Chapter 06

428 9 0
                                    

Akira's P.O.V

Now they're gate crashing this event? Hayst, ano pa bang sisirain ng pamilya na to?

"Adam Montefalco" Sir Brian called at Papa's name. Isang napakadilim na tingin ang ibinigay ni Papa dito at matalim na tingin naman ang kay Mama.

Palapit sila ng palapit sa stage kaya hinarangan na namin iyon.

"Well well well, if it isn't the famous Monteverde. How amusing" sarkastiko na sabi ni Ate.

"Tumabi nga kayo dyan. Harang kayo sa view eh" sarkastiko din na sabi ni Blake, ang pangalawang anak nila Brian at Rebecca Monteverde.

"Mas harang naman kayo sa view. Papasok na lang kailangan may pa 'red carpet' pa. Tsaka, umalis na nga kayo kung MANGGUGULO lang kayo ng PAMILYA mo" bulyaw ko sa kanila.

"How dare you!" at sasabunutan sana ako ng itulak ko siya, dahilan para mapaupo siya sa sahig.

"Don't 'how-dare' me, Blake. Dahil kayang kaya kong harapin ang lahat ng problema ng pamilya namin. But you? You always hide to your parent's back. So wag mo kong artehan. Dahil hindi ako katulad mo na tapang-tapangan!" I shouted at her.

"You little b*tch!" narinig kong hiyaw ng mga Kuya ni Blake na si Russell at ni Riley ng harangan nina Kuya Jacinth at Kuya Lucas ito.

"Not by chance na sasaktan niyo ang kapatid namin" sabi ni Kuya.

"Blake!" rinig kong sigaw ni Vixienne, the daughter of Oliver and Rhea.

"Anong ginawa niyo sa kanya?!" galit na tanong niya. Maraming guest ang nakatingin sa amin.

"Vixienne-" tawag ng Dad niya.

"No, Dad! Si Akira?! Isa lang naman yang WALANG KWENTANG anak nila Tita Veronica at Tito Adam!" at sinampal ako nito.

Lahat ay gulat sa pangyayari. But, imbes na indahin ang sakit ng sampal. I bursted a laugh as I snickered.

"Is that how your parents TAUGHT you? How to be a stupid troublemaker without even knowing na ginawa mo lang ang pinaka nakakahiyang move? At isa pa, kung sasampal ka lang din, dapat yung malakas. Yung...." tumingin ako sa kamay ko bago ako muling tumingin ng matalim sa kanya ".....hindi ako makakabawi" at sinampal ko siya ng malakas.

Ininda niya ang sakit ng sampal ko using her both hands at hinawakan ang pisngi niya.

"Oh dear, parehas lang pala kayo ni Blake. Hindi nag-iisip ng paraan kung paano mapapatumba ang kalaban" I said. Aalis na sana ako ng nakaramdam ako ng mahigpit na hawak sa magkabilaan kong braso.

I smirked "Oh the mothers now? Well, I don't care" I said.

Sinampal ako ni Rebecca at sinabunutan ako ni Rhea habang si Ate naman ang humatak sa akin at nagulat kami ng sampalin at sabunutan siya ni Rhea.

So, si Rebecca sa akin at si Rhea kay Ate.

Ha! Stupid

"ENOUGH!" rinig kong sigaw ni Mama at nakita ko na sinampal ni Mama ang dalawang bruha.

"You have no rights to hurt my daughters or my sons! KAYA UMALIS NA KAYO!" Mama shouted at them.

"Veronica....." rinig kong sambit ni Sir Oliver. Napatingin naman si Mama dito ngunit matalim.

"You heard our mother. Umalis na kayo bago pa kami hindi makapagtimpi dito" sabi ni Kuya Jacinth.

"Let's go, Oliver" pagtawag ni Rhea dito. At umalis naman sila.

Napatingin naman ako sa braso ko. Puno ito ng mga kalmot katulad din kay Ate.

"Those b*tches. They never learn" Kuya Lucas said.

THE MONTEFALCOSWhere stories live. Discover now