Chapter 23

160 4 0
                                    

Vincent's P.O.V.

"Sir Anthony, pasensya na po. Wala po dito si Ma'am Alba" sabi ni Aling Nena, their maid

"Saan po kaya siya mahahanap?" tanong ko "Pasensya na po, Sir. Hindi ko po pwedeng sabihin" sabi niya

"Ate, kapatid niya ko. Kailangan kong malaman kung nasaan ang Ate ko" sabi ko

"Nasa San Nicolas po" sabi niya. I gave her a smile at nagpasalamat.

Anong katarantaduhan na naman ang naisip mo, Veronica?

I'm Anthony Vincent Zamora. I'm 35 at ako ang nakababatang kapatid ni Veronica. Well, Veronica ang tawag ko sa kanya dahil yun ang sabi niya noong mga bata kami. Ewan ko nga lang dun sa mga batang Zamora kung bakit din siya tinawag na ganon.

Pinaglayo kami ng pamilya ni Mama dahil sa aming ama na mahal na mahal ni Mama ngunit kailangan silang maglayo dahil nga sa kagustuhan ng pamilya namin

11 years old si Veronica at ako naman ay 4 years old pa lang nang maghiwalay kami. Pinatay si Mama ng mag-14 si Veronica at nang tumungtong ako ng 10 years old ay pinatay ang aming ama.

Nasa Maynila ako habang siya ay nasa San Nicolas. Nalaman ko na lang na nabuntis siya ng isang Zecova. Later on, pinapatay siya at ganon din ako.

--*--FLASHBACK--*--

"Oh, Vincent, apo. Magpahinga ka na dyan at ikaw ay pawis na pawis. Dapat nga ikaw ay nag-aaral at hindi kumakayod" sabi ni Lola Auring, ang aking Lola

"Nako, Lola. Makakapag-aral din po ako. Tiwala lang" sabi ko at siya naman ay napatawa

"Nako ka talagang bata ka" sabi ni Lola at pinunasan ang likod ko

"Eh, La. May balita na po ba kay Veronica?" tanong ko "Nung nakaraang 2 linggo ang nabalitaan ko ay nabuntis daw nung Oliver Zecova. Ngayon naman ay namatay na daw. Binaril tas sinunog ang katawan kaya ayun walang bangkay ang nakita" sabi ni Lola

Nagsimula akong umiyak. Wala na. Wala na kong pamilya. Wala na ang kapatid ko.

Napatigil ako ng marinig ko ang isang putok ng baril at nakita ko na lamang na nasa sahig na si Lola.

Isang nakaitim na lalaki ang nagtutok ng kanyang baril sa akin. Nanginig ako ng bigla niya akong kinuha at piniringan ang aking mata.

Binuhat niya ko at pinaupo. Nakasakay na kami ngayon sa kotse
___________________________________________

Pinababa ako ng lalaki at hinawakan ang aking balikat. Tahimik ang paligid. Mukhang nasa isang gubat kami.

"Boss, ano na ang gagawin ko dito sa batang ito?" rinig kong tanong niya

THE MONTEFALCOSWhere stories live. Discover now