Survival 23 - Dream One

40 4 2
                                    

Luna's POV

11:35pm na at lahat kami ay nasa lobby na. Magkakasama ang bawat grupo. Mararamdaman mo yung eagerness ng bawat team na makasurvive ng Dream One. Nagsisimula na nga ang totong laban.

Halos kanina pako nagbibitaw ng malalalim na hinga. Para kaseng akong na susuffocate sa atmosphere ng buong lobby. Ibang iba ang pakiramdam ngayon sa mga naunang mga gabi.

"Natatakot ka?" Bulong ni Jack sakin.
Tumango nalang ako bilang sagot. "Kung sakali man na magkakahiwalay tayo sa game. Hahanapin kita" dagdag pa nito.

Napatingin nalang ako at bahagyang ngumiti sa kanyan.

"Itong dalawa nato, ang weird na nga ng nangyayari nag babanatan pa kayo, cheesy ninyo teh" singit ni Sunset samin.

Nagulat si Sunset maski ako sa ginawa ni Jay sa kanyan, bigla kaseng hinawakan ni Jay ang balikat nito at iniharap sa kanyan. "Kaya ko din naman gawin sayo yun ah"

Kita ang pag kaasar sa muka ni Sunset, so ayon nga po, magsisimula nanaman sila. "Ito gusto mo?" Naka akma ang kamay ni Sunset na akala mo susuntok. "Tigilan moko, hindi kita hahanapin sa game"

"Kase, ako yung hahanap sayo"

Lahat kami nakatingin kay Sunset, yung tingin na may halong pang aasar.

Biglang tahimik ang lahat mabuhay muli ang T.V Screen at lumabas namaman don ang isang anino ng lalaki. "Hello, Dreamers..."

Ayon nanaman ang malalim niyang boses. Siguro kaming gumagamit siya ng voice changer para matago ang identity niya. Kung sino ka man. Mas hayop ka pa sa hayop.

"Dumating na ang gabing pinakahihintay ko. Ang gabing unti unting lalagas sa inyo" umalingawngaw nanaman ang malalim niyang tawa. "Hindi nako makapag hintay kung sino ang isa na matitira sa inyo"

"Simple lang naman ang Dream One. Kagabi pinabunot ko kayo kung sino ang magiging killer sa laro. Dalawa, dalawa ang killer ngayon. May kakayahan silang gumawa ng traps, spy, ano mang uri ng pagpatay ay papayagan.

Lima, limang Dreamers ang kailangan nilang ieliminate sa unang gabi.

Hindi ibigsabihin na kakampi mo ay pagkakatiwalaan mo na. Minsan kung sino pa ang malapit sa inyo, siya din ang tatraydor sa inyo, kaya Goodluck..."

Nag umpisa ang mga bulong bulungan sa paligid. "Pano ang mga simpleng Dreamers lang, ano hahayaan nalang nilang patayin sila? Apakadaya naman ata yon!" Nagulat kami ng sumigaw si Violet.

"Hindi ka pa nasanay sa ugok na anino na yan, sobrang dumi kung maglaro!" Sigaw na sagot ng isang babae. Pagkakaalam ko ay si Jaz yun, sa grupo nila King.

Nag umpisa na ngang mag reklamo ang ilan kaya umingay sa buong lobby. Natahimik lang ng magsalita ulit ang lalaki sa T.V.

"Ang laro ko ay laro ko. Walang pwedeng mag reklamo!

Your imagination, your power. Huwag iwawalang bahala ang rules na yan, kung gusto mong makarating hanggang dulo. Bumalik na kayo sa mga kwarto ninyo, limang minuto mula ngayon, magsisimula na ang laro" Namatay na ang T.V Screen.

Bakit ba kase kailangan naming gawin to. Hindi ba pwedeng maging normal nalang kaming kabataan. Yung masayang ieenjoy ang teenager life nila. Yung school, gala, at bahay lang ang inaatupag. Gusto ko ng maging normal ang lahat. Kung pwede lang sana akong humiling na na sana wala lang akong kakayahan na ganito.

Unti unti ko kaseng na rerealize na mas masaya pala ang reality kesa panaginip. Sana normal nalang ang lahat! Gustong gusto ko yang isigaw.

Nakarating na kami sa dorm namin. Gaya nga ng napagplanuhan, dito kami matutulog sa living room ng sama sama. Nag set up kami ng pwede naming tulugan. May kutchon at mga una kaming nilatag sa ibaba.

Dream Killer (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora