Nagtitinginan na lang sila, naghihintay kung sino ang mag uumpisa uli. Bandang huli, sabay sabay silang napatingin as big boss nila.

“May suggestion po ba kayo kung paano natin ipro promote ang bagong teleserye nila? Paano mababawi ni Chrissy mga pinagsasabi niya sa TV Patrol. Wala po kaming kinalaman duon. Silang mag ina ang nagdesisyon nun. Ni hindi nga po alam ng handler niya na ganoon ang gagawin niya.”

“Can you explain yourself Chrissy?”

Napako ang tingin ng lahat kay Chrissy na umiiyak pa rin. “Ayaw ko lang naman pong masira ang loveteam namin. Ang dami naming fans na umaasa na kami pa rin hanggang sa huli.Dahil sa pagdating ng kababata niya , masisira lang yun?”

Napatingin naman lahat kay Gerald. Tumingin si Gerald kay Chrissy. “Ikaw lang naman nagsasabing masisira ang loveteam natin. Sino ba ang nagwala sa dance floor? Hayan oh kitang kita sa mga pictures, kung sino ang unang sumira.” Depensa naman ni Gerald.

Mag uumpisa na namang magsalita ang mommy ni Chrissy ng magsalita si Ms Charlene. “You guys have to figure this out on your own. Settle your differences first. I am just warning you , stay Ashley’s name out of this. Wala siyang kasalanan saiyo Chrissy.”

Hinarap ang ibang executives na wala pa ring masabi.

“Let’s end this meeting for now. Guys, kung naniniwala kayong maganda ang teleserye, you don’t have to worry kung hindi man sila sa real life. Matatalino na mga fans ngayon. Mas maganda kung maging natural ang relasyon nila , hindi pilit. At kayong dalawa, tumingin kina Gerald at Chrissy.Mag usap kayo.” At lumabas na ito ng kwarto.

Pagkaalis ni Ms Charlene ay nagyaya na ring umuwi si Mommy Chona. “Let’s go Chrissy.” Galit na aya nito sa anak.

“Mauna na kayo , papahatid na ako kay Gerald. May pag uusapan lang kami.” Hindi tumitingin as inang sagot ni Chrissy.

Wala ng nagawa siChona kung hindi padabog na umalis na rin.

“ Tara , lunch tayo somewhere. Masyadong ma tension dito. Labas tayo, ng makahinga naman tayo ng kunti.” Umpisang sabi ni Geraldsa nakayuko paring si Chrissy. Kinuha ni Gerald ang envelope ng mga pictures nina Chrissy at Jason. Ikaw na magtago or sumira ng mga yan. Nag aalangang kinuha ito ni Chrissy at inilagay sa bag niya.

Sa sasakyan pa lang ay hindi na napigilan ni Chrissy ang umiyak. “Sorry, nadala ako sa sobrang selos ko sa nakita kong reaction mo kay Ashley.”

“Kasalanan ko din naman, hindi ako naging honest sa feelings ko saiyo. Hindi ako dapat nagpadala sa nararamdaman ko para kay Ashley na nanduon ka. I am sorry.”

“Alam ko naman from the very beginning na hindi mo ako mahal pero nagbakasakali pa rin akong matutuhan mo akong mahalin in the end. Mahirap talagang pilitin pag ang puso may mahal na iba no?” Tumutulo ang luhang sabi ni Chrissy.

“I did not mean to hurt you Chrissy. Nakita mo naman since we slept together, ikaw na tinuring kong girlfriend. Hindi ako nakipag date sa iba. Lumabas man ako na hindi ka kasama, mga barkadang lalaki lang kasama ko pero ngayong nandito na uli si Ashley, hindi ko na kayang mawala pa siya uli.” Pag amin ni Gerald kay Chrissy.

“Ang swerte naman niya, ganoon mo siya kamahal.”

“Sana kahit hindi na tayo, maging magkaibigan pa rin tayo. You are a good person Chrissy. Sweet , thoughtful and pretty, nakakasira lang talaga minsan ang pagiging mataray ng mommy mo. Nakaka turn off.”

“Gusto ko na ngang humiwalay sa kanya. Magsarili ganoon.”Confide ng dalaga kay Gerald.

“Ano status ninyo ni Jason? Mahal mo ba siya?”

“Hindi ko pa alam, he is nice. Alam ko ikaw ang mahal ko pero may mahal ka namang iba.”

Hinawakan ni Gerald ang isang kamay ng dalaga. “Makakatagpo ka rin ng lalaking magmamahal saiyo ng tutuo.”

“Sana nga. Paki sabi kay Ashley, pasensya na sa mga pinagsasabi ko sa TV Patrol ha.”

“Ashley likes you , you know. Ayaw niyang pansinin ang sinasabi kong mahal ko siya dahil ayaw niyang magalit ka sa kanya.”

“Mukha nga siyang mabait.”

“One day , pag hindi na masakit saiyo,I am sure , you will be great friends.”

Ngumiti lang si Chrissy. “Sana nga.”

Magaan gaan na ang loob ni Chrissy habang kumakain sila ng lunch. Napag usapan na nilang magiging professional sila in dealing with each other lalo na sapagpromote ng teleserye nila. Kung hindi man sila maging lovers in real life, pipilitin nilang maging best loveteam.

Ihinatid ni Gerald si Chrissy pero hindi na siya bumaba. “Good luck sa pakikipag usap as mommy mo.”

“Pag sinaktan niya uli ako, talagang lalayasan ko na siya.” Sagot naman ni Chrissy.

Hinintay ni Gerald na makapasok sa bahay si Chrissy bago siya tuluyang umalis na mas magaan ang pakiramdam. Malaya na siya. Wala na siyang girlfriend. Pwede na siyang manligaw ng todo sa babaeng pinangako niyang pakakasalan pagdating ng tamang panahon.

You and IWhere stories live. Discover now