Chapter 34

139 3 0
                                    

Akira's P.O.V

"Uulitin ko ulit ha? Anong alam mo sa pagkamatay ni Veronica Zamora?!" sigaw ko

"Aamin na ko!" sagot niya "Matagal ko nang pinagsisisihan ang pagsang-ayon ko sa plano nila. Ang pagpatay sa isang babaeng buntis. Gusto nilang makuha ang plantasyon na imamana ni Ma'am Veronica para itago ang mga baril at drugs na ibinebenta nila. Ipinakita lang namin dun sa isang Zecova na ang pagpatay namin dito. Hindi niya talaga nakita na binaril namin ito" nanginginig niyang sabi

"Isinakay siya sa isang van non at inihanda na naming barilin si Ma'am Veronica..Pero biglang may s-sumulpot na lalaki at pinagsusuntok kaming lahat. Binaril niya ang isa naming kasamahan..Nagising na lang kami, wala na roon si Ma'am Veronica at alam naming magagalit si Boss kaya sinunog namin ang bangkay non. H-Hindi alam nila Boss Maximus, Ma'am Lucy at Don Roberto ang tungkol sa bangkay ni Ma'am Veronica" dagdag niya

"Isinunod naman naming pinapatay si Sir Vincent..Ang anak ni Ma'am Venice na wala dito sa San Nicolas pero nabangga siya ng isang pulang kotse. Pinapatay rin nila si Ma'am Venice sa isang nakakagimbalang paraan. Parang awa niyo na..Wag na wag niyong sasaktan ang asawa't anak ko" pagmamakaawa niya sa akin

"Hindi ako tutulad sa ginawa niyong pagpatay sa kanila. Gusto kong aminin mo to sa mga pulis" sabi ko

"Hindi. H-Hindi ko pwedeng sabihin sa mga pulis. Makapangyarihan ang mga Zamora. Mapapahamak ang pamilya-"

I cutted him off "Mas makapangyarihan ang mga Montefalco sa kanila. Alam mo kung bakit? Dahil pinsan ko ang heneral ng kapulisan at ang mga magulang naman niya ay si Senator Zamira Montefalco at si President Ruel Levesque kaya't wag kang mag-alala dahil kayang kaya naming protektahan ang pamilya mo" I assured

"Salamat po, Ma'am" pagpapasalamat niya

I sighed "Kung gusto mo, lumipat ka at ang pamilya mo sa isang rest house ko dito malapit sa San Nicolas. Sa akin nakapangalan iyon kaya wag kang mag-alala. Kakausapin ko na lang si Kuya Alfredo na bigyan ka ng mga bodyguard. Wag na wag mong subukang tumakas dahil trained ang mga bodyguards na ilalagay ko don" pagpapaalala ko sa kanya

Halos halik halikan niya na ang mga kamay ko sa sobrang pagsasalamat niya. I rolled my eyes at tumingin kay Kuya Alfredo "Alam niyo na kung saan ihahatid yan, Kuya Alfredo. Tsaka kung saan nakatira ang pamilya niya para mas safe sila doon" sabi ko at umalis na

Agad naman akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito papunta sa ospital

Soon, the Zamora Family will fall beneath the abyss and I would love to watch Mom smile in relief
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Veronica's P.O.V

"Ma, magpalakas ka ha? May tatapusin pa tayo" sabi ni Xavier sa akin habang hawak ang kamay ko

"Of course. Pero nakita mo ba ang kapatid mo?" tanong ko. Kanina ko pa napapansin na wala si Akira

"Baka umuwi lang sa bahay para kausapin sina Maddox at Aster, Ma" sabi niya at tumayo para balatan ako ng mansanas

"Ok" sagot ko

Nalipat na kasi ako sa isang private suite at hinihintay na lang ang pagrecover ko

Nakita ko naman na bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa non si Akira. She closed the door at pumunta sa couch at naupo

"San ka nanggaling?" seryoso kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa utak niya

"Magpahinga muna po kayo at kapag nakalabas na kayo dito, Ma. Sasabihin ko lahat lahat kung anong nangyayari at kung saan ako lagi nagpupunta" sagot niya at humiga

"Tell me. Now" I said with full authority. She looked at me and I saw a smirk on her face

"Nahanap ko na kung sino ang kumidnap kay Ate and he had some informations about your murder and Lola's death" sabi niya habang nakangisi

Handa na ba kong malaman kung sino ang nagbalak na pumatay sa akin?

THE MONTEFALCOSWhere stories live. Discover now