Chapter 05 -Pierre meets Diday/Yulie meets Gummy-

257 6 3
                                    

Chapter 05



[Pierre's POV]



"Kuya Pyew! Kuya Pyew! Let's go to the mall, pliiith." Narinig kong bulong ni Gummy saakin. Inaantok pa ako at sa totoo lang ay ayoko siyang pansinin. Pero hindi ko kaya. She's too adorable to ignore. Ugh. Ang aga naman mambulabog ng batang 'to. Minsan na nga lang dumating ang Thursday sa isang linggo at ngayon na nga lang ako mawawalan nang ginagawa e ngayon pa n'ya naisipang mambulabog. Tsk.

'Yung free-day ko mukhang magiging 'baby-sitting day' pa. -__________-

I opened my eyes just to see Gummy jumping up and down on my bed. "Kuya Pyew! Wake up! Kuya Pyew!~~"

Agad akong napaupo sa kama ko ng wala sa oras. "Hey! Hey! Stop jumping, Gummy! Baka ka mahulog!" Bigla naman s'yang tumigil nung napagtanto n'yang nagising na n'ya ako. Hanep talaga ang batang 'to. Ang lakas mangulit sa umaga.

"Kuya Pyeeeew~!!" Nagulat naman ako nang bigla n'ya akong dambahan. "Aray ko, Gummy!"

"Hahahahahahahahaha!!" Aba't talagang! Tuwang-tuwa pa, nasaktan na nga ako!

"Kuya Pyew, Let's go to the mall~!!" Sabi n'ya ulit sabay kiss sakin. Yuck may kasamang laway pa! 'Di nga tumutulo ang laway ko pag natutulog, isang kiss naman mula sa bata na 'to ay solve sa laway ang pisngi ko!

"Hahahahahahahaha! Kuya Pwey, you look like Gaho!!! Hahahahahahahaha!" O, ngayon, ikinumpara naman ako sa aso. Ayos talaga ang batang 'to sa kulit. Nakainom ata ng Royal. Tsk. Napagkamalang vitamins at inaraw-araw kaya nasobrahan sa kulit. Nailabas lahat.

"Ok, ok. Just stop murdering me. Sige na, dress up ka na. We're going after I take a bath." Pagkasabing-pagkasabi ko nun e agad s'yang bumaba sa kama ko at kumaripas na s'ya nang takbo palabas ng kwarto ko.

Matutulog na sana ulit ako nang biglang bumukas nanaman 'yung pinto at sumilip si Gummy. "Kuya Pyew, fastew (faster) ok? I weally (really) wanna go to the mall!" Bilin n'ya sabay alis agad.

Grabe. Ang hirap magkaroon nang kapatid na bata. Mahirap na masarap. Mahirap kasi 3 years old lang si Gummy, and sobrang laki ng age gap naming dalawa. Masarap kasi, everytime na nakikita ko s'ya nawawala 'yung pagod ko kasi lagi n'ya akong nilalambing. Naligo na ako tsaka bumaba. Inabutan ko sina Ian sa baba at nilalaro si Gummy.


"Ayos ang timing n'yo mga bro. Tara sa mall."



-xoxo



"Kuya Ian, Kuya Kent, Kuya Bewn, Kuya Pyew." Gummy called us kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Yes? What do you want, Princess Gummy?" Tanong naman ni Burn.

"I want an ice kwiiim!!" Sagot n'ya sabay pout at puppy eyes. Napatawa naman kaming apat. Ang cute kasi magpaawa ni Gummy e. "Pliiith???"

"Ok, ice kwim lang pala e!" I can see the enthusiasm on Ian's eyes. Isip bata talaga ang isang 'to.


Dumiretso kami sa DQ tapos nag-order ng blizzards tsaka naghanap ng table.


"Ice 'to, Pierre. Mukha tayong mga yaya-- Gwapong mga yaya pati macho pa." Nakangising sabi ni Kent. "Sana tulad ni Gummy e cute din ang maging anak namin ni Chilton."

She's The BossWhere stories live. Discover now