Chapter 55

146 5 0
                                    

3rd Person's P.O.V

Veronica was shocked. Horrified. Hindi naman ganito si Akira sa kanya noon. May galit sa kanya si Akira ngunit hindi ganito ang aura niya sa araw araw

"Akira, why are you doing this? Bakit ka nagbago?" pagtataka na tanong ni Veronica sa kanyang anak na babae

Akira clapped her hands sarcastically "Wow! Ako pa pala ang nagbago!" she chuckled sarcastically

"Para sabihin ko sa inyo, Ma. Kayo ang nag bago. Hindi ako"

"Akira..." Veronica was lost of words. She doesn't even know how to talk to her daughter

"Akira what? 'Akira, mag adjust ka muna'? 'Akira, konting tiis. Matatapos din natin to'? Akira ano, Ma? Ano? Ano pa bang pagtitiis at pag aadjust ang gagawin ko?!" sigaw ni Akira habang unti unting tumutulo ang kanyang luha

"Ma, nakakapagod! Nakakapagod maging ok! Nakakapagod maging sunud sunuran sa inyo! Nakakapagod pero pinipili pa rin kita! Alam mo kung bakit?! Kasi ikaw ang Mama ko! Ma, mahal kita dahil anak niyo ko at tinitingala kita kasi ang lakas niyo! Ang tapang niyo! Pero ngayon, nag iba kayo!"

"Akala niyo ba manhid ako? Akala niyo ba ok lang ako na nakikita kayo nina Wynona, Sir Oliver at Kuya Zywon na masaya? Akala niyo ba ok lang kaming lahat na kada uwi niyo ay masaya kayo at kapag mainit ang ulo niyo dahil sa pagod ay kami ang pag iinitan ninyo?! Ma, makiramdam naman kayo! Hindi yung kayo lagi ang iniintindi namin!"

"Dapat wala ako dito ngayon. Kami ni Aster pero naisip kita, Ma! Dahil ayaw kitang makitang mag isa! Dapat wala akong sugat ngayon sa hita ko. Pero alam kong nakasalalay ang buhay niyo nila Papa. Kung wala ako don, baka iniiyakan na namin kayo nila Papa. At dapat wala akong galos at pasa sa buong katawan ko, pero inisip ulit kita Ma!"

"Kung sabagay, akala ko ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng to. Akala ko nga kasalanan kong nagbago ka. Pero hindi pala, dahil desisyon niyo ulit yon"

"Naiintindihan ko naman Ma na gusto niyong magkaayos kayo ng ama ni Kuya Zywon. Pero sana intindihin niyo rin kami! Si Papa, ano ba sa tingin niyo sa kanya? Manhid din? Sina Kuya Jacinth, Kuya Lucas, Ate Xavier? Ano, sila rin ganon? So, pati sina Aster at Maddox manhid rin? Tas papaniwalaan niyo yung anak anakan niyo sa kasalanang hindi ko ginawa? Wow, dali naman makahanap ng replacement" Akira chuckled as she wiped off her tears

"Akira, I'm sorry-" Tinangkang hawakan ni Veronica si Akira ngunit tinanggal ni Akira ang kamay ng kanyang ina sa kanya

"Too late, Ma. Too late"

"Kapag nasaktan ulit si Aster at Maddox sa mga desisyon niyo, hinding hindi kita kikilalaning Mama ko"

"Expect your daughter as your enemy"

Iniwan ni Akira ang lumuluhang Veronica. She regret it. She regret every single day that she tried to be happy with someone else as she also regret that her daughter pushed her away

Nagpunta si Akira sa pinagpaparkan ng kanyang kotse kung saan hindi masyadong napupuntahan ng mga tao

Bubuksan niya sana ang pinto ng kanyang kotse ng makaramdam siya ng presensya sa kanyang likod

Huli na ang kanyang paglaban dahil tinakpan na ang kanyang ilong at naamoy niya ang isang pabangong makakapagpatulog sa kanya

Until, she blacked out

THE MONTEFALCOSWhere stories live. Discover now