Chapter 01

3.7K 28 0
                                    

Veronica's P.O.V

Nakaupo ako sa upuan ng room namin ni Adam. Nag-aayos ako dahil Family Day sa school ni Jacinth, Xavier, Akira at Lucas. Nakakatuwa naman dahil magkakasundo sila. Si Jacinth at Xavier ang magkakambal at si Lucas ang sumunod. Si Akira naman ang bunso pero mas matured kaysa kila Jacinth, Lucas at Xavier.

Sabi pa nila na mas nakuha daw ni Akira ang mga traits ko. Sometimes, hindi ko minsan na mapigilan na ngumiti kapag sinasabi ng mga tao yon.

Si Jacinth naman daw ang nakakuha ng traits ni Adam sabi ng mga tao. Mas close si Jacinth kay Akira dahil parehas silang matured at seryoso mag-isip.

Si Xavier naman at Lucas ang mga childish type na teenager. Kaya, silang dalawa ang mas close.

I'm Alba Veronica Zamora-Montefalco. I'm 38 at ako ang Vice President ng Montefalco Empire Hotel & Casinos.

Biglang pumasok ang nakangiting Adam. He's wearing his light blue long sleeve, black pants at black shoes. He waxed his hair kaya ang gwapo niya ngayon. I smiled back.

"Tara na, Veronica Ko. Mamaya umalis na ang mga anak natin" sabi niya sabay halik sa pisngi ko "Di ba nila alam?" tanong ko

"Its a surprise, di ba?" sabi niya. Natapos na rin ako mag-ayos kaya sabay kaming bumaba. Ang tagal na rin namin kasing hindi nakapunta ng school nila dahil busy kami kaya ngayon pupunta kami.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Akira's P.O.V

"Bakit hindi pa ba tayo umaalis?" tanong ni Ate Xavier "Wala daw yung driver natin eh" sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Ate Xavier at Kuya Lucas. Sus, sanay na kami ni Kuya Jacinth na minsan wala yung driver dahil may problema din yung pamilya niya.

"WHAT?! Bakit pa tayo naghihintay dito?!" tanong ni Kuya Lucas "At tsaka bakit ngayon mo lang sinabi?!" natatarantang tanong ni Ate Xavier. I rolled my eyes

"Nagtanong ba kayo?" mataray kong tanong

"Kahit kailan talaga kuhang kuha mo yung katarayan ni Mama" sabi ni Kuya Jacinth ng seryoso ang mukha

Napatingin naman ako sa kanya "Eh ikaw nga eh kuhang kuha mo ang kaseryosohan ni Papa" sagot ko dito ng seryoso.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Ate

"Magtataxi malamang" I lazily said. Kahit kailan talaga di ginagamit ang utak.

"Anong magtataxi?" tanong ng lalaki sa hagdanan.

Si Papa pala kasama si Mama. Teka, bat bihis na bihis sila?

"San kayo pupunta, Ma?" tanong ni Kuya Lucas. Nagkatinginan sila at ngumiti. They looked at us back "Sasama sa inyo. Kaya don't call a cab" sabi ni Mama na ikinatuwa naming apat.

"Sumakay na kayo doon sa kotse ng Papa Adam niyo" sabi ni Mama habang nakangiti. Nag unahan naman sila Kuya at Ate. Sumabay kami ni Kuya Jacinth kila Mama.

"Its been a while since nagpunta kayo ng school? Bakit niyo nga po pala naisipan?" tanong ko. Mama caresses my hair.

"Well, wala naman kaming gagawin at isa pa we need to make time lalo pa't maglalaro ng basketball ang mga Kuya mo at ikaw naman ay maglalaro ng badminton. Bukas naman laro ng ate mo sa volleyball. Kaya papanuorin namin ng Mama niyo" pagpapaliwanag ni Papa. Kahit busy sila, they always make time for us.

And I totally forgot. I'm Akira Ross Marie Z. Montefalco. And I'm 16 years old.

Nakasakay kami sa kotse nila Mama. Nasa likod si Kuya at ako. Sila  Kuya Lucas at Ate ay sa gitna. Si Mama ay sa passenger seat at si Papa ang nasa driver seat.

"Are you ready?" masiglang tanong ni Papa

"We're good to go, Papa" sabi ni Kuya Jacinth

"Let's go" sabi naman ni Mama

This family is never complete without such loving parents

THE MONTEFALCOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon