Chapter 11

83 12 3
                                    


[] Sua Asher Figueroa

Gabi na at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa silid ni Carter. Dito na rin kami sa silid niya kumain ng tanghalian at hapunan dahil ayaw talaga niya akong palabasin. Ilang beses na rin ako nakaidlip sa kama niya habang siya ay patuloy pa rin kanyang pagbabasa.

Kakagising ko lang mula sa pagka-idlip. When I checked the clock it's already ten in the evening, almost eleven. Bumaling ako kay Carter na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin. Sometimes he stretched his back and arms at balik ulit sa kanyang ginagawa. Tumingin siya sa gawi ko ng mapansin niya ang presensya ko.

Carter is wearing his reading glass.

So handsome.

"Go back to sleep," he said. Tinanggal niya ang kanyang salamin at itinukod ang kanyang kamay sa lamesa.

"Hindi ka pa tapos?" tanong ko.

"Almost. You should go back to sleep, you still look sleepy."

"Ayos lang. Ilang beses din naman akong nakaidlip. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng tsaa o kape?"

Ilang segundo muna akong tinititigan ni Carter bago siya umiling. Muli niyang sinuot ang kanyang salamin, tumikhim at nagbasa muli.

Tumayo ako mula sa kama at saka ko kinuha ang isang upuan. Dinala ko 'yon sa tabi niya at doon umupo.

"Ano ba 'yang binabasa mo at masyado mong pinaglalaanan ng oras?" tanong ko. Kaninang tanghali pa kasi siya nagbabasa at di man lang nagpapahinga.

I know being a crown prince is hard. Ikaw ang tagapagmana ng trono sa pagdating ng panahon. Dapat matalino at matalas ang kanyang pag-iisip at alamin ang lahat ng makakabuti para sa kanyang nasasakupan.

It's a big sacrifice para sa mga taong umasa sa kakayahan mo.

Carter's father is a great king and everyone is expecting him to be just like his father when it's his time to sit on the throne.

"Rules and regulations. I need to prepare for this because sooner or later I'll be ascending the throne," he said, sabay baling sa akin. Napakurap naman ako sa uri ng tingin na binigay niya sa akin.

I gulped.

"Oo nga pala. Ilang taon na lang magiging hari ka na," segunda ko naman sabay kamot sa batok ko.

Carter cleared his throat at umayos ng upo.

"There is one certain rule I need to change once I become a King."

"What is it?"

Umiling siya sa akin. "I can't tell you, yet," he said and smiled. Bumalik sa siya pagbasa habang ako ay tahimik na muli sa isang tabi.

Pumasok sa isip ko ang tungkol sa kapatid niya. Nagdadalawang isip pa ako kung magtatanong ba ako sa kanya o tumahimik na lamang. Pero dahil sa pinanganak akong makulit I decided to ask him.

"Ahm, Carter. May nabanggit kasi si Charles tungkol sa kapatid mo. Pwede ko bang malaman ang tungkol sa kanya?" kabado kong tanong. Carter stopped from reading at mabilis na tumingin sa akin.

"No, you don't have to know it,"

"P-pero.."

"Enough, Sua!" he raised his voice at lumingon sa akin ng seryoso.

I gulped.

Para naman akong na estatwa sa kinaroroonan ko dahil sa biglang pagtaas niya ng boses. I shouldn't have asked him about his sibling. A sensitive matter.

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaWhere stories live. Discover now