Chapter 29

153 3 0
                                    

Akira's P.O.V

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong. He gave me a sly smile "I accidently over heard you and Mama's conversation. Alam kong dismayado ka na hindi ka sasamahan ni Mama kaya ako na ang sumama sayo" sabi niya

"How's Kuya Zywon?" tanong ko "Kuya Jacinth and Papa is talking to him. Pero sa tingin ko ay may galit si Kuya Jacinth sayo" sabi niya

"Galit? Sa akin? Bakit naman?" tanong ko "Alam mo, mamaya ka na magtanong. Pumunta muna tayo ng ospital" sabi niya as I nodded

I drove the car to the hospital at sinalubong naman kami ni Dr. Valdez. Isa sa kilalang doktor nila Mama at siya ang ninong ko.

"Napano ka, Akira?" tanong niya as he called the nurses at pinaupo ako sa isang hospital bed.

"Daplis lang naman ito, Ninong. Kaso patuloy ang pagdurugo" sabi ko
___________________________________________

Natapos na ang paggamot sa akin at nilagay ng bandage ang leeg ko. Hindi band-aid ang ginamit sa akin dahil medyo malalim ang daplis ko kaysa kay Kuya.

"Salamat, nong" sabi ko as he bowed his head at iniwan kami ni Kuya Lucas. Kinuha ko ang jacket ko at dahan dahan kong isinuot iyon at napangiwi ako sa sakit ng tumama iyon.

Naglakad kami palabas ni Kuya Lucas habang nakapamulsa siya

"So, bakit nga pala galit si Kuya Jacinth sa akin?" tanong ko as his eyes widened. He looked at me and he smiled "Right, I thought you never ask" sabi niya

"Nagalit si Kuya Jacinth sayo dahil pinigilan mo siya ng sugurin si Oliver na ginawa mo rin kay Kuya Zywon so they understand each other well" he stated

I crossed my arms "Wala na kong pakialam kung kakalabanin din nila ako. Basta ang alam ko, iisa lang ang kalaban natin. Ang mga Zamora" sagot ko as he slyly smiled

"Right, once again" sabi niya at naunang sumakay sa kotse pero siya na ang nagdrive sa amin pauwi.
___________________________________________

Pumasok kami sa loob ng bahay at nakita namin na nagdidinner.

I received death glare from my older brother but I shrugged it off. Habang pasimpleng tumitingin si Kuya Jacinth sa akin. Like I said, wala na kong pakialam kung kakalabanin nila ako. Pagkatapos ng misyon namin dito nila Mama at galit pa rin sila sa akin, magtutuos kaming tatlo at tignan na lang natin kung sino ang matatalo sa amin.

"Akira. Lucas. Join us" pag-alok ni Papa. I gritted my teeth. Tumingin naman si Kuya Lucas sa akin at tumingin kay Papa habang nakangiti.

"We'll pass, Pa. Dumaan na kami sa isang fast food pauwi kaya tapos na kami" pagsisinungaling niya.

Papa gave us a understanding smile at inakbayan ako paakyat ng kwarto ko.

He locked the door as I crossed my arms and raised a brow

"You may now leave me alone" sabi ko "Just making sure" sabi niya at niyakap ako

Nagulat ako sa ginawa niyang gesture. Nang kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin, he patted my shoulder at iniwan akong tulala.

Hindi ko alam pero siya ang pinaka understanding sa kanilang lahat. Tahimik siya ngunit may binubuga rin naman. Hindi siya hot-headed katulad dalawa kong Kuya. And I am thankful na naiiba siya sa kanilang lahat.

THE MONTEFALCOSWhere stories live. Discover now