Chapter 3

685 52 29
                                    


[] Sua Asher Figueroa

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang madilim na eksena na iyon. Tatlong araw na rin akong walang maayos na tulog at tatlong araw ko na ring iniiwasan ang mahal na Prinsipe.

Sa tuwing inuutusan ako ng mahal na Reyna na tawagin ito sa kanyang silid ay kinakatok ko na lang ito mula sa labas ng pintuan at kahit wala akong nakukuha sagot ay aalis na kaagad ako.

Hindi ko alam sa sarili kung bakit ko siya iniiwasan. Nahihiya lang siguro ako simula na mangyari ang bagay na iyon. Sino ba naman kasi ang matino na magtatanong kung malaki ba ang kanya.

Nagbubungkal ako ng lupa sa likod ng palasyo ngayon. Ito ang napili kung gawin para hindi ko makasalubong ang prinsipe.

Pero kung minalas ka nga naman. Nakita ko na papalapit sa kinaroroonan ko si Carter kaya dali dali akong tumayo at nang akmang aalis na ako sa kinatatayuan ko, Carter grab me on my arm.

"M-mahal na Prinsipe, b-bakit kayo naparito?" Ani ko habang hindi tumitingin sa mukha niya.

Kapag kasi nakikita ko ang mukha niya naalala ko lang ang nangyari noong nakaraan. Gusto ko nang kalimutan iyon.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam na iniiwasan mo ako, Sua? You're my Beta you should be on my side always." Ani niya at ramdam ko na hindi niya nagustuhan ang ginawa kung pag-iwas sa kanya.

Nakayuko lang ako sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko.

"M-may ipag-uutos ba kayo?" Paglilihis ko sa usapan.

I heard him sighed.

"Look at me." He said.

Napapikit naman ako ng mariin bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. Na sana hindi ko na ginawa pa.

Hindi ko alam kung kailan at kung anong oras ako humanga sa angking kagwapohan ni Carter. Gwapo talaga siya kahit sa murang edad pa lang. How much more kapag tumungtong na ito sa tamang edad.

I'm 100% sure maglalaway ang buong kababaihan ng North Coastal sa lalaking ito.

"That's its. You should look at me like that Sua. Like I'm the center of your world." He said at ngumisi sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala akong nakatingin sa gwapo niyang mukha.

Ang hangin talaga.

Oo na crush ko na siya. Sino ba naman ang hindi magkakacrush sa ka gaya niya. I pouted and rolled my eyes at him.

"Sabihin muna po kung ano ang kailangan niyo dahil naiinitan na ako dito." Reklamo ko dito. Masakit na kasi sa balat ang sinag nang araw lalo pat' magtatanghali na.

"Samahan mo ako sa aking ensayo." Pinal niyang saad.

Napakamot naman ako sa aking batok. "Eh may marami pa akong gagawin--"

"So, mag uunahin mo pa iyang gagawin mo keysa sa akin."

"Oo, tsaka isa pa hindi ka naman importante sakin."

"ANONG SABI MO?"

Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan ng bigla siyang sumigaw sa harapan ko. Halos lumabas na ang litid niya sa leeg at nanglilisik ang mga matang nakatingin sa akin. May mali ba sa sinabi ko?

"Ulitin mo ang sinabi mo." Mahina ngunit may diin na saad niya sa akin.

I gulped as I blinked my eyes many times. Sua, ginawa mong bata ka.

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang