Chapter 37

138 4 0
                                    

Akira's P.O.V

Pagpasok namin ay namataan namin ang malaking hagdan pababa. Bumaba kami ni Maddox don habang magkahawak kamay dahil parehas kaming kinakabahan.

Nakita namin sa isang lamesa sila Tito kaya roon kami naupo. Sa kabilang mesa sa likod namin ay nakaupo ang lahat ng bodyguards nila dahil ang mga nakabantay sa buong venue ay ang pulisya ni Joseph.

I think it was also a campaign para sa pagiging Senator ni Supremo at Governor ni Ethan. May mga media rin na inimbitahan ang mga Zamora

"Thank you for coming. Nais lang naming magpasalamat dahil hindi namin mararating ang posisyon na ito. Salamat din dahil patuloy niyong sinusuportahan ang pamilya namin" panimula ni Roberto habang katabi si Lola Antonia

Plastik. Baka matunaw sila sa impyerno dahil sa pagiging plastik nila

"As you all know na my grandson Ethan will run for Governor while my son Supremo will be running for Senator. Pero bago man ang lahat ng iyon ay gusto naming magpasalamat sa pagbisita ni President Levesque and ni Senator Montefalco. We wanted also to introduce you the newly investors of this town" sabi niya

"The Montefalco Empire!" sabi nito. Tumayo naman si Kuya Zywon bilang representative ng pamilya namin. Ngumiti at kumaway siya sa mga tao at umupo na rin

"Nagpapasalamat din kami dahil patuloy niyo pa ring sinusuportahan ang pamilya namin. Simula noong ako'y naging Gobernador ng bayang ito hanggang sa naging si Supremo ang naging Gobernador" sabi niya

"At ngayong papalit na ang aking apo na si Ethan. The Sucessor of the Family. Bilang Gobernador ng San Nicolas-" Naputol ang kanyang sinabi ng mamatay ang ilaw at kuryente

Tinakpan ko ang aking bibig dahil nahikab ako. Inaantok na talaga ako dahil ilang araw na kong kulang na kulang sa tulog. Napatayo naman sina Kuya at ang mga tao

Biglang pumasok ang S.W.A.T team ni Joseph habang tinutukan ng baril sina Maximus, Roberto, Lucy at Ethan. Bigla namang bumukas ang ilaw

A lady in a red slit dress and red heels appeared kasama ang dalawang lalaking nakaitim na tux sa likod niya

"Kamusta, Lolo?" her voice made shivers to everybody as her red lips spoke

"V-Veronica?" pagtawag ni Antonia sa kanya

"Buhay ka?" tanong naman ni Trixie. Mama smirked "Obvious ba?" nakakalokong tanong ni Mama

Napatayo naman ang mga bodyguards ng mga Zamora ngunit tinutukan namin sila ng baril. Nagulat ako ng may hawak na baril sina Aster at Maddox

Napatingin naman ako ng masama kay Maddox and he gave me a smirk

Kaya pala nagtanong kanina sa kotse dahil may dala palang baril. Bwiset

"Akira? Xavier? What's goin' on?" tanong ni Dianne

Naglakad naman ako palayo sa lamesa ng mga bodyguards at nagpunta sa red carpet na papunta sa stage. I smiled

"Di ba gusto niyong makilala si Alba Montefalco? Siya na yan" sabi ko

"Alba Veronica Zamora Montefalco" pagdidiin ko at ngumiti ng matamis "Ang Mama namin" dagdag ko pa

"Anong pakiramdam ng mapaglaruan?" tanong ni Mama

Biglang may tumatakbong bodyguard na galing sa Zamora na may hawak na baril at balak na iputok kay Mama

Bago pa man niya ito maiputok ay binaril ko ang baril niya at nabinatawan naman niya ito

Napatingin naman sa akin ang mga kapatid ko. I shrugged at kinuha ang baril ng lalaki

"Better luck next time" sabi ko at umalis

Everyone were shocked "Bakit ka pa bumalik?" tanong ni Maximus "Hustisya para sa pagkamatay ng Mama ko. Hustisya sa pagtangka niyong pagpatay sa akin, sa anak kong si Zywon at sa kapatid kong si Vincent" sabi ni Mama

"At sa pagkakidnap ni Xavier na plinano ni Ethan" Mom said as she gave a death glare to him

"Sir Roberto, may warrant of arrest po kami sa inyo ni Mr. Maximus Zamora, Mrs. Lucy Mendoza-Zamora at ni Mayor Ethan Zamora" sabi ng pulis at akmang hahawakan sila ngunit nanlaban naman si Maximus at tinangkang sugurin si Mama ngunit hinarangan siya ni Tito Vincent

"Wag na wag mong susubukang saktan muli ang Ate ko" matigas na sabi ni Tito habang hawak sa mangas si Maximus

Tinulak naman ni Maximus si Tito at inayos ang sarili. Tumingin muna siya ng matalim kay Mama bago siya sumama sa pulis

"Magkikita tayo sa korte!" sigaw naman ni Ethan kay Mama habang nakaposas

Tumingin ako ng matalim kila Aster at Maddox as they gave me confusing looks

"We need to talk" sabi ko at hinawakan sila sa braso

THE MONTEFALCOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon