Chapter 22

96 1 0
                                    

Chapter 22



Naghahanap ako ng magandang book na basahin sa kwarto ni Mommy. Wala kasi akong magawa sa bahay, hindi naman ako makalabas dahil nag-s-snow. At ayokong lumabas pag nag-s-snow. Bakit? Hindi ko din alam or mas apprpriate yung term na hindi ko trip ang snow. I know ang weird kasi yung iba ay gustong gusto ang snow to the point that they even go to other coutries just to experience it. But not me, I don't like yuki (snow). Hindi ko din naman maaya maglaro ng card or board games sina kuya dahil mga nakahilata pa sa kama. Ito ang ayoko sa Japan e, masyadong malamig. At pag malamig ay tinatamaan ng katam ang mga kuya ko. Mas gusto nilang matulog kesa gumawa ng kung ano.


Isa pang hindi nila magawa ay ang rumampa ng mga nakaboxers lang. Unlike kasi sa Pinas na kahit malamig ay pwedeng pwede kang magshorts or magboxers kung gugustuhin mo. Hindi nila magawa yun kasi maninigas sila ng sobra sa lamig. Dito paglumabas ka ay kailangan mo pang maglayering ng damit. Haaaay, nakakamiss tuloy ang panahon sa Pinas.


"Ano kayang magandang basahin?" Pinadaanan ko ng tingin yung mga librong nasa bookshelf. Walang interesting na title. Halos puro tungkol sa cooking to e. Talking about your mom being a chef. Ugh.


"Wala ka paring mahanap na book, anak?" Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang may magsalita.


"Mom! You scared the hell out of me!" Tuluyan na ngang pumasok si mom sa kwarto habang tumatawa at umuiiling iling pa. Grabe talaga tong si mommy, masaya pa siya na halos atakihin na ako sa puso dahil sa kaniya. Tsk.


Pumunta siya sa kabilang bookshelf at may kinuhang libro. 'Pride and Prejudice' yung title na nakalagay. Mukhang luma na yung libro based sa kulay ng pages nito.


"I'm not reading that — that Pride and Prejudice book, it sounds boring mom. Tsaka ang pangit ng cover o." Natawa naman si mommy sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Totoo naman a? The book was old like, mas matanda pa nga ata yun kaysa saakin.


"Anak, narinig mo na ba yung kasabihang, 'don't judge the book by it's cover'?"  Tanong niya.


"Mom, are you really applying that on a book, like literally?" Natawa ulit si mom sa sinabi ko. Masyado atang masaya si mom ngayon. What's new? She's always like that, yung tipong happy forever? Ewan pero since nung naghiwalay sila ni diday ay naging ganiyan na siya pero mas gusto ko na siyang ganiyan kesa yung lagi siyang umiiyak. My poor mom. I remember when dad left us she's so devastated and heartbroken. Nakakatulugan na nga lang niya yung pag-iyak nung mga times na yun.


"Anak, applicable yun sa lahat. Mapatao o mapalibro, hindi dapat hinuhusgahan. So kung ako sa'yo I'll give it a shot. So go, basahin mo na. Maganda yan." She smiled at me and that was my cue to sigh in defeat. 


Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang basahin yun. May tiwala naman ako kay mom e, so I'm hoping na maganda nga to. Dumiretso na ako sa room ko para simulan yung book. Saktong pagkabukas ko ay may picture na nalaglag.


I picked it up. It was an old picture of mom and dad—- and a girl that I don't know. If I'm not mistaken ay kuha ito nung high school pa si mom based sa uniform na suot nila. Mukhang ka-same age ko lang dito si mommy. So kung 38 na siya ngayon at 16 lang siya nung kinuhaan to ay approximately mga 22 years ago na itong picture na to. Jeez! Para ko narin nakita yung sarili ko, magkamukhang magkamukha kami ni mommy dito. Diday looked like kuya Yeul at first pero pag tinitigan mo ay makikitang mas kahawig niya sina kuya Yuri at Yuki. But who's the other girl? Best friend kaya nila to? They look so close kasi e.

She's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon