Chapter 6

586 44 22
                                    


[] Sua Asher Figueroa

Napabusangot ako at napapadyak sa lupa dahil sa sobrang inis. Hindi ko alam kung minumulto ba ako o sadyang tanga lang ako. Literal na tanga.

Ilang ulit na akong paulit ulit na umiikot sa isang lugar lang. Gabi na at malapit ng mag alas nuebe ng gabi at nakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi kasi ako naka order man lang kasi doon sa coffee shop na pinuntahan namin ni Carter.

Kasi nga diba? Nawalan na ako ng gana dahil sa babaeng kasama niya. Mukha namang mabait iyong Girlfriend niya eh. Pero malay natin nakatago pa pala sa banga ang totoong ugali ng babaeng iyon. But I'm not judging her. She's pretty by the way. Nakakainis.

Alam ko type ni Carter iyong ganung klase ng babae.

Maganda, mahinhin, makinis at maputi. Ika nga nila Girlfriend material. At base sa tindig ng babae she's an Omega. Oh well.

Pagod kong inupo ang aking sarili dito sa may gilid kalsada. Tinitignan ko ang bawat sasakyan na dumadaan. Siguro nakauwi na ngayon sina Carter at iyong girlfriend niya. Ang saya siguro ng araw nila noh?

"Sua?"

Napalingon naman ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan eh. A-anong ginawa mo dito?" Nagtatakang tanong sa akin ni Charles.

Thank God! May dumating din na makakatulong sa akin. Makakauwi na din ako sa wakas.

"Naligaw ako eh." Sabi ko dito sabay kamot sa ulo.

Charles laughed at me at saka ginulo ang buhok ko. Kweninto ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit ako naligaw.

Pinagtawanan lang ako.

"So Carter has a girlfriend now?" Usisa pa niya.

I nodded.

"Mabuti naman kung ganun. Atleast mababawasan na ang kakahanap niya sa kapatid niya." Charles said.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya Charles. Carter has a sibling? Bakit parang wala naman yata akong naalala na may sinabi siya tungkol sa kapatid niya?

"K-Kapatid? Hindi ba nag-iisang anak si Carter ng Mahal na Reyna at Hari?" Tanong ko dito.

Charles smiled at me. "He didn't tell you anything?"

Umiling ako.

Wala.

Walang binanggit si Carter tungkol sa kapatid niya. Oo nagkakasundo na kami sa maliit na bagay pero mukhang hindi pa yata siguro kami komportable sa isa't-isa.

"You know what it's better if si Carter na mismo ang magsabi tungkol dito. Ayokong pangunahan ang pinsan ko. Anyways, let's bring you home?" Charles said.

Matamlay akong tumango dito at saka sumunod sa kanya kung saan nakahinto ang sasakyan niya.

Buong byahe ay okupado ang isip ko tungkol sa kapatid ni Carter. Kung meron siyang kapatid eh nasaan ito? Bakit hindi ko ito nakikita? Nasa ibang bansa ba siya? Bakit siya hinahanap ni Carter? Nawawala pa ito? Lumayas? Ang daming tanong na gusto kong masagot ni Carter pero mukhang malabo yatang magkaroon ito ng kasagutan.

Bakit walang binanggit ang mahal na Reyna tungkol dito?

Ilang minuto lang ang naging byahe namin sa sobrang bilis na magmaneho nitong si Charles.

"Thank you Charles ah! Baka hindi dahil sayo ay sa daan na ako matutulog." Pagpapasalamat ko dito.

Charles ruffled my hair at saka ngumiti sa akin.

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora