Chapter 02 -Kasi nga-

364 6 0
                                    

Chapter 02



"If my memory serves me right ay nagpamigay ang mga advisers n'yo ng mga handbook 'di ba? So you should know the norms of conduct and the rules and regulation here in CS." Dean stated like it's a somewhat fact at napatango naman ako.

"Pero, Dean. 'Di ko naman po sinasadya yung nangyari kanina e." Paliwanag ko.

"Pero malinaw na nakalagay sa handbook n'yo, sa Norms of conduct, that all CS students must strive Respect for the rights of others, politeness and courtesy, and self-dicipline. So now tell me Ms. Sandiego, tama ba yung ginawa mo kay Mr. de Chavez?"

"Dean, di ko po talaga sinadya yun. Tsaka considered self-defense po yun. Ayaw n'ya po kasi akong tigilan e!" sabi ko kay dean tsaka ako tumingin nang masama kay Pierre. Nakakainis ang lalaking to. Kahit kailan ay pahamak talaga. Ugh.

"Dean, away magboyfriend-girlfriend lang po 'to. May tampo lang po s'ya sakin kaya ganyan." Pierre piped in kaya naman napalingot ako sa kaniya. Ano ba ang pinagsasasabi ng isang 'to?! Anong away magboyfriend-girlfriend?! Sa sobrang inis ko ay sinipa ko yung paa n'ya. Bwisit na 'to. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang pinagsasasabi!

"Ms. Sandiego!" Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses ni Mr. Morales kaya agad kong ibinalik yung tingin ko sa kaniya. Hala! Nakita n'ya pala yung ginawa ko. Bwisit talaga! "I can't believe this. Dean's Lister ka paman din." dismayadong sabi ni Dean.

"Pero, Dean! Nagsasabi po ako ng totoo! S'ya po yung nauna." pag-alma ko naman.

"Dean, away magboyfriend-girlfriend lang po talaga 'to." Pierre interjected again.

"Hindi po totoo yun!" Pagtanggi ko na kuntodo iling pa ako. Mokong talaga 'to!

Patuloy kami sa pag-aaway ni Pierre nang marinig naming nagbuntong hininga si Mr. Morales.

"Okay, papalagpasin ko 'tong kasalanan n'yong 'to ngayon. Lalo ka na," Tsaka tumingin sakin si Mr. Morales. "But once na maulit 'to? I won't think twice na tanggalin ka sa list Ms. Sandiego. I hope that's clear to you." I nod my head yes. Tsaka naman s'ya tumingin kay Pierre. "And ikaw Mr. de Chavez, next time na susuyuin mo ang girlfriend mo e, mag-effort ka naman kahit konti. E 'di mo ata binigyan ng bulaklak at chocolate 'tong si Ms. Sandiego e." Tignan mo 'tong si Dean! Nakisali pa sa kalokohan ni Pierre e. Ang mokong naman tumawa pa.

"Hahaha. Opo, Dean. Susundin ko po 'yang suggestion n'yo." sabi nito tsaka ako kinindatan. Yuck lang.s

"Dean! nagpapaniwala po kayo sa mokong na 'yan! 'Di ko po s'ya boyfriend!" Pagtanggi ko, nakaka-asar talaga 'tong Pierre na 'to! Panira ng reputasyon kay Mr. Morales.

"Yulie, okay lang naman mag-boyfriend as long as 'di 'to nagiging distraction sa studies mo." Tignan mo 'tong si Dean, nakisakay pa sa mokong na 'to!

"Hindi nga po kami, Dean." pag-uulit ko. Baka this time ay maliwanagan na si Dean. Pero imbes na maliwanagan ay natawa lang s'ya sa sinabi ko at pinalabas na kami, napairap naman ako. Teka nga! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman lahat ng sinabi ko a! Nasa mukha ko ba na nagjjoke ako?!


-xoxo


"Pasalamat ka, effective yung palusot ko kay Mr. Morales." Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi n'ya.

"What? Why would I? Ang sabihin mo masyado lang mabait ang dean namin kaya ganun, kapal mo." sagot ko, tapos akmang susuntukin ko s'ya. "Mmmm!" Bigla naman s'yang nagback-off. "O-oy! Sige, subukan mo 'kong suntukin! Sisigaw ako ng rape dito!" Pagbabanta n'ya.

She's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon