Chapter 33

139 6 0
                                    

Akira's P.O.V

Bigla ko namang tinawagan si Alfredo, ang utusan ni Mama. Kung sino man ang nag-utos sa mga lalaking yon na kidnapin si Ate, kailangan ko itong pagbayarin sa paggawa nito.

"Ma'am Akira? Ano pong kailangan niyo sa akin?"  takang tanong ni Alfredo sa kabilang linya "Mabilis lang to, Kuya Alfredo. Gusto kong malaman kung sino ang nangidnap sa Ate ko at kung sino ang nag-utos na kidnapin ang Ate ko" sagot ko

"Sige po, Ma'am"  sabi niya "I send ko sayo kung saan ang address kung saan ko nakita si Ate at si Mama" sabi ko at binaba ang telepono

May isang tao na kong nasa isip na pwedeng gumawa nito pero kailangan kong kumpirmahin

Si Ethan
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Ethan's P.O.V

"MGA TANGA!" sigaw ko sa kanila at pinagsusuntok sila "Paano kayo natakasan ng babaeng yon?! HA?!" sigaw ko muli

"Sir, may babae pong tumulong kay Ma'am Xavier. Pero nabaril ko naman po" sagot nito. Tinignan ko naman siya  ng matalim "Nakita mo kung sino?" tanong ko pero naginginig siya sa takot kaya sinutok ko siya 

"SAGOT!" sigaw ko "Hindi ko p-po kilala, S-Sir......P-Pero kamukha po ni....." he stopped kaya hinawakan ko siya sa panga at pinandilatan "SINO?!" sigaw ko "N-Ni Ma'am Veronica po, S-Sir" nanginginig niyang sabi kaya binitawan ko ang panga niya

"Niloloko mo ba ko? Ha?! Matagal ng patay si Veronica kaya sinong ni niloloko mo ha?! Ako ang mayor ng San Nicolas kaya hinding hindi ako maloloko ng mga katulad mo! Get out of my sight" sigaw ko at sinipa siya

I sighed at tumingin sa malayo. Kung buhay man si Veronica, walang wala na siyang babalikan dito. Nasa amin na ang kapangyarihan at kayamanan. Isa na lang siyang walang kwentang pulubi dito dahil hindi na siya karapat dapat bilang isang Zamora                                                                ~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~   Akira's P.O.V

"Ma'am Akira, nagawa ko na po ang pinapagawa niyo. Saan niyo gustong dalhin to?" tanong ni Alfredo sa kabilang linya "Sa abandonadong warehouse na alam nila Mama. Alam mo naman siguro yon di ba, Kuya?" tanong ko at um-oo naman siya

"Good, dagdagan niyo ang security niyang lalaking yan" sabi ko at ibinaba ang tawag. Tumingin naman ako kila Mama. 2 weeks na pero nandirito pa rin si Mama. Nakarecover naman na siya at maya-maya ay aalis na rin kami. Kinukuha lang ni Ninong ang bill namin.

Umalis na ko at nagtungo sa kotse ko para harapin ang g*gong bumaril kay Mama

Malapit na
___________________________________________

Bumaba naman ako ng sasakyan ko at pumasok sa loob. I was greeted by Alfredo at itinuro ang pagkalaki laking gate na pumapagitan sa amin at ni Alex, ang utusan ni Ethan. 

Inihanda ko naman ang baril ko at pinabukas na ang gate. Nakita ko naman na  nakatali siya sa isang upuan. Itinutok ko ito sa kanya at ngumisi

"A Zamora's pet tied on a chair, how pleasant" sabi ko "I-Ikaw?" nanginginig niyang tanong. I smiled "Yes you stupid assh*le. Ang kapatid ni Xavier. Natatandaan mo ba?" sabi ko at ibinigay kay Kuya Alfredo ang baril ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa panga "I'm not very pleasant to talk to, Alex. You're right. Kilala kita. Kaya ngayon palang sabihin mo sa akin kung sinong demonyong Zamora ang nagpakidnap kay Xavier Montefalco!" sigaw ko at marahas kong binitawan ang panga niya at kinuha ko naman ang baril ko at tinutok muli sa kanya

"Ang mga tingin mo....Ang bawat galaw mo......Ang bawat pagbigkas mo ng salita....Ang hitsura mo...Bakit sayo ko nakikita si Veronica?" nangnginig at nangngiyak niyang sabi habang nakayuko.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking baril "Anong...kinalaman mo...sa pagkamatay ni...V-Veronica Zamora?" naluluha kong tanong ko ngunit pinigilan ko ang pagtulo nito.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin "A-Ano?" tanong niya. Hinampas ko naman ang dulo ng baril ko sa mukha niya. Nakita ko naman na idinura niya ang kanyang sariling dugo

"Punyeta! Sagutin mo na lang ang p*tangin*ng tanong ko!" sigaw ko sa kanya. Takot naman niya akong tinignan

I made a warning shot at ipinutok iyon malapit sa upuan niya "SAGOT!" sigaw ko. Tumingin ako ng matalim sa kanya "Dalawang tanong na ang hindi mo nasasagot sa akin, Alex. Kapag hindi mo sinagot ng deretsahan at mabilis, sisiguraduhin kong putol yang dila mo at hindi ka na makakapagsumbong sa pamilya mo at kay Mayor, naiintindihan mo?" pagbabanta ko sa kanya

Humanda sila. Inakala nila na madaling kalaban ang mga Montefalco. Hindi nila alam na may demonyo ang sabik na sabik nang makita ang pagbagsak nila at isa na ko ron





THE MONTEFALCOSWhere stories live. Discover now