"Kapag tayo naligaw, iti-trim ko pati buhok mo sa baba!" Sigaw ni Maddy sa kapatid.

"Manyakis!" Patol naman ni Matt.

"Anong manyak? What I mean is your hair on your legs, yuck!" Gigil naman ni Maddy.

Umiling na lamang ako at hindi na nakisali sa dalawang magkapatid.

Ilang oras kaming nasa daan at ngayon lamang namin narinig ang babaeng nagga-guide sa'min papuntang Prodencio.

"Nandito na tayo," Matt informed as he stopped the car on the side road.

Napatingin naman kami sa labas. It's not a hidden place, marami ring buildings, department stores, drug store, boutique at kung ano-ano pa.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil malayo sa imahinasyon ko kanina ang lugar na sinabi noong unknown texter.

Bababa na sana ako ng sasakyan ngunit naramdaman ko ang kamay ni Matt sa braso ko.

"Where are we going?" Nag-aalalang tanong ni Matt.

Lumunok naman ako ng laway, "May dadaanan lang ako."

"Sasama kami." Biglang sabat naman ni Maddy.

"No." Mabilis akong napalingon sa kan'ya. "You'll stay here... ikaw din Matt. Dito lang kayo. Mabilis lang ako." Tumikhim ako pagkatapos.

Umiling si Matt samantalang pinagkrus naman ni Maddy ang braso.

"Okay fine! If you'll leave this car," bumuntong hininga si Maddy at tinignan akong mabuti. "Sama ako."

Napasampal naman ako sa noo nang magpumilit pa rin ang dalawa.

Hindi naman siguro magagalit ang estrangherong 'yon kung may kasama ako. Besides, hindi n'ya ko sinabihan na dapat wala akong kasama.

Pagkababa namin sa sasakyan, tinulungan ako ng magkapatid na hanapin ang 755 building.

Hindi naman naging mahirap sa'ming tatlo kaya naman tinungo na namin 'yon.

Inilibot ko ang paningin nang makapasok kami sa loob ng building.

Gaya ng sabi ko kanina, hindi ito isang tagong lugar. Marami ring naninirahan dito at mukhang mamahalin ang bawat upa sa condominium unit.

Inilabas ko ang aking cellphone at muling tinext ang unknown number.

To: Unknown Number

"Where are you?"

Ilang sandali pa ay nakatanggap na agad ako ng reply.

From: Unknown Number

4th Floor, room 407.

Naramdaman ko naman ang pagdungaw ni Maddy sa screen ng cellphone ko kaya kaagad ko 'yong itinago sa bulsa.

"Tara na," aya ko sa kanila at umunang sumakay ng elevator.

Nang marating namin ang kwartong sinabi noong unknown texter, hindi na ako nagdalawang isip na katukin ang pintong nasa harapan namin.

Tahimik lang naman ang magkapatid na nasa tabi ko.

Habang hinihintay na magbukas ang pinto, nakarmdam na naman ako ng kaba at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ilang beses ko na ring tinitiklop ang mga palad ko para mabawasan man lang ang kaba ngunit hindi pa rin sapat.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at akmang kakatok muli ngunit lumagutok ang lock ng pinto dahilan para kuhanin ko pabalik ang aking kamay.

I felt Matt's hand on my shoulder and then stepped forward. Nilingunan ko lang s'ya, seryoso ang mukha nito habang hinihintay ang pagbubukas ng pinto.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon