sila. Gustuhin ko man siyang iligtas pero paano naman kami.

Mahabang diskusyon ang narinig namin, umiikot lang naman ang usapan nila sa kamatayan. May gustong mabuhay may gustong naman pumatay. Hanggang sa makarinig kami ng malakas na tulog ng bakal.

Nagkatinginan lang kami ni Jack at parehas kami nagtataka kung bakit ala na kaming naririnig na boses o ingay manlang pagkatapos na yon. Wala din naman akong naririnig na tumakbo.

Muntik nakong mapasigaw sa gulat ng may bumagsak na katawan sa harapan namin. Agad kong natakpan ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

Bumagsak sa harapan namin ang patay na katawan ni Nina. Duguan ang ulo nito. Para akong maiiyak sa nakita ko. Ito ang unang pagkakataon na makakakita ako ng patay na tao laluna sa harapan ko. Hindi ko akalain na kaya talaga ni Violet na pumatay.

Dream Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now