Chapter 08

226 4 0
                                    

Chapter 08

Pagkababa ko palang ng hagdaan ay napansin ko na agad na may kakaiba sa bahay namin. Agad akong dumiretso sa kitchen para hanapin ang mga kuya ko. Kaso mukhang wrong choice of place ata ako? Wala kasing tao. Ang nakakapagtaka lang, dito ko naman sila laging nakikita sa umaga.

"Kuya Yeul? Kuya Yuki? ---- Kuya Yuri?" I called, pero walang sumasagot.

Nasaan na kaya yung mga yun? Di namna sila umaalis ng walang paalam a? Dumiretso ako sa message board sa may living area baka may iniwang silang note, medyo OC kasi si kuya Yeul kaya gusto niya ay organized ang lahat kaya gumawa siya ng ganun sa may wall sa may living room para daw madaling makita.

And tama nga ako, may dalawang sticky note na nakadikit sa board. And it's from kuya Yuki and kuya Yuri. I read kuya Yuki's note first kasi alam kong mas may sense yung note niya compared kay kuya Yuri.

'Lee, I have to go early, we need to practice for our song

for the incoming battle of the bands this coming

COE week. Love you, baby. Ingat sa pagpasok!'

                                                   -Kuya Yuki.

Napangiti ako sa note ni Kuya Yuki. Hilig niya lang tumwag ng 'baby'. Pero COE week? Oo nga pala, sa 2nd week na yun ng December and 3rd week na ngayon ng November. Hay nako. Busy nanaman sila niyan. Last year halos di ko na sila nakikitang umuuwi ng bahay e.

Sinunod ko namang basahin yung note ni kuya Yuri, wishing na may sense ito at may makukuha akong matinong reason.

'To my dearest Lee, your kuyang Pogi's out

 early b'coz your kuyang Pogi needs to buy

some fresh meat and vegies for our dish later.

Cooked you your favorite bfast. It's in the

microwave. Love you! Ingat.'

                                                 -Kuya Yuri POGI :)

Hindi ko ba naman alam kung matotouch ako kay kuya Yuri kasi pinagpreprare niya ako ng breakfast or matatawa kasi ang feeling niya masyado. Sabi ko na nga ba, mas may sense ang note ni kuya Yuki e. 

But either ways ay nakakatuwa padin sila kasi nag-effort padin silang magsulat ng note para inotify ako na they're not home. And kahit na mas convenient ang magtext ay talagang nagtake time padin sila to write me a note. 

But wait. Where's kuya Yeul? Bakit di pa siya gising if he's home? Umakyat ulit ako sa taas to check if he's there pero wala din siya sa room niya. Saan naman kaya siya pwedeng pumunta. If my memory serves me right is Saturday ngayon kaya wala siyang pasok. Hay nako, mamaya ko na nga lang yun iisipin, at baka malate pa ako. Jusmiyo naman kasi ng schedule ko, ang sakit sa bangs.

-----x---

Pagdating ko sa may annex ay wala pa akong kaklase. I check my watch. 7:30 na ah? Bakit wala pang tao dito?

"Shit!" napamental facepalm nalang ako ng wala sa oras. Ngayon ko lang naalala na 9 pa nga pala ang pasok ko. Ugh! Nawala sa isip ko!

"Good Morning!" Paglingon ko ay isang babaeng todo kung makangiti ang bumungad sakin. "Uhm, may class ka ba?" Tanong pa nya.

Naweweirduhan man ako ay sumagot padin ako. "Wala pa," Okay, ang weird niya talaga! Teka ano ba to? Ambush interview? Prank?

"Good!" Nagulat naman ako nung sumigaw siya. "Ah, ano kasi e, naghahanap kami ng mga bagong members sa Archery Club." paliwanag nito. "Baka lang interesado ka."

She's The BossWhere stories live. Discover now